"Please doc, save our Papa!" lumuluhang tugon ni Astrid sa doktora. "Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya," sagot ng doktora pagdakay hindi na sila pinahintulutan pang pumasok sa ICU. Napatakip si Astrid sa kanyang bibig. Agad siyang ikinulong ni Adam sa matipuno nitong dibdib. Na siyang nagbigay kagaanan sa kanyang mabigat na nararamdaman. Mahal na mahal niya ang kanyang Papa. Sana naman, 'wag muna itong kunin ng Dios sa kanila. Sana bigyan pa ng Dios ng pagkakataon na mabuhay ang minamahal nilang ama. Napaka-aga pa para kunin nito ang kanyang ama. Humagulgol siya sa dibdib ni Adam. Ramdam niya ang mahinang paghaplos ni Adam sa kanyang buhok. Para siyang bata na naghahanap ng kalinga. "He'll gonna be alright," lumuluhang tugon ni Yana kay Astrid. "How I hope, Yana," humihikbing

