Ngumisi si Renelyn ng paunlakan ni Orland ang kanyang biro. Ramdam niya ang kakaibang kilig na tagos hanggang buto. Kinagat ni Orland ang saging ng hindi sinasadyang mapakagat din si Renelyn sa kanyang pang-ibabang labi ng matitigan ang pulang labi ng binata. Damn it! Nagulat si Renelyn ng sikuhin siya ni Yana. Sabay bulong sa kanya. "Damn you, stop drooling!" mahinang sita ni Yana kay Renelyn. "Ang hot din naman kasi ng kuya mo," mahinang sagot ni Renelyn kay Yana. "Nasa lahi na yata namin 'yan," pabirong sagot ni Yana kay Renelyn. Kapwa sila nagkatinginan at pagdaka'y napangisi. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-iba ng ekspresyon ng hitsura ng kapatid na si Orland habang ang mga mata'y nakatitig sa maamong mukha ni Renelyn. Masayang kumakain ang magkapareha. Pagkatapos nilang kumai

