"Sir, kalma lang po. Hindi po nakabubuti sa inyo ang magalit ng labis, inumin niyo po muna ang inyong gamot, oras na rin po kasi," mahinahong paalala ni Renelyn sa Ginoo. Napatutop si Astrid sa gamot na ininom ng kanyang ama. No, It can't be! Bumalong ang mga luha mula sa kanyang mga mata. That kind of medicine is only for cancer patients, Methadone. "Wait," si Astrid at hindi sinasadyang masagi niya ang baso na may lamang tubig at mahulog iyon sa marmol na sahig at nabasag iyon ng pinung-pino. Binasa niya ang naturang gamot. Hindi nga siya nagkamali. "Yes, hija. M—may cancer ako," halos pumiyok ang boses ni Delmar ng aminin niya ang kanyang totoong kalagayan. "No!" bulalas ni Astrid. Si Jamal man ay nagulat at tila nanghihina. Napasulyap siya sa mukha ni Orland. "Is — is that

