TUB-14
Narinig ko na parang nagkakagulo sa ibaba. Narito ako sa Ikatlong palapag ng mansion. The old mansion mana pa sa mga ninuno ng mga Severillo. Matagal na rin na panahon ng huling pananatili ko rito.
Pero heto ako ngayon muling nagbabalik. Konti lang ang happy moments ko dito at 'yun ay ang mga panahon na kasama ko pa si Mom at naalala ko pa lahat ng pag aaruga sa akin nito.
Pagkatapos noon lahat ay masakit na mula sa pagkawala ni Mom, sa magulong buhay at sa mga elder na para bang akala ay mapapa iba ang yaman ng angkan na aking kinabibilangan.
Hindi ko naman ugali ang makialam kung ano ang mga ganap dito. Everyone in the family is very welcome pero hindi ko maintindihan kung bakit walang gumagawi dito.
Pero iba ata ngayon parang maraming tao. Iba ang pakiramdam ko, tila binubundol ako ng kakaibang kaba at excitement. I decided na bumaba para malaman at makita sino ang mga tao sa baba.
Alam kong hindi naman makakatira si Benida dito kaya baka nagrereklamo ang mga ito ng mag announced ang Ama ko na may anak pa ito.
Wala namang magagawa ang mga kamag anak ni Dad dahil s’ya ang sole heir ni lolo ako naman ay gano'n din sa kan’ya. 'Yun ang akala ko at ng iba pero hindi. Ilang araw ng na rin na buribot ang utak ko.
Hindi ko alam kung alin pa sa mga nalaman ko ang hindi totoo kakapit pa rin ako sa nararamdaman ko. Mananatiling tama ang nararamdaman ko mahirap man pero alam ko na papanig pa rin ang tadhana kung talagang ukol na sa amin ang pagkakataon.
Habang bumaba ako sa hagdan may naririnig ko ang ingay sa baba. Mukhang may pagtatalo ng nagaganap.
Hindi ko alam ang puno't dulo nito pero kung ano man iyon I'm willing to dig deeper para makuha lang lahat ng sagot sa aking tanong. Unti unting lumilinaw ang lahat.
"Hung hang ka talaga kung paniniwalaan mo si Benida!?!" sigaw ni Uncle Ros sabay ng galabugan ng mga bagay na nahulog.
"Tama si Ros, Hindi mo ba nakikita na gagamitin ka lang ulit ng Benida na 'yun. How sure are you n anak mo ang batang' yun?" Segunda naman ni Tita Riva isa sa mga pinsan ni Dad na malayo ang loob, ay lahat pala malayo ang loob.
"Hindi mo ba naisip Ren kung kapatid n'ya na at kakambal n'ya pa ay hinudas n'ya ikaw pa ba? ikaw na ang pinili ay ang kakambal n'ya kaysa sa tunay mong kasintahan? Wake up Ren?baka 'yan pa ang ikasari mo, ni Rex at ng angkan natin" sabi ni Tita Helna na s' yang pinakamalapit na sa amin kung ituturing. S'ya ang kaisa isang may matinong pag iisip at hindi pera ang habol.
Ayon din sa akin nalaman noon ang tatay lang ni Dad o ang Lolo ko ang tunay at legal na Severillo. Samantalang ang kapatid nitong ama nina tita Helna ay anak sa labas. Palaisipan man ay hindi ako nag tanong wala nga kasi akong pakialam sa iba
"Kung nandito lang kayo para sa mga ganyang bagay o mga salitang hindi makakatulong, better to leave. Kung sa tingin n'yo ay tanga ako, nagkakamali kayo we will held DNA test for assurance and if it's negative pagba-bayarin ko si Benida. But if it's positive I will them live with this house dahil may karapatan rin ang isa ko pang anak. And maybe we can give try again kagaya ng sabi n'yo s'ya naman talaga ang nobya ko. "Halos matulos ako ng marinig ko iyon. Si Tita Benida talaga ang nobya n'ya at hindi si Mom. At ano raw? May mga plano na pala s'ya na wala akong alam. Nakaka ngitngit ng damdamin sa ganito ko pa matutuklasan ang lahat. So sila pala dapat pero ba't sila ang ang nagkatuluyan ni Mom?.
“Maluwag ang pinto makakaalis na kayo, ayoko ng abutan pa kayo ni Rex. Hindi n’ya pa alam ang totoo kaya hindi dapat sa ganito n’ya”Hindi na natuloy ni Dad ang sasabihin dahil sumingit ako alam kong kabastusan pero pinili ko parbing gawin.
“Alin ang hindi ko paalam Dad,? Bukod sa anak mo ang babaeng ‘yun?Bakit hindi mo ngayon ipaliwanag para malinawan ako? At habang naririto pa ang iba!”tahasang pagsasabi ko sa aking ama. Mababanaag ang gulat sa mukha ng aking ama na para bang hindi pa handa na isiwalat o ibahagi ang lahat sa akin. Pero kailan pa pag huli na ba ang lahat?dahil ako may sarili akong buong plano.
“Rex, mag usap tayo mamaya. Huwag ngayon usaping pamilya ‘yun”sabi ni Dad na para bang nasukol ko matapos sabihin ‘yun ay tinalikuran ako hinarap ang mga pinsan nito. Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Dad at hindi ba n’ya tinuturing na pamilya ang mga pinsan n’ya.
“Ano Ren pang pamilya?Hindi na ba kami kasali sa pamilya na ‘yan?”sarkastikang sabi ni Tita Riva kasabay ng pagiling at kumpas ng kamay nito.
“Ano Ren dahil sa anak sa labas ang tatay nami kaya ganyan? Hindi ba kung sakali ay anak ‘din sa labas ang inaangkin mong anak n’yo ni Benida?” Galit at mapanguyam na tanong ni Tita Helna. Halatang dinamdam nito ang sinabi ni Dad. Lingid sa kaalaman namin may nakikinig pala sa kumosyon namin.
“Tama na ‘yan umalis na tayo dito mukhang noon pa naman never tayong naging parte ng ang angkan nila. Hindi kaya walang minana ang ama natin maging tayo. Anong nakuha natin tanging apelyido!”Pag-aaya ni Tito Ros sa dalawang babae bakas ang matinding inis, disappointment at pagkabigo. Hindi ko alam na may ganitong issue pala sila na hanggang ngayon ay hindi nalilinawan.
“Well talk about it later Ros, Riva and Helna let me settle first our family matters. PLease leave!” Si Dad na puno ng authority habng nakaturo ang kamay sa pinto na bahagyang nakaawang.
Pailing iling sina Tito Ros at Tita Riva si Tita Helna naman ay tuluyang namaalan ng emosyon ang mukha. Mabilis na gininda ng tatlo ang pintuan sa gulat ng tatlo ay naroon pala ang babaeng sangkot sa usapan kani-kanina lang.
Mukha rin naman na nagulat ang babae hindi siguro inaasahan ang mabilis ang paglabas ng mga tao sa loob. Nabistra naman sa mukha nito na halos siguro lahat ng usapan ay narinig nito. Ako ang unang nakabawi kaya agad akong nagsalita.
“Oh, Hi dear sister. Your finally here come let me do the honor of introducing you to our Tito and Tita’s” Mapang asar kong sabi sa babaeng nakatingin lang sa akin. Wari’y ako lang ang nakikita n’ya. Bahagtyang nagdiwang ang aking kaloob looban dahil kumpirmadong may epekto ako sa babaeng ito.
“Tito Ros, Tita Riva and Tita Helna meet my gorgeous half sister/cousin Misha. Opss Adi pala”Alam kong masama ang rehistro ng mga salitang binibitawan ko pero gusto ko lang iparating sa babae na never ko s’yang i-acknowledge us my sister no over my dead flesh body. Asawa pa maari.
“Oh well s’ya pala hawig nga ni Benida but don’t see any similarities kay Ren.” Tahasang sabi ni Tita Riva. Nagalak naman ako dahil may mga kakampi ako maaring iba kami ng dahilan pero mahalaga hind rin sila naniniwala.
“Let’s go! Hindi naman tayo kailangan dito hindi tayo pamilya”sabi ni Tita Helna mababa ang tono pero bakas ang kakaibang pakitungo alam ko kasi noon pa ay malapit ito kay Dad mukhang may kakairingan pa sila.
Tuluyang lumabas na nga ang magkakapatid. Nabalot ng katahimikan ang buong paligid kahit si Dad hindi nagsasalita pero bakas ang saya nito ng makita si Misha/ Adi o kung sino man ito. Ang tanging malinaw sa akin mula noon hanggang ngayon s’ya lang mahal ko. Bata pa lang alam ko na at hindi na ito magbabago kahit maging tunay na magkapatid kami babaliin ko ang lahat para lang sa damdamin kong matagal kong ikinulong para lang pangalagaan sa puso ko ng babaeng ito.
Dito magsisimula ang lahat ang mga bagay na mas mag papagulo sa amin. Kailangan ko ng tulong mula sa kaibigan ko na alam kong hinding hindi ako tatanggihan at bibiguin. In times like this si Darius ang maasahan ko kahit may sariling problema ay bukas pa rin ito para bigyan kami ng tulong. Ang iba naman ay gano’n rin pero mas mabuting si Darius muna mas konti ang nakakaalam mas maliit ang chansa na ma bulilyaso ang planong ilalatag.