Nagdadalawang isip pa ko kung tutuloy ako nasa harapan na ako ng napakalaking bahay. Nakakasiguro naman ako na wala si Benida dito pero ewan ko ba iba ‘yung pakiramdam ko.
Napatingin ako ng sitahin ako ng security guard kaya agad ako nagpakilala mukhang gulat na gulat naman ito ng malaman kung sino ako.
Hindi ko alam kung na inform na ba sila sa posibleng pagdating ko at kung ano ba o sino ba ako. Kaagad din naman akong pinapasok akmang aalayan pa sana ako nito pero sinabihan ko na kaya ko na.
Humingi rin naman ito ng paumanhin dahil sa naging asal. Ayos lang naman ‘yun sa akin dahil trabaho n’ya iyon pag may kahinahinala tama lang ‘yung action n’ya.
Binaybay ko ang buong hardin dahil tingin ko ay doon ako may naririnig na boses. Nakita ko ang naka awang na pinto. Doon nga nagmumula ang ingay mukhang may pagtatalo pa.
Pinili kong manatali sa aking pwesto at makinig mali man pero gustong kong malaman ang lahat. Hindi ko mapigilan na hindi magulat sa mga nalalaman ko para bang kwento sa pelikula ang buhay pag-ibig nila noon at nasasangkot pa kami ni Rex sa ngayon.
Matagal na ako sa aking pwesto at marami na o malayo na ang tinatakbo ng usapan nila sa loob peo napukaw ang aking atensyon ng may pamilyar na boses ang aking narinig walang iba kung hindi si Rex.
Kagaya ko ay parang hindi rin n’yakayang i-digest ang mga narinig nito. Akala ko nga ay tataas ang tensyon pa dahil sa iba’t ibang palitan ng mga salita at batuhan ng mga hinala o haka haka.
Mababakas ang iba’t ibang emosyon alam ko sa mga oras na ito ay kan’ya kan’ya silang pagpipigil ng mga ibang damdamin.
Ngunit laking gulat ko ng bumukas ang pintuan at tatlong mga hindi naman katandaan na babae at lalaki ang bumulaga sa akin. Hindi kaagad ako nakabawi maging mga ito nagtagal pa nga bago din nagsalita si Rex at talagang nakakainis ang paraannito ng pagpapakilala sa akin sa mga kamag-anak nila mga Tito at Tita n’ya.
Hindi pala dahil mga Tito at Tita ko na rin hindi ko alam kung bakit gano’n s’ya. “Ows hindi mo talaga alam Misha/Adi?”tanong ng isang bahagi ng utak ko.
Ano ba ito pati utak ko nakiki-join sa pag-alaska sa akin. Halos lamunin na kami ng katahimikan ng umalis ang tatlong na unang bisita. Ang hirap ng sitwasyon mabuti at si Rex ulit ang nagsalita.
“Dad, your daughter is here. Hindi mo ba aasikasuhin ang anak mo?”sabi ni Rex na sa akin lang nakatingin habang walang ka emo-emosyon ang mukha. Tila naman natauhan ang lalaki at agad na bumaling sa akin at binati ako.
“Hija, finally your here. Mabel, Leticia halika kayo”tawag ng Dad namin sa mga kasambahay siguro. Maya maya lang ay may dalawang babae na lumapit at mga umipormado ng pang kasambahay.
“Senior, Ano pong maipaglilingkod namin?”tanong ng isa na may katandaan. Siguro ay si Leticia agad naman bumaling sa akin ang babae at minaadan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko naramdaman ang pagka-asiwa o pagka bastos dahil maayos ang pagkakasuri nito sa akin.
“Leticia, Mabel this is Misha/Adi anak ko s’ya at dito na rin mamalagi sa bahay na ito. Please treat her like you treated us. For now bring her sa kwarto na nakalaan para sa kanya, mukhang gusto muna ng anak ko na magpahinga at maghanda kayo ng marami for dinner.
Sige na Adi hija sumama ka muna sa kanila para magpahinga mag-uusap lang muna kami ng kapatid mo”malumanay salita ng lalaki na tatay ko raw, magkaganon man ay puno pa rin ng authority bawat bigkas nito ng salita.
“Sige po magpapahinga muna po ako salamat po D~dad, Kuya Rex magpapahinga po muna ako bawi ako later bonding tayo”feeling ko nakaganti ako lalaking ito banas na banas ang mukha nito. Animo’y nandidiri ng tawagin kong kuya.
“Tara na po Ma’am ihahatid na po namin kayo kami na po magdadala ng gamit n’yo”sabi ng isa pang babae ito siguro si Mabel. Ngunit hindi ako pumayag dahil kaya ko naman kaya sabi ko ay ako na. Noong una ayaw ng mga ito dahil trabahano daw nila pero wala silang nagawa kaya sinunod na lang nila ako.
Sa ikatlong palapag ako dinala medyo madaldal si Mabel at tinuro din ang kwarto ni Rex wala dito ang silid ng aming ama daw, tanging kami lang raw na magkapatid ang umuukopa sa buong palapag na ito. Kakaibang excitement ang nararamdaman ko para bang totoong nag bahay bahayan kami ni Rex sasabayan ko ang bawat kalokohan nito sa akin matira matibay.
Napaka ganda naman ng silid na pinaukopa sa akin para akong prinsesa at halos lahat ng kailangan ko ay naririto na hindi ko alam kung sino sa kanila ang bumili nito.
Maya maya ng maayos na nina manang Leti at ate Mabel ang mga gamit ay binalingan nila ako pawang mga nakangiti.
At oo tama kayo gusto nilang ate at manang kaya sinabi ko na Adi na lang ang itawag nila sa akin. Medyo naging mapaglaro ang ngiti ni Ate Mabel bago nagsalita.
“Akala ko Adi ikaw ‘yung jowa ni Rex gulat ko sabi magkapatid kayo. May litrato ka nga sa kwarto ni Rex e, saka mga gamit mo dito s’ya bumili hindi halatang excited s’ya diba Mang Leti”sabi nito na puno ng kuryosidad at mapaglarong mga tingin na sinasabayan pa ng pagtulis ng nguso. Animo’y bagets na bagets pa si Ate Mabel. Si Manang Leti naman ay napapailing sa mga sinasabi ni huli.
“Nako Mabel ka ng awa tantanan mo ‘yan at baka marinig ka ni Senior, sabihin e, parang binubugaw mo ang mga anak. Pero Hija, parang may mali ‘wag ka sanang magagalit gusto ko lang naman maging totoo sayo ah, pasensya ka na talaga kasi wala akong makita na pagkakahawig n’yo ni Senior kahit nga kay Benida ay malayo din”Mababang sabi ni Manang Leti habng paulit ulit akong sinusuri. LIkid sa kanilang kaalaman ay nagdiriwang ako sa mga sinasabi nila.
“Wala po ‘yon sa akin. Masaya nga po ako at ngayon lang tayo nagkakilala pero naging totoo kayo agad sa akin maraming salamat sa’inyo po.”Buong katotohanan at pusong sabi ko sa kanila mas higit na lumakas ang kutob ko na walang wala talaga kaming koneksyon ni Rex. Tuloy ang oplan landian sabi ng isang bahagi ng isip ko.
“Salamat Hija at nauunawaan mo ‘yung akin lang naman ay sa nakikita ko. Paano kami ay lalabas na magpahinga ka ayt maghahanda kami ng hapunan gusto ko ma-impress ka sa amin. Oh s’ya lalabas na kami at ‘wag mong intindihin itong si Mabel at hopeless ‘romantic ito.”Sabi ni Manang leti habang si Ate Mabel ay paingod-ingod at nanunulis ang nguso.
Hindi ko mapigilang mapatawa sa akto nito salamat sa kanila bahagya nawala ang kaba ko at nabawasan ang alalahanin. Tumataas ang kumpyansa ko sa sarili. Ano na kaya ang pinag uusapan nila Rex at Dad nito?sa totoo lang asiwa akong tawagin na Dad ito pero kasama ‘yun sa pagpapanggap lalo’t sa harapan ni Benida.
Nang lumabas na ang dalawa ay na isipan kong maligo muna at matulog maaga pa kaya mahaba pa ang maitutulong ko.
Siguro alam siguro nila na late na kaya hindi na ko tinanong kung kumain na ko pero paano pala kung walang kain ako. Mabilis lang ang ginawa kong pagligo at pagkatapos nagpapatuyo agad ako buhok.
Parang hinihila ako ng kama kaya ng bmatuyo ay humiga na ako. Sa nanlalabong mata parang may naaningan akong bulto na palapit hindi ko naman nararamdaman ang panganib sa taong ‘yon, pero dala na rin sa kaantukan ay dinala na ko sa kadiliman.
Hinihiling na sana sa aking pag gising mas maging magaan naman at maayos ang lahat.