“Rex try to be nice to Adi, please naman ngayon lang ako hihingi ng pabor sayo Anak”puno ng pagsamo na sabi ng aking ama oara bang nakasalalay ang lahat sa magiging pagtanggap at sagot ko.
Narito kami sa library dahil nga may mga bagay at usapin kaming dapat linawin sa isa’t isa.
Mataman ko lang tinititigan si Dad hina-hayaan ko lang muna s’ya na magsalita hoping na baka mabuksan ‘yung kanina lang issue sa baba pero sa tingin ko iniiwasan ni Dad ‘yun ng pilit.
“Rex, hayaan mo naman na makasama ko si Adi para naman makabawi ako sa kan’ya anak ko rin s’ya”sabi ulit ni Dad. Grabe his very sure na anak n’ya si Adi/Misha o baka naman si Tita Benida talaga ang dahilan sa haba ng panahon ngayon ko pa talaga nalaman ang namagitan o namamagitan sa kanila.
I want to know the truth ayoko ng may filter gusto ko klaro baka masigurado ko bawat hakbang. Hindi ko mahanap ang boses ko kahit gusto ko ng magtanong at malaman ang lahat. And finally kaka-buntong hininga ko ay umalpas na ang aking tinig.
“How sure you are na anak mo s’ya wala pang DNA test?Parang siguradong sigurado ka na Dad. May lukso ba ng dugo Dad?o baka naman dahil mahal mo so Tita Benida kaya mo ina-angking ang anak na sinasabi n’ya para hindi na kayo mahirapa pa na magsama pa?Minahal mo ba ang Mommy ko?Let me rephrase may pagmamahal ba na nabuo sa’inyo o sadyang na buo lang ako?”
I want to know the truth and the complete details in your story. Hindi ba deserve ko naman ‘yun Daddy?”buong tatag kong sabi habang titig na titig sa aking ama. Hindi ako papayag na palalampasin ang pagkakataong ito. It’s now or never.
“Rex don’t push me to my limit ayoko ng balikan ang nakaraan anak masyadong masakit, malalim ang sugat na naidulot no’n at maling mali talaga ang nagawa ko”Pag-iwas nito na para bang may iniwasan itong topic na dapat ‘di ko malaman.
“What?Maling mali at masakit Dad!, kabilang kami sa nakaraang ‘yun kung mali ang nangyari no’n tama ba ang sa ngayon?Ibig bang sabihin mali kami ni Mom for you at sina Tita Benida ang tama gano’n ba?”malakas na ang tano ko sa pagsasalita dahil masakit sobrang sakit naman na para bang kami ang isa sa maling nangyari sa buhay n’ya.
“Tang’na”Bulong ko .Ang sakit buong buhay ko para ko lang s’yang guro o instructor para sa mga dapat kong gawin, hindi ko nadama na kahit minsan naging ama ko s’ya.
“What now Dad?Ipaliwanag mo kahit masakit para malaman ko at malaman mo rin ang saloobin ko sayo! Buong buhay ko”Malakas hanggang papahina kong sabi lalaki ako dapat matapang hindi ganito. Pero paano ang gagawin ko puno akong tanong na hanggang ngayon walang sagot.
“Gusto mo ng katotohanan Rex?Kaya mo bang malaman na ang Mommy mo ang sumira sa amin ni Benida na nagpanggap ang Mommy mo na si Benida kaya ka nabuo? Kung kaya mo sige ipapaliwanag ko”marahil ay napuno na si Dad. Gulat ako sa mga sinabi nito pero mas pinili kong alamin ang lahat para may clue ako sa lahat. Masakit dahil wala na si Mom still nasisisi pa rin s’ya. He never loved my Mom and especially me. Everyone didn't love me then. Tama nga na unwanted billionaire ako. Matapos kong makahuma ay kaagad naman sumagot kay Dad.
“Yeah sabihin mo na ang lahat para tapos na”pinatatag ko ang boses ko na waring hindi naapektuhan sa mga narinig ko mula sa kanya.
“Fine, umpisahan natin sa umpisa.”sabi nito na ikinatango ko naman. Kaagad rin naman itong nagsalita upang makapag-umpisa pero bago ‘yun tinuro nito ang upuan hindi ko na pala nagawang umupo. Nang maka-upo na ako nagpakawala ito ng sunud sunod n buntong hinga.
“My first girlfriend and last was Benida your mom twin sister alam ko na may kambal s’ya ‘yun nga ang Mommy Braenette mo.
Everything seems good dumadalaw ako sa bahay nila okay na okay naman medyo close na rin kami ng Mom mo that time.
Sa tuwing may misunderstanding kami ni Beni s’ya ang nakakausap ko mabait ang Mom mo masyado lang prangka at vocal.
Isang hapon na bumisita ako sa bahay nila hindi pa kami maayos ni Benida
dahil sa isang simpleng away na kung tutuusin naman ay mababaw.
Doon umamin ang Mom mo na mahal n’ya na ako na kung pwede na s’ya na lang. Wala na s’ya kaya ayoko na sanang pag usapan pa pero nandito na.
She begged na sana s’ya na lang that was the first time I saw her so desperate.”sabi ni Dad parang nito lang ang pagkwe-kwento mababakas ang iba’t ibang uri ng emosyon.
“Ayokong mag iba ang alaala mo sa Mom mo Rex. She’s now at peace. Do you want me to continue anak?”Tanong nito na para bang nag-aalangan. Isang kumbinsidong tango ang binigay ko rito at ng mukha naman ng nakumbinsi ito ay nagpakawala muli ng isang matunog na buntong hininga.
“After the day na nagkagano’n si Brea ay iniwasan ko ito. Mukha naman napansin din ito ng iyong ina k’ya mismong ito pag ako’y bibisita ay nagkukulong na s kwarto.
Sabi ng Tita Benida mo naging tahimik raw ito hindi ko naman nasabi sa Tita mo ang nangyari s amin ng iyong Ina.
Lumipas ang buwan at nagpatuloy ang relasyon namin ng iyong Tita malimit itong magalit sa akin dahil sa kanya ako laging nagtatanong tungkol sa kalagayan nila ni Brea at dahil doon ay pinagseselosan na ito ng iyong Tita k’ya na buo na sa isip ko na dapat ay tuldukan na’yon.
Doon ko binuo ang isang plano to propose kay Benida hindi ko alam na iyon din ang magiging dahilan ni Brea para gumawa ng bagay na habang buhay naming pagsisisihan.
The night of may proposal para kay Benida si Brea ang dumating hindi ko nadama ang pagkakaiba hindi ko alam at masabi kung bakit. Sa sobrang kasiyahan doon naganap ang isang pagniig at naging bunga ka.
Halos mabaliw ako ng bumungad sa akin ang luhaan ng si Benida. Sobra sobrang galit ang nararamdaman ko para sa iyong ina na naging dahilan upang pagsalitaan ko s’ya ng masama at mamatay na.
Ilang buwan ang lumipas patuloy kong sinusuyo si Benida na pagkakamali lang ‘yun umalis na ito sa bahay nila maging ang Lolo at Lola mo ay galit sa akin akala ko iyon na pero hindi pala.
Nagbunga ang isang gabi na ‘yun duwag ako at makasarili muli kong isinumpa ang iyong ina at sana ay mawala na kayo ng habang buhay para sumaya ako I felt so devastated that time Anak.
Your Mom committed suicide doon ako na tauhan at ginawa ang tama”natigil ito ng ikumpas ko ang ang kamay ang bigat ang sakit na k’ya pala gano’n ang ang pakita sa amin ni Dad dahil kahit minsan hindi n’ya ginusto na kami ang makasama sa buhay n’ya. Kami ang sumira sa kanila at buhay na dapat ay tinatamasa nila na magkakasama.
“Anak, Rex Im sorry alam ko marami akong pagkukulang sa’yo bilang ama pupunan ko ‘yun ngayon anak”may sinceridad na sabi nito.
“Kami pala ang sumira ng buhay n’yo. So that’s explained everything. Kung paano mo kami tratuhin at paano mo kami pakisamahan. Meron pa ba Dad? itodo muna please”gusto kong masagad na ako sa sakit magka-gano’n man hindi ko pa rin isusuko ang laban ko sa babaeng sinasabi nilang kapatid ko raw. Nakipag-titigan ako sa aking ama ito rin ang unang bumitaw ng tinginan namin animo’y sumusuko ito at tumango muling nagsalaysay.
“Galit na galit si Benida ng sabihin kong pakakasalan ko na ang ‘iyong Ina hindi naman kasi sinabi nito na maging s’ya ay nagdadalang tao na.
Patawad anak kung masasaktan ka muli kung nalaman ko noon s’ya ang paulit ulit kong pipiliin. Pero mahal kita Rex sana dama mo ‘yun anak.
Simpleng civil wedding ang binigay ko sa’yong Ina alam ko pangarap ng lahat ng babae maikasal ng magarbo at sa simbahan dahil nga sa sakit na dulot n’ya sa aking puro kulang ang binigay ko sa iyong Ina.
Pero hindi nagpakita sa akin ang iyong Ina ng kahinaan huli na ‘yung nag attempt ito ng suicide masasabi kong ginawa n’ya lahat mapalapit sa akin.
Pinakatigasan ko ang loob ko na ‘wag magpakita ng kahit anong emosyon kahit na nagdadalang tao pa ito patwad anak maling mali ako….”hinto nito sa pagsasalita dahil nakita ata nito ang pagbabago ng hilatsa ng aking pagmu-mukha. Sobra pa sa sobra ang sakit paanong kinaya ng aking Ina lahat.
“Gusto kong malaman mo na ang lahat anak, maging bukas tayo sa isa’t isa”pagsusumamo nito habang kita ko ang bahagyang pag ngilid ng luha nito. Tumango ako.
“Sige magpatuloy ka”buong lamig na sabi ko. “Mom kagaya mo ilalaban ko kung ano ang gusto ko, wala man akong kakampi pero kakayanin like what you did”piping usal ko.