TUB-17 KATOTOHANAN

1539 Words
“Hindi mo ba minahal si Mom kahit konti Dad?”kahit posibleng masaktan sinubukan ko pa rin. Halos kapusin ako ng hininga mas masakit pala sa akin na malaman ang dinanas ng aking Ina. “Hindi ko alam Rex! maaring Oo at maaaring Hindi. Binulag ako ng galit at pagkabigo ni minsan hindi ko narinig nagreklamo ang Mommy kahit binabalewala ko s’ya. During her pregnancy hindi ko s’ya sinamahan kahit minsan s check up n’ya. Maging sa mga cravings n’ya wala akong pakialam. I Am a complete asshole that time I admitted that. Sa tuwing uuwe ako ng hating gabi na nakikita ko s’yng tulog sa salas sa couch masama akong tao anak hindi ako naawa sa kanya dahil ang isip ko ay nararapat lang yun dahil sinira n’ya lahat. Sa umaga pag gising ko may pagkain na never ko s’yang hinayaang sabayan ako sa pagkain. We live like a total stranger at Oo hindi ako kumuha ng kasambahay dahil gusto ko Mom mo ang mahirapan hindi nko naisip na pwedeng manganib ka sa loob ng kanyang t’yan”patuloy na abi nito habang bakas ang pagsisisi at ang aking batong ama may unti unting luha ng tumakas sa mata. Ako naman nanatiling nakatingin kahit alam ko any moment ay papatak na ng luha ko dahil sa awa sa aking Ina. “Isang gabi na maaga akong umuwi ay halos manghilakbot ako ng makita ko s’yang banayad ang pag-agos ng luha at ma mga bahid ng dugo sa sahig. Hindi agad ako makagalaw hanggang paulit ulit kong marinig ang pagmamakaawa n’ya na hanggang ngayon ay parang kapangyayari lang” salaysay ni Dad habang nakatanaw sa labas ng bintana. “Please Ren tulungan mo ko save our baby ‘wag mo munang isipin na ako ang sumira ng lahat. Mahal na mahal lang kita Ren itong baby na lang pag-asa na hindi ako mag-isa sa buhay kong ito, maawa ka sa akin kahit ngayon lang Ren.” ‘Yan ang nagbalik sa akin sa katinuan. Hanggang ngayon anak bumabalik pa rin. Alam ko na taon pa kami nag sama ng Mom mo at marami pa kong nagawang kasalanan sa kanya pero nag bulag bulagan s’ya. Gabi gabi buhat ng mawala s’ya hindi lubos maisip na ganon na lang nangyari ba’t kailangan pang umabot sa ganon ang lahat lahat anak. "Nang isilang ka Rex, naging masayahin ulit ang Mom mo. Ikaw ang naging bagong mundo n'ya samantalang ako nanatiling malamig. Inaamin kong hindi ko kayo binigyan ng importansya dalawang taon kana noon ng nagkaroon kami ng komprontasyon ng Mom mo. Sa loob ng dalawang taon na 'yun hindi ko pinapakita sa Mom mo na hinahawakan kita o tignan pero alam ng diyos na sa hatinggabi sinisilip kita anak. Masaya ako ng isilang ka and I felt so relieved na walang masamang nangyari sa' yo. Sinubukan kong ilapit ang loob ko sa Mom mo pero na balewala ng bumalik si Benida at sinasabing may anak ako sa kanya. Naniniwala ako sa kanya kasi kasal na lang ang kulang sa amin. Nabuhay muli ang galit sa aking puso dahil hindi ko makasama ang mag ina ko. Na bulagan ako nag patuloy ang relasyon namin ni Benida ng ilan pang taon alam kong alam ng Mom mo. Nang dumating ang panahon na buo na ang desisyon kong iwan na kayo nagtalo kami.. "Ren 'wag naman nag bulag bulagan na ako, kahit alam ko lahat dahil sinasabi ni Benida lahat sa akin ayos lang' wag mo lang kaming iiwan ni Rex, please Ren para Rex" patuloy na pagmamakaawa ng Mom mo pero buo na ang desisyon ko. "Hindi Brea sabi ni Benida ilalayo n'ya ang anak namin at pakakasal sa iba pagnanatiling pakisamahan kita. Let's file annulment for this stupid marriage!??" galit na galit ko pang sabi. Umiyak lang s'ya ng umiyak at unti unting tumango bago muli akong kausapin. " Kahit si Rex 'wag mong pabayaan Ren masaya na ako doon pangako hindi ako manggugulo o manghihimasok sa inyo sana sa pagpayag kong ito Ren makabawi na ako sa lahat ng mga ginagawa ko. Sadyang mahal na mahal lang kita asawa ko" huling mga salitang namumutawi sa bibig ni Brea bago maganap ang sakuna na naging dahilan ng pagkawala n'ya. "Rex anak 'yung binurol at inilibing natin hindi s' ya ang Mom hanggang ngayon wala pa rin ang bangkay nya mahabang panahon na anak. Kasalanan ko kaya s'ya nawala sinundan n'ya ako ng gabing iyon dahil plano kong umalis na kasama sina Benida magpapa kalayo-layo muna kami dahil nagalit ang Lolo mo sa akin. Nasa barko na kami noon na bahagya palang umuusad ng lumitaw ang mama mo nakikiusap pero paulit ulit ko s'yang hinindian at paulit ulit kong isinigaw sa kanya na si Benida lang mula noon hanggang ngayon wala na s'yang iba pang sinabi umiiyak s'ya maya't maya ang pag urong hanggang sa mahulog. Matagal nag conduct ng search and rescue pero wala na s'ya kaya inisip na suicide may note s'yang iniwan para sa akin at para sa iyo hindi ko alam ang laman dahil nakalagay ay sabay nating babasahin ang sulat. Handa ka na ba Rex? "tanong pa nito sa nanginginig na buong katawan puno ng galit at puot sa lalaking kaharap buong tatag kong sinagot ito. Hindi ko magawa ng lumuha dahil natatabunan niti ang iba pang damdamin " Of course ready ako pagmamay-ari ko 'yun hindi ba so give it to me" sabi ko habang igtingan ang pangga ko gusto kong magwala at kumawala ang lahat ng bigat sa loob pero ama ko pa rin ito. "Oo naman ibibigay ko Rex" sabi nito at binuksan ang safety vault dalawang sobre ang alam maaring isa ay sa akin at isa ang kanya. "Mauuna na akong magbasa anak." Tinanguan ko lang. Binuklat na nito ang liham at mukhang nagulat sa bingad ng sulat. Para sa mahal kong asawa na si Ren, Mahal patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sa inyo ni Benida hindi ko lubos akalain na hanggang sa huli poot at galit ang dadalhin ko. Kung dumating ang panahon na magkabalikan kayo 'wag mo sanang pababayaan ang Rex ko panatilihin mong maganda ang imahe mo sa anak natin. Hindi ako galit sayo dahil ako nga ang may kasalanan. Aaminin kong masakit ang hilingin mong mawala na ako pero sana hindi mo hilingin na mawala si Rex s' ya ang simbolo kung gaano kita kamahal, patawad alam kong kulang ito mahal ko malaya kana sa salot ng buhay mo. Nagmamahal Breanette… Halos nanlalambot ako sa mga katagang binitawan ng aking ama na galing sa liham ng aking Ina. Baliw sa pag ibig ito pa ata ang namana ko. Napansin ko ang pagtaas baba ng balikat ni Dad hindi nagsasalita pero may mumunting hikbi akong naririnig hanggang magsalita ito. "Patawad Brea, kung hindi ako naging mabuting asawa kung puro sakit ang binigay ko sayo, alam kong huli na pero kay Rex ko itatamam Rex hayaan mo kong bumawi sayo kahit alam kong kaya mo na anak ko" may bahid pa ng luha na sabi nito sa akin hindi ko pa kayang sumagot ni ang sulat ni Mom hindi ko pa kayang basahin mukhang nauunawaan naman ni Dad. "You don't need to share that with me. I will let you read that alone. Sana ay hayaan mo akong makabawi sayo anak. Maling mali ako pero babawi ako anak ko" paulit ulit nitong sinasabi iyon pero wala pa akong maisasagot. "Pabayaan n'yo muna ako D~dad, Let me figure it out. Masakit higit pa sa sukdulan let's finish this conversation. Saka na lang ulit pag nakakahinga na ko ulit." final na sabi ko na ikinatango nito 'yin lang at tumalikod na ako kailangan ko ng pampakalma ko si Misha lang sa kanya lang ako na papayapa hindi pa man ako nakakalabas ng magsalita si Dad. " Let's start over again Rex,"sabi nito na hindi ko na sinagot. Nang makalabas ako sa library nakasalubong ko pa sina manang Leti sinasabi ng mga ito na kanina pa na hatid si Misha sa kwarto nito. Nang matapat ako sa silid nito ay kumatok ako walang nagbukas at kandado ang siradura. Gininda ko ang aking silid doon ako sa balkonahe daraan. Naging maingat ako sa pagtawid at ng walang ingay na magawa nga makatuntong na ako sa balkonahe nito ay tanaw ko agad ang babaeng nakahiga mukhang agaw na ulirat dahil sa kaantukan. Nang tumirang nakalapit ay sabay ang ang pikit nito. Unti unti akong naupo sa kama nito marahang hinaplos ang buhok nito at hinagkan ang kanyang noo. "Ikaw ang gabay ko sa lahat. Ikaw ang pahinga ko sa tuwing pagod na pagod ako. Ikaw ang dahilan bakit gusto ko pang mag patuloy. Ikaw ang lahat ng sagot sa bakit ko. At ikaw ang dahilan bakit gusto ko pang mabuhay kahit ang sakit na. Kahit ayaw pa ng lahat sa akin"Pabulong na sabi ko sabay dampi ng magaan na halik sa labi nito at sandaling minasdan pa bago ako bumalik sa aking silid. kailangan ko rin ng harapin ang liham ni Mom.. Sana may clue ka Mom kung sino ba talaga ang dapat paniwalaan. Hindi pa ko nawawalang ng pagasa lalo't ang kinakausap at iniiyakan ko sa puntod na iyon ay hindi pala ikaw..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD