"Mama... gumising ka na, mag-impake na tayo."
Pagod akong umupo sa tabi ni mama, nanghihina ang mga tuhod ko at parang pinupunit ang puso ko sa mga nangyayari sa'min. Wala kaming matirhan pero hindi na rin kami pwedeng magtagal dito. Aling Eva will throw us out tomorrow if we won't leave early, that would be worse.
Ayokong maranasan namin 'yon, sapat ng mapahiya kami ng paulit-ulit, hindi na dapat umabot pa ro'n. Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako para mag-impake. Tulog na tulog si mama habang nakadapa sa kama, sabog ang buhok niya at nakaawang ang labi.
She snores so loud, she was a fine woman in her forties. She was elegant and sophisticated. But now she looked so different, her weight dropped and she thinned. Dala ng kahirapan at biglaang pagpapabaya sa sarili naging kaedad na niya ang matatanda naming kapitbahay.
I dropped down the floor, exhausted and beat. I stared blankly through the darkness of my room, as my heart ached terribly, it's painful that my tears fell without mercy. Umawang ang labi ko para ilabas ang napipigting hininga, kasabay ng mahihinang hikbi.
"This is so unfair...bakit kailangan kami ang magdudusa? Kami na nga ang iniwan...niluko, kami pa ang sobrang naghihirap."
My voice croaked, my chest tightened as if the organ within is being squeeze to dry it up. Ilang beses kong hinampas ang dibdib para tumila ang sakit pero wala 'yong nagawa. I want to curse the world, the people around us who didn't give us a chance. I hate my father more and deep within me, I'm getting angrier...to all of them. Even to my siblings.
The tears didn't stop even when I'm so beat up, I slept with them on the floor. Kaya nang magising ako sa kalagitnaan ng gabi masakit ang katawan ko. Mahapdi rin ang mga mata ko at malamang na namamaga ang buong mukha ko. Although the burden lessened a bit, it didn't help me move immediately. I stared at the ceiling, lost and unable to think straight.
Siguro titigil na muna ako next semester, kahit ngayong semester na lang muna ang tatapusin ko. Kailangan ko ring maghanap pa ng trabahong mas malaki ang sahod. Malaki naman ang sahod sa store pero sobrang nakakapagod dahil mag-isa ako tuwing gabi. Sa umaga maghahanap na lang ako ng isa pang trabaho, magpo-full time na rin ako sa school para mas malaki ang sasahurin ko.
That way, maybe I can afford us a cheap shelter. Pero hindi ngayon, walang-wala akong pera at sakto lang sa pangkain ang mayron ako. Baka...magpalaboy-laboy muna kami sa kalye ng mga ilang gabi.
Hindi ko namalayang nakatulog ako ulit habang nag-iisip, nagising ako sa malakas na sigawan sa labas ng kwarto ko at saka ko pa lang naalalang dapat na pala kaming umalis.
"Shit..."
I heard Aling Eva's scandalous shouts and some things falling and breaking. I jumped off the bed and immediately went to see what's happening outside. I gritted my teeth when I witnessed what the old woman is doing. She's throwing all our things out, aside sa mapapakinabangan pa. Si mama nagmumura at pinipigilan siyang itapon ang mga picture frames na nasa shelf.
"Mama!"
Patakbo akong lumapit at inilayo siya para hindi matamaan ng mga bagay na tinatapon ni Aling Eva. She pushed me away angrily and attempted to attack the landlady, she's gritting her teeth, clenching her fists and so ready to pull the old woman's hair.
Kung hindi ako malakas para awatin siya siguro nagkasabunutan na sila. Nagkalat ang mga basag na base at teddy bear ko sa sahig. Kahit ang certificates namin nagkalat na.
"Hindi ba sinabi ko ng umalis na kayo? Lumayas na kayo! May uupa na sa bahay na 'to, kahapon ko pa sinabing mag-impake na kayo!"
"Along Eva, aalis naman—"
"E bakit babagal-bagal kayo!?" Bulyaw ng matanda at namewang. "Sinabi ko naman na kung hindi pa kayo aalis ng kusa, ako na mismo magtataboy sa inyo! Ang kapal ng mukha niyo, pasalamat nga kayo hindi ko kayo pinakulong!"
"Edi ipakulong mo, Eva!" Agad na sigaw ni mama at dinuro ang landlady. "Pero papatayin na muna kita para may silbi namang makulong ako! Matagal na akong nagtitimpi sa'yong matanda ka! Nakaangat lang ng kunti kung sino na umasta!"
"Mama!"
"Nang kasing hirap pa kayo ng daga kami ang tumulong sa inyo! Walang utang na loob!"
Lalong tumalim ang titig sa'min ni Aling Eva at nagtawag na siya ng anak, galit niya akong tinignan at tinawanan.
"Kung makapagsalita ka, Amelia...parang hindi ko kayo tinulungan noon. Ilang buwan din kayong walang upa, 'di ba abroad ang mga anak mo? Manghingi ka ro'n, at ibayad mo sa'kin. Tutal naman puro ka sugal, siguro naman kung may pera kang pangsugal may pambayad na rin!"
"Mama...nasa baba na ang bagong uupa sa bahay," awat ni Chad sa mama niya at tinignan ako.
Malamig ang tingin niya sa'kin at hindi ko man lang nakitaan ng hiya at pagsisisi. Alam ko namang masama rin ang loob niya sa'kin kaya ayos lang. Nag-iwas ako ng tingin at hinila si mama sa kaniyang kwarto. Talak pa rin siya ng talak, galit na galit. Pero wala pa rin kaming nagawa.
Mabilis kaming nag-impake, ipinasok ko sa malalaking bag ang lahat ng importanteng gamit at papelis. Kinuha naman nina Chad ang mga mapapakinabangang gamit para pambayad. Malaki pa rin ang kulang at sinabi kong babayaran ko na lang kung may pera na. Duda silang makakabayad kami, baka raw takasan namin ang utang at parang ayaw pa kaming paalisin.
"Chad, alam mo naman saan ako nag-aaral. Kung tingin mo tumakas na kami kung hindi pa kami makakabayad...puntahan mo ako sa eskwelahan."
"Paano kung tumigil ka na pala?" Saad niya at tinaasan ako ng kilay. "Alam mo, Niara. Alam kong walang-wala kayong pera, siguro nga lalaboy kayo sa daan, e."
"Siguro nga."
"Kaya nga, pero kung gusto mo magagawaan ko naman 'yan ng paraan." Hindi ko gusto ang tuno niya, agad akong umiling. "Don't be selfish, Niara. Tignan mo ang mama mo, makakaya mo bang patulugin siya sa kalye? Be practical, hindi naman mabigat ang hihingin kong kapalit."
My throat withered and my knees wobbled, I know exactly what he wants. The previous interactions has warned me. Pakiramdam ako masusuka ako sa pandidiri, nanlalamig na ang tiyan ko habang naiiling.
"Isang gabi lang, bayad na kayo agad. Ako ang gagawa ng paraan para may ipambayad kayo kay mama."
Malalim akong suminghap at napailing ng sunod-sunod, naninindig ang balahibo ko sa titig niya. I never thought he will say this to me with a straight face. I'd knew since then that he lusts over me but I was thankful he wasn't courageous enough to tell me directly. But now, hearing him...my stomach churned.
"Pag-isipan mong mabuti, Niara. Kapag dalawang gabi, bibigyan pa kita ng pera. Hindi naman gano'n kahirap 'yon, pagkatapos kalimutan na. Solve ang problema."
Hindi ko alam paanong natakasan ko ang usapan na 'yon, namalayan ko na lang na naglalakad na kami sa kalye at tinitiis ang masakit na sikat ng araw. Tulala ako at naluluhang ginagabayan si mama. Nanghihina na siya sa gutom at pagod. Parang pinupunit ang puso ko habang tinitignan siyang namumutla at wala rin sa sarili.
"Mama, uminom ka muna. Baka po mahimatay kayo sa init."
"Ayos lang ako," maiksi niyang sagot.
Bigat na bigat ako sa dalang dalawang malalaking bag at may hinihila pang maleta. Dala ko rin ang gamit sa eskwela at uniform sa trabaho. Umabsent na ako dahil sa kalagayan namin, aabsent ulit ako bukas at sa susunod na araw hanggang makahanap ako ng hihiraman. Hindi ko pa sahod at nakalaan na 'yon para sa pang-exam ko sana. Kulang pa nga 'yon. Hindi ko na alam ang uunahin, gusto ko na lang manlimos.
"Ma, doon na lang muna tayo sa pinagtatrabahuan ko. Kaso sa labas ka lang po at babantayan mo ang mga gamit natin."
"Sige..."
Mas mahina pa sa bulong ang boses niya. Nang dumating kami sa convenience store punong-puno pa ang benches at tambayan sa labas. Wala kaming maupuan kaya sa malayong kalye na muna kami. Umupo ako sa maduming semento ng sidewalk dahil sobrang sakit na ng paa't binti ko.
Napayuko na lang ako para itago ang pagod na mukha. Makakatulog pa yata ako habang nakaupo sa puyat at gutom. Ilang minuto rin kaming gano'n nang may humintong itim na kotse sa aking harapan. Mabagal akong nag-angat ng tingin at sakto namang bumaba ang isang pamilyar na lalaki.
He looked dashing in his usual thick pants and boots, his shiny car screams wealth and riches. He looks sharp, dark, mature, and calloused. His skyblue buttoned down long sleeves hugs his upper body, that I can see the formations of his tight muscles. Hindi ko namalayang nakatulala na ako sa kaniya at nakaawang pa ang labi. Binagsak niya ang pinto pasarado at doon niya ako napansin.
Saglit nagtama ang paningin namin, parang hinihigop ng kayumangging mata niya ang natira kong lakas at hininga. His eyes are really beautiful and alluring, I've never seen a beautiful man before I met him. But the magic his gazes brought was short lived. I woke up to reality and felt a disturbing pity for myself.
I'm like a lowly peasant looking up to a handsome and well-blessed king. The great gap between our life status made me feel like staring at him is a sin. Nag-iwas ako ng tingin at nanghihinang tinulak ang sarili patayo para ayain na si mamang tumawid sa convenience store.
Isang sulyap pa ang ginawa ko bago kami tuluyang tumawid, naabutan kong may kausap na si Quin Fidel sa kaniyang cellphone habang nakatingin sa itim na relo sa kaniyang pulso.
He lifted his eyes and stared at me, he looked rigid, cold, mysterious, and ruthless. I swallowed hard to remind myself that looking at him is a...sin.
But if it is, then I'll be an ultimate sinner my whole life.