"Bibili lang ako ng tubig at tinapay, ma."
Sa likurang bahagi kami ng convenience store dahil maliban sa may bubong 'yon medyo tago rin sa mga tumatambay sa labas ng store. Inayos ko ang damit at sinuklay ang mahabang buhok saka pinunasan ang mukha para umayos naman ang itsura ko. My face is oily because of the dust from the street. Mainit din ang pakiramdam ko dahil sa pagkabilad sa araw.
I made sure I don't smell bad, nakakahiya sa mga madadaan ko habang papasok at pati na rin sa cashier. Naupo si mama at sumandal sa backrest ng bench, gano'n ko siya iniwan at namili na ako. Isang libo na lang ang pera ko at sapat lang 'yon para sa tatlo o apat na araw. Pangkain lang 'yon, kapag hindi pa ako nakahiram magugutom na talaga kami.
"Oh, Niara. Bakit nandito ka? Walang pasok?"
Tanong ni James na cashier din pero sa umaga ang duty niya dahil may klase naman siya sa gabi. Ilang buwan na rin kaming magkatrabaho at mabait naman siya sa'kin. Tipid akong ngumiti at umiling.
"Hindi ako pumasok."
"Oh? Bakit naman? Rinig ko may demo ang third year ngayon."
"Ah, oo pero kasi nagkaproblema sa bahay kaya...pakibilisan naman, o. Kailangan na kasi."
Nanlaki ang mata niya sa hiya at mahina na lang siyang natawa. Mabilis niyang sinupot ang mga binili ko.
"Sorry, here."
"Thank you."
"Sige."
Naghintay kami maghapon ni mama sa likuran ng store, dahil may public restroom naman doon na ako nagbihis.
"Ang aga mo naman, Niara," gulat na anas ni James nang pumasok na ako ten minutes bago ang out niya.
Ngumisi ako. Paanong hindi aaga e nasa labas lang kami. Nagliligpit pa lang siya nang pumalit ako sa counter. Maraming customers kaya halos hindi ako makaupo.
"Alis na ako."
"Sige, James. Ingat."
Nang nagdahan-dahan ang customer pinuntahan ko si mama sa labas at dinalhan ng cup noodles, tinapay at tubig. Naabutan ko siyang nakapangalumbaba sa mesa at natutulog. Napabuntong-hininga na lang ako at bumalik na sa loob.
Ilang oras na naman akong tingga sa cashier habang tini-text ang kaklaseng si Jenneth. Siya na lang ang naaalala kong pwedeng tawagan at hiraman ng pera kahit maliit lang.
Jenneth:
5k lang ang perang mapapahiram ko sa'yo Niara pero kailangan mabayaran mo ako agad sa susunod na linggo.
Me:
Oo, babayaran ko agad sa sweldo ko, Jen.
Jenneth:
At nga pala, sa susunod na araw ko pa maibibigay kasi wala rin akong pera ngayon.
Me:
Ayos lang.
Jenneth:
Alam mo, may mapagkikitaan akong nalalaman, e. Iyong sinabi ko sa'yo? Niara, be practical. Isang gabi lang, magkakapera ka na agad. Gwapo at mayaman pa.
Napaismid ako. Gusto kong isipin na iba ang tinutukoy niyang pagkakakitaan na sinabi niya sa'kin. Pero wala naman akong naaalalang may iba pa siyang sinabi sa'kin. Sinuklian ko muna ang isang customer bago siya ulit nireplyan.
Me:
Wala na bang iba? Hindi ko makakayang pasukin ang trabahong 'yan, Jenneth. Hangga't kaya kong kumayod.
Jenneth:
Hay naku, Niara. Kahit para sa mama at pag-aaral mo? I'm telling you, girl, it's not that bad.
Jenneth:
Basta kapag gusto mo, sabi ka lang. At ite-text na lang kita ulit kapag may pera na ako.
Me:
Sige, thank you.
Hindi kasya ang pera ko para may matulugan kami ni mama sa gabi, kahit mumurahin hindi ko afford kaya nang gumabi wala kaming choice kung'di magtiyaga sa likuran ng store.
The store closes at 9 pm, there's a CCTV camera and the owner always calls to close the store at that specific time. Pumupunta lang ang may-ari kapag lunes, meyerkules at linggo para tumulong at tignan ang kalagayan ng store.
"Ma, hindi tayo pwedeng lumaboy na naman bukas. Dito na lang muna tayo, pero maghahanap ako sa umaga ng murang apartment kaya maiwan kayo rito para bantayan ang mga gamit natin."
Napangiwi si mama habang kumakain ng fried chicken at kunting kanin. Tanging nag-iisang kandila lang ang ilaw namin at hindi gano'n kalaki ang tent para silungan. Sana h'wag umulan kung'di mababasa kami.
"Wala ka na bang pera?"
"Meron pa namang isang libo para sa pagkain natin sa loob ng tatlong araw. Pagkakasyahin ko na lang muna hanggang makahanap ako."
Napatango siya at uminom na.
"Saan tayo matutulog? Dito?"
"Oo..."
"Hay naku, iyong si Eva kasi walang puso. Basta magkapera lang kahit may naaagrabiyado ayos lang. Sana malugi siya!"
"Mama, wala rin naman kasi tayong binabayad."
"E magbabayad naman tayo, ah. Tawagan mo ang mga kapatid mo at manghingi ka muna sa kanila. Para magka-apartment tayo ulit!"
Sumimangot ako, mamaya susubukan kong tawagan sina kuya. Sana lang may pera na sila, ilang buwan na rin kaming walang balita sa kanila. O baka nakalimutan na nila kami. Hindi nila alam ang hirap namin ni mama nang mga nakaraang apat na buwan.
Natulog kami sa labas ng store, hindi safe dahil maaring may man-trip sa'min at gawan kami ng masama. Buong gabi akong hindi mapakali at nagbabantay habang si mama tulog na tulog. Nakatulog lang ako nang mag-umaga na at ilang oras lang 'yon.
The noise of the cars and the people passing by interrupted my sleep. Nakakahiyang may makakita sa'king natutulog dito pero wala naman akong choice. Hindi ko kinaya ang antok at pagod.
"Mag-iwan ka ng kahit kunting pera, Niara. Baka hindi ka agad makabalik, wala akong perang pambili ng pagkain ko."
"Opo."
I gave her a hundred pesos bill, she prodded her lips in disappointment but didn't say anything again. Walang tubig panligo sa public restroom kaya nagbihis na lang ulit ako. Hindi na kumain at uminom lang ako ng kape bago lumakad.
Nakasalubong ko ang ilang kaklase na papasok ng school, umiwas lang ako dahil ayokong maantala ang lakad. I went to every cheap apartment I know. Nagtatanong ng pinakamura kahit maliit at sira-sira na.
"Ito, 2k and down payment. Maliit nga lang pero ito na ang pinakamura," anang landlady sa'kin habang humihithit ng sigarilyo.
"Pwede pong tignan sa loob?"
Kung 2k, 4k lahat ng babayaran ko at may 1k pa akong matitira sa perang ipapahiram sa'kin ni Jenneth. Pwede na 'to.
"Sige, ining. Tara sa loob."
Pumasok kami, mukha namang matibay ang unang pinto. Gawa sa kahoy ang sahig at ding-ding ng apartment, may dalawang kwarto at maliit na kusina. Sobrang liit din ng banyo na parang hindi pa yata ako kakasya kung maliligo ako. Sobrang sikip din ng sala.
"2k lang 'to, sabi mo kasi ang pinakamura, e. Mayroong 3k-4k na mas malaki-laki rito."
"Ayos na po siguro 'to."
"Ikaw bahala, pwede naman kayong lumipat sa mas malaki-laki sa susunod."
Oo nga. Saka maganda na rin 'to dahil isang palapag lang at medyo nakahiwalay pa sa ibang apartment building na sementado at mas mahal.
"Pwedeng pa reserve po nito? Bukas pa kasi ako magkakapera, babalikan ko bukas dala ang mama ko."
Humithit ulit ng sigarilyo ang landlady at sa harapan ko pa mismo bumuga. Hindi ako huminga ng ilang minuto hanggang sa tuluyang nawala ang usok na binuga niya. Ano ba 'yan?
She smirked and nodded.
"Sige, wala namang uupa riyan sa sobrang liit."
It's a done deal. Pera na lang ang kulang. Nang makabalik ako wala si mama sa pinag-iwanan ko kaya para akong magwawala sa kahahanap sa kaniya. Wala ang ibang gamit namin na importante lalo na ang bag kung saan nakalagay ang frames ng pictures namin.
Hindi rin ako pwedeng umalis para hanapin siya kasi saan naman ako maghahanap? Kainis si mama, sinabi ng hintayin ako, e.
"Anak, tignan mo! Dami kong dala, 'no?"
Gabi na siya nakabalik at nasa kalagitnaan pa ako ng trabaho, malamig ko siyang tinignan habang sinusupot ang pinamili ng isang customer.
"Thanks for buying. Balik kayo."
Tumalikod ang customer at lumabas, saka ko lang siya hinarap ng pagalit. Malaking-malaki ang ngisi niya at dala-dala niya pala ang bag na may mahahalagang dukumento at picture frames.
"Mama naman, sana naman nagsabi kayo kung saan kayo pumunta."
"E wala ka pa, e. May nakita akong naglalaro ng baraha kanina kaya sumali ako. Tignan mo oh."
Pinakita niya sa'kin ang iilang perang papel na napanalunan. Napasinghap ako at nasapo ang noo, kahit nasa pinakabingit na nagsusugal pa rin siya. E kung natalo? Walang-wala na nga kami!
"Kailan ba kayo matitigil diyan? Mama, hindi ka palaging nananalo. Paano kung natalo?"
"E nanalo naman, mas lumaki pa ang pera ko. Saka swertehan lang naman 'yan."
"Ewan ko sa inyo, doon na nga kayo sa labas at may trabaho pa ako."
Umismid siya at lumabas, nasapo ko ang noo at napainom na lang ng tubig para pakalmahin ang sarili. Kailangan ko na talagang maghanap ng mapagkikitaan ng mas malaki at mabilis ang sahod. Kahit labada o house keeping, basta agad-agad ang sweldo.
"Miss."
Napabalikwas ako nang may naglapag ng inumin sa counter, masyado akong problemado na nakaligtaan kong nasa trabaho pa pala ako.
"Problematic? Anong mayron? Baka makatulong ako."
Ngumuso ako at umiling, ano namang matutulong ng isang stranger sa'min?
"150, sir."
"Here. Keep the change."
Napaangat ako ng tingin nang may matanto, pamilyar ang boses at nang makita ko ang maugat na kamay ay agad kong nakilala ang kaharap.
I gasped softly when I saw Quin Fidel's handsome face, he smirked and arched his brows merrily. Napalunok ako at napatingin sa limang daan sa kamay ko.
Keep the change? Hell, I know he's filthy rich but his change is his. Kung ibibigay niya sa'kin ang sukli dahil sa awa...naman, hindi ko kailangan. Lalo na galing sa kaniya.
"No, sir. Susuklian ko."
Mabilis akong kumuha ng sukli sa kaha, mahina siyang tumawa at kinuha na ang inuming hindi nakasupot.
"Sa'yo na lang."
"Susuklian ko po, sir," matigas kong sabi.
Hindi ko kayang tumanggap ng limos mula sa kaniya. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko at nagsimulang manginig ang kamay ko. He sighed and chuckled.
"Fine."
"Heto po, thanks."
"Hmm."
His deep and husky hum lingered in my ears even after he left. I watched him exited through the door and vanished with his friends. Napaupo ako sa stool sa likuran ko at napamasahe ng kamay.
Kapag nakikita ko siya, nagiging tensiyonado ako. Hindi ko maintindihan, siguro dahil sobrang gwapo at sikat niya at mayaman kaya medyo nai-intimidate ko. Palagi siyang bumibili rito pero hindi rin nagtatagal, siguro nga hindi niya rin ako natatandaan kahit palagi siyang bumibili rito.
He is just so impossible. A wealthy and rich guy like him, admired by many...is impossible for girls like me.
"How unfortunate."