Never in my wildest dreams did I ever dream of coming to a high end and expensive penthouse for a party. Not an ordinary party, it's a party that will change my life.
"Buti naman nagbago ang isip mo, Niara. Kasi panigurado maraming lalapit sa'yo mamaya!"
Guess what? I'm in Jenneth's apartment and she's fixing me. Isang maganda at hapit sa katawang itim na spaghetti strap dress. Abot hanggang middle thighs at niluluwa ang itaas ng dibdib ko. Buti na lang mahaba naman ang buhok ko kaya kahit medyo nakaluwa rin ang likuran natatakpan pa rin.
"Ang ganda mo pala talaga kapag naayusan, parang hindi ikaw."
Huminto siya sa harapan ko at sinapo ang pisngi ko. She stared at me intently and smirked.
"Naturally red lips, naturally drowsy eyes. Goodness, how to be you po? Tumayo ka nga."
Isang hila sa braso ko, napatayo agad ako. Namamangha niya akong tinignan at napatango-tango siya.
"Ang lambot at ang kinis mo pala, siguro buhay prinsesa ka dati. Diba kaya lang naman kayo naghirap kasi umalis ang papa mo?"
"Oo, at umalis din sina kuya."
"Oh, may kuya ka pala." Ngumiti siya at inayos pa ang buhok ko. "Kaya pala, papasa kang anak mayaman, Niara. Makinis ka at maputi, matangkad at maganda. Pambato na kita!"
Mahina akong natawa.
"Maganda ka rin naman. Cherry lips, pointed nose, big eyes. Anong pangalan ng naka-one night stand mo?"
"Amir."
"Amir. Kaya ka siguro gusto no'n."
"Sus!"
Tumawa siya at nagsuklay rin, pareho kami ng suot pero kulay asul ang kaniya. Pareho rin kaming naka-pumps. Alas syete nang umalis kami sa apartment niya at nag-taxi papunta sa isang magarang building. May ipinakita siyang pass sa guard kaya pinapasok kami. Bars pala ang sa loob, maraming tao at nakakahilong ilaw, inumin at usok ng sigarilyo.
Hinila ako ni Jen sa elevator at nilagpasan namin ang mga sumasayaw na tao. Sa second floor hindi naman gano'n kagulo at tahimik lang. Sa third hindi ko na masyadong kita. Ilang floor din pala ang mayroon sa building. Nakatingala lang ako sa itaas ng elevator at pinapanuod ang mabilis na pagtaas ng numero.
I squeezed my fingers tightly, my insides began to boil and my knees wobbled. Is this it? Are you sure about this, Niara? May pagkakataon ka pang umatras, pero kapag nasa loob ka na wala ng atrasan.
"Kapag nawala ako bigla mamaya, ikaw ng bahala, ah."
"H-Ha? Bakit ka naman mawawala?"
"Basta, sunod ka lang sa mga studyante na kaedad natin. Marami naman sila dito."
"Ha?"
The door of the elevator opened. Lumabas na siya habang ako nakatulala sa madilim at medyo magulong dance floor. Hinila niya ako at nginisian. Malakas niyang tinapik ang balikat ko bilang pampatanggal nerbyos.
"Relax! It's not going to be that bad. Uminom ka, libre lang ang liquor dito."
Siguro nga iinom ako para pampatanggal ng kaba. Kahit na hindi naman talaga akong umiinom. Sumuong kami sa nagsasayawang tao, hindi gaanong magulo at malakas ang music at kukunti pa lang ang sumasayaw. May nasinghot akong usok ng sigarilyo nang dumaan kami sa tatlong lalaking nakatayo malapit sa pader.
May sumipol at bumati sa'min kahit na hindi kilala.
"Hi, miss. Baguhan ka ba?"
May sumabay sa'ming lalaki, hindi ko makita ang mukha niya pero base sa boses mukhang mas matanda naman siya kaysa sa'min.
"Gabriel, what's your name, lady?"
"Don't talk to us, please. We're after the wealthiest," si Jenneth at hinila ako.
Naiwan ang lalaki, napanguso ako at tinapik ang dibdib na kumakabog. Ano ba 'tong napasukan ko?
"Bacardi, please!"
Umupo kami sa high chair sa harapan ng counter, isang gwapong lalaki ang nagse-serve ng inumin ang humarap sa'min at ngumisi. Lumipat ang tingin nito sa'kin at agad siyang napataas kilay.
"Bago?"
Mabagal akong tumango at nagkagat-labi.
"Hm, Felix. Welcome to the club."
Naglahad siya ng kamay matapos maglapag ng inumin. Agad ininom ni Jenneth ang kaniya at nginisian ako, tumango siya, nagsasabing tanggapin ko ang kamay ni Felix. I gritted my teeth and gasped.
"Niara."
"Niara, what a wonderful name."
Felix shook my hand and pressed it tightly. Tumawa siya at hinaplos pa ang kamay ko bago binitawan, agad kong tinago ang kamay sa gitna ng binti ko.
"So soft. And innocent. Alam mo ba anong lugar 'to?"
"Oo."
"Talaga? Sige nga, ano?"
Tinignan ko si Jenneth pero tumango lang siya at tinapik ako sa balikat.
"Dance floor lang ako."
"Ha!?"
Nawindang ako nang tumayo siya at nakangising iniwan ako, mahinang natawa si Felix at dumukwang sa counter para mas matitigan ako. Tinignan ko siya. He's handsome and sexy, even in his uniform, he looks sexy. His eyes are naturally enticing and kinky. Kapag nakangiti parang anghel.
"Mukhang hindi pa gano'n kabuo ang loob mo, Niara. Inom ka muna para mainitan ka naman."
Tumawa siya at binigyan pa ako ng isa pang inumin na may orange? I don't know basta. Tatlong baso lahat.
"Ito mas maganda, drink and you'll gather bravery."
Siguro alam ng mga taong nandito kung anong lugar 'to, kung para saan. Siguro nga hindi pa buo ang loob ko. Ngumuso ako at nanginginig ang kamay na kinuha ang baso. Narinig kong humalakhak si Felix kahit may iba ng kausap.
"Baguhan. H'wag mong biglain, ah," sabi niya pa saktong uminom ako.
The bittersweet taste of the liquor slowly caresses my throat. Napasinghap ako at inabot ang isa pa, masyadong matapang yata. Napaubo ako sa pangalawa, nasa pangatlo na ako nang may umupo sa tabi ko.
"Hi, miss. How's the drink?" The playful voice echoed.
Nadatnan kong umiinom ang isang lalaki habang nakatingin sa'kin. Mahaba ang nakataling buhok niya at may gintong chain necklace. Gwapo at mayaman.
"Ythan, what's your name?"
"Niara."
"Niara..." He echoed.
Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad, tulad ni Felix ay pinisil niya rin ang kamay ko at hinaplos bago binitawan.
"Ang lambot."
Narinig kong humalakhak si Felix at naglapag ulit ng tatlong baso sa harapan ko. Pinaypayan ko ang sarili, nag-iinit na ako sa tatlong basong 'yon tapos may tatlo na naman.
"Yeah. Malambot. Kung wala lang akong duty ngayon iuuwi ko 'yan," si Felix at kumindat sa'kin.
Tumawa rin si Ythan at ngumiti sa'kin.
"Iuuwi ko na, h'wag ka ng makialam."
"Nauna kaya ako, diba, Niara?"
Hindi ako sumagot at uminom na lang. Pinag-aagawan nila ako, hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Pinag-aagawan nila ako kasi gusto nila akong makasama ngayong gabi. For pleasure, damn it.
Naubos ko ang tatlo pang baso na problemado at medyo iritado. Hinanap ko si Jen pero hindi ko na siya makita, maliban kay Ythan may tatlo pang lalaki ang lumapit sa'kin. Marami na akong nainom at pakiramdam ko lasing na ako.
"Ang ganda mo, gusto mo bang sumama sa'kin?" Tanong ng isa, si Fred.
"Dude, I'd asked her that earlier. Nauna ako."
"Hindi ka naman sinagot, e."
"Niara."
Bumaba ako sa high chair at muntik ng matumba, may humawak sa'kin sa bewang, siko at likuran. May pamilyar na tawa akong narinig sa counter.
"Iba talaga, pinag-aagawan ng apat na lalaki."
"Ayos ka lang, Niara?"
Namumungay ang matang tinignan ko ang apat na lalaking nakapalibot sa'kin. Ngumiti ako at tumango. Such handsome men.
"Hahanapin ko lang ang kaibigan ko."
"Nadali na 'yon, sumayaw ka na lang."
May humapit sa'kin at hinalikan ako sa pisngi, nakarinig ako ng mura. Base sa humapit ay mas malakas naman 'to at galing sa likuran. Napakunot-noo sina Ythan habang nakatingin sa likuran ko. Tumawa si Felix at kumindat.
"So you're here, huh. Who brought you here?" A husky and very masculine voice filled my ears.
Napapailing at disappointed na umatras sina Ythan at Fred. Inalalayan akong maupo ulit ng lalaking nasa likuran ko. Napahawak ako sa maugat at matigas niyang braso, sa braso pa lang nag-init na ako. Masyadong matipuno ang braso niya, maputi at maugat na may manipis na buhok. Pinaharap niya ako sa counter at naupo rin siya sa tabi ko.
"Ilan ang nainom niya, Felix?" He inquired authoritatively.
The voice becomes familiar, very familiar. My chest hammered and my breathing hitched terribly. Gulat kong nilingon ang katabi at nanlaki ang mata ko nang makitang pamilyar nga. Kilala ko. Pero imposible, baka naman sa kalasingan ko lang kaya siya ang nakikita ko.
"Ten glasses. Masyadong matibay para sa baguhan."
"Hm, gano'n ka kabado."
Nakatulala pa rin ako nang tumingin sa'kin si Quin Fidel, magulo ang mahaba niyang buhok at nakangisi ang mapupulang labi. Marami siyang piercings sa tainga at may silver chain necklace. Naka-shirt na itim at pantalong itim, may nag-iisang singsing sa kaliwang kamay.
Sumeryuso ang mukha niya at tinitigan din ako habang umiinom. He licked his lips after breaking the glass off his mouth.
"Wanna dance, hm?"
His voice is softer now, yet still deep and masculine. My chest warmed despite of its strength-draining beat. I bit my lips and his eyes dropped there. His lips twitched mischievously.
"Damn, baby...you are making me hard as hell."
"H-Ha?"
Hindi ko narinig ang matigas niyang bulong. Inisang lunok niya ang iniinom at namumungay ang matang humilig sa'kin. He rested his hand in the small of my back and moved his face closer. I stiffened at the fact that he's touching me. My panicking eyes settled at his wet red lips that is forming a smirk.
"Let's dance, shall we?" He gulped and chuckled. "Let's dance."
He scooped me up from the high chair, napakapit ako sa matigas niyang balikat at nasinghot ko ang mabango niyang amoy. Pinaghalong pabango at amoy ng ininom na alak. Lumubog ang mga daliri niya sa braso ko nang mahigpit akong hinawakan.
He cursed huskily and gasped in my ear.
"You're so soft. I can't imagine myself putting force on you. Para kang babasagin...like a porcelain. Crystal clear."
Napalunok ako at napanganga, hinaplos ko ang kaniyang dibdib kaya lalo siyang napamura. Hinila niya ako sa gitna ng mga nagsasayawang mga tao at nagsimula kaming sumayaw. Nagsimula akong sumayaw at sinabayan ang ritmo ng musika.
Nakatingin lang siya sa'kin at nanunuod, nag-iinit ang mata niya sa'kin at mariing umigting ang panga. Ngumiti ako at hinila siya para sumayaw.
"You're so hot. Why are you even here?"
"Gonna find my sugar daddy."
"Really? Who told you that you can find a sugar daddy here?"
Naningkit ang mata niya, hinawakan niya ako sa bewang at isinayaw. Kinagat ko ang labi nang makita siyang sumayaw. Para siyang nang-aakit, sobrang lakas ng pintig ng puso ko at gustong-gusto ng katawan kong lumapit.
I want to hug him, feel him against me. Is it normal to want someone like this? As if I'm melting.
He pulled me close and our nose touched, I smiled and enticingly kissed his lips. He didn't move, he just stared at me. I kissed him again, and again. And then he cursed and kissed me back. As if triggered. My chest feels like it's going to explode. I chased my breath and gripped his shirt when he kissed me hungrily.
"f*****g go home with me."