SOL Hindi na namin inantay pa ang mag-umaga. Kaagad na kaming nagpunta sa TAJSO headquarters. Doon mas safe at mahihirapan ang mga kalaban na makapasok sa isla. Lalo pa ngayon napatunayan na namin na konektado ang black organization sa naging banta sa buhay ng kambal. Kaya hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa. Nagpa-iwan sina Luna at Nympha sa hospital upang maayos ang nangyaring kaguluhan. Mahuhuli na dapat nila yung mga nagtangkang tumakas ngunit bago pa nila ito mahuli ay nagpatiwakal na ang mga ito. Upang hindi makapagbigay ng impormasyon. “Okay ka lang?” Nag-alalang tanong sa akin ni Renzo. Maagad akong tumango sa kanya. Nanghingi pa kami ng assistance kay press Xander para magamit namin yung air ambulance chopper para mas maayos kaming makasakay. “Okay lang ako. Hindi mo ako kail

