LEANDRO “Damn it! Ano ba kasing ginawa mo at nagalit ng ganun si Sol?” Inis na tanong niya sa akin pagkalabas ni Sol sa kuwarto. Namomoblemang napa-upo ako sa kama. Sigurado akong nasaktan ko siya kaya ganun na lamang ang galit niya sa amin ni Renzo. Hindi ko naman siya masisisi dahil kasalanan ko naman talaga ang nangyari. Belinda told me na mahal pa rin niya ako. At ginawa niya ang lahat para mabuhay ako. Sinabi din niyang hindi siya nagkaroon ng ibang ka-relasyon bukod sa akin. She’s a good girl. At proud akong naging isa siyang magaling na surgeon dahil yun ang dream niya noon pa. We’ve been together for almost a year. Pero dahil mas nag-focus siya sa career niya she broke up with me. And now gusto niya ulit na maging kami. Pero malinaw na naman siguro sa kanya na may iba na akong mah

