SOL “Tunay ba ‘yan Mr. X? Bibigyan niyo ako ng mahabang bakasyon?” Napakamot siya sa ulo nang magtanong ako ulit tungkol sa tatlong buwan daw na bakasyon. Wala munang mahirap na mission sa TAJSO at magpagaling daw muna ako. “Ayoko nga dahil unti-unti nang nalalagas ang magagaling kong agents. Pati si Luna ay magpapakasal na din. Kaya lang deserve mo yun dahil sa ipinakita mong galing sa mission mo. Hindi lang si Walton ang napaslang pati na rin si Mr. Qing na isa sa king ng underground market. Yun din ang dahilan kaya hindi na makukulong ang kambal na Ruzzo. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay wala na silang pananagutan sa batas. Kailangan pa rin nilang isuko ang lahat ng illegal na negosyo, armas at ang lahat ng impormation na makakatulong sa amin para mabuwag na ang black organization.

