THIRD PERSON POINT OF VIEW “Kumusta na ang sugat mo?” tanong ni Mr. X kay Gabriel nang datnan niya ito sa pribadong kuwarto ng TAJSO headquarters upang alamin ang kundisyon nito. “Okay lang po ako. Pero inaalala ko si Sol. Nahanap na ba siya?” Tanong naman ni Gabriel sa kanya. Ilang araw na rin kasi nila itong hinahanap. “Malalaman na namin kung nasaan siya. Nang dahil sa pagsabog ng kargamento ay nahirapan kaming pigilan ang media sa pag-cover nito. Mabuti na lamang ginawan ng paraan ni Pres. Xander ang lahat nang sa ganun ay hindi na ito magdulot ng kaguluhan pa sa ibang tao. Ngunit ang kambal na mafia gusto nilang tumulong sa pagligtas kay Sol.” Paliwanag ni Mr. X. Babangon sana siya pero pinigilan siya ni Nympha. “Kaka-opera mo palang huwag ka munang bumangon." Saway nito sa kan

