SOL Kinagabihan ay hinanda ko na ang aking sarili sa pagtakas. Inaantay ko na lamang ang pagdating ni Pogi. Umalis kasi ito kanina. Pero marami pa rin ang nakabantay sa akin sa paligid. Bumukas ang malaking gate at pumasok ang itim na kotse. Nakita kong bumaba ang lalaking manyak at derecho ang tingin sa akin. Seryoso ang mukha niyang pinasadahan ako ng tingin. May hawak siya sa kamay niyang posas at lumapit siya sa akin. “Kailangan ka na naming ibyahe kay Mr. Qing.” Wika niya habang kinakabit sa kamay ko ang isang posas. “What? Ngayong gabi na agad?” Reklamo ko sa kanya. Kinabit din niya ang kadikit na posas sa kaliwana niyang kamay. “Oo, utos ito ni Mr. Ruzzo.” Sagot niya sa akin. “Akala ko ba gusto mo ako? Bakit ihahatid mo agad ako sa kanya?” Tumitig siya sa mukha ko.

