Chapter 3

2047 Words
Nagising siya kinabukasan sa ingay ng sigaw mula sa labas ng kanyang kwarto. Napapairap na lamang siya sa kung ano naman ang nakalimutan niyang gawin ngayong araw dahil wala naman siyang maalala na bilin ng ina. "Vera, ano ba?! Hindi ka na ba talaga gigising?! Baka gusto mong i-check ang laman ng bank account natin nang malaman mo kung may karapatan ka pa bang humilata diyan sa buong buhay mo!" Agad niyang binuksan ang pinto ng kwarto niya upang matigil na ang ina sa lintaya nito. Agad naman itong naglalakad papasok at nilinga ang kabuuan ng kwarto niya. Pasalamat na lamang siya na kahit papaano ay may mapagkukunan sila ng kabuhayan nila. Hindi man sa masyadong malinis na paraan ay sapat na para maitaguyod ang pang-araw-araw nilang buhay. Simula ng tumuntong siya sa legal na edad ay siya na ang pinapa-dala ng ina para sa ikinabubuhay nila. "Gigising ka rin pala, kailangan mo pa talaga na singhalan! May kliyente ka ngayon kaya maghanda ka na." "Yeah." Napalingon siyang muli sa pinto ng nagmamadaling pumasok si Kera. "Kera! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na 'wag kang tumakbo. Wala pa tayong pera para pampa-hospital mo." "Mom! I'm fine. Ako na lang po ang pupunta sa kliyente ngayon, please… Sabi mo may-ari ito ng HMN! I'm sure it's a party with many famous actor and actresses! I want to see them, Mom! Please!" Kunot ang noo lamang siyang nakinig sa kakambal. Nag-aalala naman siya sa kalagayan nito kaso hindi niya lang maiwasan na mainggit dahil lahat ng hinaing nito ay sinusunod ng ina niya. "Are you sure, Kera? Baka mapano ka roon…" ani ng ina nila. "No, Mom! I will be very careful." Naglabas ng mabigat na hininga ang ina at sandali siyang tiningnan na parang hindi nito gusto na nakatakas siya sa dapat ay gagawin niya. "Okay. Sa kwarto mo na tayo mag-usap," paalam nito at tuluyan na nga na lumabas ang mga ito. Napangiti na lamang siya dahil makakabalik siya sa pagtulog. Sumasakit din kasi ang katawan niya sa workout na pinagawa sa kanya ng ina kahapon. Sapat na siguro ang isang araw na pahinga niya dahil sinalo na siya ng kakambal. Pero hindi niya talaga maalis ang isipin na dapat lang na magtrabaho ito minsan dahil ito naman ang umuubos ng pera na pinaghihirapan niya sa pagpapa-hospital nito maliban sa luho ng ina nila. Hindi man lang nag-iingat. Ano nga ba naman ang masasabi niya, eh, pamilya…wala kang karapatan na mag-reklamo dahil pamilya mo naman sila.   Buong araw lamang siyang nagkulong sa kwarto niya dahil umalis na naman ang ina niya kasama ang kakambal niya. Hindi na rin niya napansin ang pag-uwi ng ina at ni Kera sa araw na iyon. Kinabukasan ay kinatok ni Kera ang kwarto niya para mag-agahan. "Guess what, sis? Harvy offered me to work in their company! You know HMN? Iyong number one network sa entertainment industry? Gosh! Sobrang saya ko lang kahapon dahil sa mga nakita kong mga artista! At makaka-trabaho ko na sila soon! Harvy will call me soon after he got my contract prepared!" masayang kwento nito. Nang tingnan niya ang ina ay malaki ang ngiti nito. Kitang-kita ang saya. Ibinalik niya ang tingin sa kambal, "Paano ang sakit mo? Kaya mo ba? From what I heard, hindi madali ang trabaho sa pag-aartista." Umismid ito sa kanya at makahulugan na tumingin sa ina. Mukhang may nabuong plano na ang mga ito. Matilda, their mother scoffs, "Well, napag-usapan na namin ni Kera na hati kayo sa trabaho. Wala pa namang nakakakilala sa inyo ng mabuti kaya mag-sasalitan na lamang kayo ng pasok. Kung ano ang kaya ni Kera ay iyon lang ang gagawin niya, the rest ay ikaw na." Wow. Bakit hindi man lang siya nagulat. Inasahan na niya ito na matatago siya. Simula pa lamang noon ay napapansin na niya ito. Si Kera muna bago siya. Tiga-salo siya ng mga hindi kayang gawin ng kakambal. Hindi niya alam kung dapat ba niya itong ikatuwa. Wala na rin naman siyang magawa kaya, "Okay," ang tanging sagot niya. Masaya naman na tumayo ang kakambal mula sa upuan nito at niyakap siya ng mahigpit, "Thanks, sis. Sino pa ba naman ang magtutulungan kung hindi tayo, 'di ba? This is what family are for." Isang pilit at maliit na ngiti lamang ang sinagot niya bago muling bumalik sa upuan ang kakambal. Malaki ang ngiti ng ina niya habang kumakain. Kung siya ba ang pumunta sa party na iyon ay sa kanya ma-iioffer ang oportunidad na iyon at hindi niya na kailangan pa na maging anino ng kakambal?   Pinanood niya sa malaking flat screen TV sa kanilang sala ang i-pinapalabas na pagtanggap ng award ng kakambal niya sa isang prestehiyosong parangal—na siya naman ang nag-hirap. Hanggang panonood na lamang siya sa bawat parangal ng mga pinaghirapan niya. Hindi niya kailangan na manumbat dahil una pa lang alam na niyang ganito ang mangyayari. Pumayag siya na maging anino kaya nasa tamang lugar lamang siya. "Well, I kind of nervous holding this award as a best actress. I don't know if I deserve this because I know I still have a lot of things to learn. Baguhan lamang ako sa industriya na ito at nagpapasalamat ako sa mainit na pagtanggap nito sa talento ko. Habang buhay po akong mag-papasalamat—" Pinatay na niya ang TV dahil naaasiwa siya sa pinagsasabi ng kakambal. How can she be jealous of her own hard work? Nagtungo na lamang siya sa kusina upang magbukas ng isang wine at lumabas patungo sa pool area ng bago nilang bahay. Nilapag niya ang wine glass bago hinubad isa-isa ang mga damit at tumalon sa pool. She'll letting off some steam. Kung ano man ang narating ng pamumuhay nila ngayon ay dahil iyon sa kanya. Nawalan na rin siya ng panahon na isa-boses pa ang panunumbat dahil wala rin naman siyang karapatan. Kailangan lamang niyang magtrabaho nang magtrabaho. Kaya isang araw na umuwi ang kakambal niya at nag-kwento tungkol sa manliligaw nito na gustong-gusto nito ay parang may nagsindi ng apoy sa kaluluwa niya. Bigla na lamang na gusto niyang sumabog. "Oh, my ghad, sis! Alam mo ba na hinabol niya talaga ako sa parking lot just to get my number! Parang gusto niya pa na makipag-away sa mga bodyguards ko kahit siya lang mag-isa! Pakiramdam ko tuloy isa akong prinsesa na hinabol ng isang prinsipe. Gosh! Even his voice when he calls me is so handsome. I wish, I could make you meet him, sis…" "It's okay. I'm happy for you. Congrats, sana magtagal kayo," kung anong walang malay na sagot niya. Kung ano lang ang alam niyang positive na dapat sabihin ay iyon lang ang sinabi niya. Nag-iinit ang kaloob-looban niya sa kung gaano ka-unfair ang buhay niya. Kera laughs, "Anong mag-tagal! Hindi ko pa nga siya sinagot at kinikilala pa namin ang isa’t-isa! He needs to earn my big yes muna, 'no!" Matabang na rin siyang natawa sa sinabi nito. Muling bumalik sa isip niya ang huling lalaki na nakatabi niya sa pagtulog. May chance ba na magtagpo sila ulit at kung mangyari man iyon ay pwede ba silang magsama? Malamang ay hindi dahil anino lang naman siya. Hindi siya tao kaya walang pag-asa na muli niyang makita ang lalaki at magkaroon sila ng relasyon. "Sis! Bran wants to meet me for a date! Gosh. Help me choose what to wear! Please!" biglaang pasok ng kakambal niya sa kwarto niya habang nagbabasa siya ng libro. Matagal na niyang balak sana na tapusin itong basahin ngunit hindi niya halos mahawakan dahil sa busy ng schedule niya at ngayon lamang siya na bakante. "Vera, come on! Samahan mo muna ako sa room ko…" hinila na nito ang braso niya kaya wala siyang magawa na nilapag ang libro sa kinauupuan niyang gawa sa ratan sa may balkonahe ng kwarto niya. Maganda pa naman sana ang hangin doon at sakto lang ang tama ng araw. Sakto para man lang makapag-pahinga siya sa araw na ito dahil may taping na naman siya para bukas kaya malaya ang kakambal niya kung saan man nito balak na gumala sa ngayon. "This is too revealing, right? He might think that I'm an easy girl," ani ito habang nakadikit sa katawan ang kulay maroon na stringed dress. Kita ang tagiliran nito kaya masyado ng ana revealing. "This one? What do you think?" pinakita nito ang puting dress na off-shoulder at maganda ang fitting sa katawan. "That looks okay but too modest," she commented. Sumimangot ito bago ibinalik sa closet ang damit at pumili na naman. Mukhang na-frustrate na ito dahil halos ayawan niya ang lahat kaya sa huli ay ito na rin ang nag-decide kung ano ang susuotin. Pinili nito ang puting dress na nauna nitong sinukat. Umiling-iling na lamang siya sa sarili dahil sa ginawa niya sa kapatid. Hindi niya lang maitago ang inggit na may kakayahan ito na makipag-date. Gusto niya rin na masubukan iyon kaya lang masyadong risky at nauna ang kakambal niya na magkaroon ng lalaki sa buhay kaya hindi na siya pwede at baka magka-issue pa sila lalo na. May mga mata pa naman sa kung saan na nanonood sa bawat kilos nila dahil sa pagiging artista. Bumalik siya sa kwarto niya nang matapos ang kakambal na ayusin ang sarili. Siya pa ang pinag-make up nito dahil mas may alam siya. "Sis! I will keep you posted of what we will do para naman parang na-experience mo na rin, okay?" sigaw nito mula sa kanyang pinto. Agad din naman itong nawala. Awang ang bibig na natawa lamang siya. Her twin is so insensitive with her feelings, but she can't complain about it. Her twin is probably just innocent. Siya lang naman itong may masamang pag-iisip dahil sa inggit. Madilim na ang kalangitan kaya pinili na lamang niyang humiga sa kama niya. Wala na siyang plano na magbasa pa ulit. Mabibitin lamang siya dahil kailangan niyang matulog ng maaga para sa shooting niya bukas. She checked her phone when a message appeared. Her sister sent a photo outside of the restaurant. It's an Italian restaurant. Napangiti na lamang siya habang iniisip kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng first date sa ganoong lugar. Nakakain naman na siya sa lugar na iyon kaso nga lang ay dahil sa trabaho. Kasama niya ang mga boring na kliyente na ginagawa lamang siyang display habang may iba itong kausap. Inisip niya na ang ganda siguro kapag gusto mo ang lalaki na katagpuan mo roon at kapag tapos na kayong kumain ay ang isa't-isa na naman ang kakainin ninyo. She laughs with herself. Muli niyang tiningnan ang message ng kapatid. It's a picture of their dinner. Ang ganda ng ambiance. So intimate. She zoomed the veiny hand that's in the other side of the table. Kagat ang labi ng maisip niya ang kamay ng lalaking kasama niya sa hotel noon. She can't help but imagine about it. How it wandered on her naked body. Agad niyang ibinaon ang mukha sa unan dahil sa biglang pag-init ng katawan niya. Hindi pa rin talaga niya makalimutan iyon. It was one of her most treasured memory. The one that she would relieve and preserve. It was the exception of her fvck and forget motto. Wala pa rin naman kasi siyang bagong memory na ipapalit sa nangyari dahil nawawalan na siya nang gana kahit sa mga artistang lalaki na nag-aaya sa kanya. Kailan niya kaya ulit makikita ang lalaki. Kahit sa panaginip man lang ay magparamdam ito. She picked up her phone again to message her twin, 'Uwi ka agad. Don't trust that man too fast' she typed. 'Noted, sis' Napa-sabunot siya sa sariling buhok dahil sa kademonyohan niya. But then, her world stops when she saw the newly sent photo from her sister. It's a picture of her twin's date. The man her twin keeps on mumbling about and the man she keeps on thinking about. Hindi niya akalain na hindi niya sa panaginip makikita ang lalaki at sa picture pa kung saan galing sa kakambal niya. She felt betrayed by the all the Gods of the world. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya at lahat ng kamalasan ay natatamasa niya. Kahit ang isang bagay na akala niya ay para lang sa kanya ay kaagaw niya rin sa kakambal niya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD