Hinintay niya talaga ang kakambal na makauwi. Hindi na niya naisip na maaga dapat siyang matulog dahil may taping pa siya kinabukasan. She can't stop thinking that what if her sister won't come home for tonight? Mababaliw siya sa kakaisip kung ano na ang nangyayari sa kasama nito. Naisip niyang tawagan ang ina upang tulungan ang sarili na ma sigurong makauwi ang kakambal sa gabing iyon. Nasa ibang bansa ang kanyang ina kasama ang mga amega nito at nag lulustay na naman ng pera kaya malabo rin na ma-contact niya ito. Nang marinig ang tunog ng sasakyan sa harap ng bahay nila ay agad siyang sumilip mula sa likuran ng kurtina ng kanyang kwarto. Kita niya ang pagbaba ng lalaki mula sa driver seat. Nag-angat pa ito ng tingin sa bahay nila bago umikot upang pagbuksan si Kera. Nakahinga siya na

