Halos isang araw din ang naging byahe nila. Tumigil lamang sila para kumain at sandaling magpahinga o may gustong gumamit ng banyo. May mga malalaking bato na silang nadaanan na akala mo ay sapa nawalan ng tubig. May ilan pa na ang mga gilid ay bangin na. Malamig naman ang simoy ng hangin kaya kahit sa mahirap na daan ay guminhawa ang pakiramdam niya. Tumigil sila sa isang pook na hindi ganoon karangya ang mga pamumuhay. Gawa sa kahoy ang mga ito at iilan lang ang semento. Ang daan ay gawa sa limestone at maaliwalas ang paligid dahil sa nakikitang mga bulubundukin na puro kakahoyan. May ilang bata na sumalubong sa pamilya ni Gelly at Lala para bumati. Hindi pa rin siya bumaba dahil nahihiya siya. Gusto niya munang tinginan ang paligid kung gaano ka iba sa kinagisnan niya. "Vera! Ano? U

