Nang umuwi si Gelly at Lala ay nakangiti pa rin siya sa naging usapan nila na purong pang-aasar lang kay Gelly. Muli na siyang pumasok sa loob ng bahay para ayusin ang tutulugan niya. Nang matapos ay tinungo na niya ang banyo para magka paglinis ng katawan dahil sa mga alikabok. Halos napasigaw siya dahil sa lamig ng tubig na tiniis na lamang niya dahil wala na rin naman siyang pag-pipilian. Pinilit niya na lang ang sarili na isuot ang nabiling damit mula sa palengke kahit hindi pa nalalabhan at pinilit ang sarili na matulog. Ilang pikit at change position na ang nagawa niya pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Ayaw niyang mag-isip. Gusto na niyang matulog pero pinipilit siya ng utak niya na mag-isip ng kung anong senaryo sa maaaring nangyayari sa iniwan niyang gulo. Bran must b

