Pagkasabi iyon ni Isabelle, agad na rin siyang umalis. Naglalakad siya sa tabi ng kalsada habang may mga dumadaan pang sasakyan. Hinang-hina siya at walang gana. Pagod ang naramdaman niya. Gusto na niyang humiga sa napakalambot niyang kama. Kaya lang, sa pagkakataong ito ay mas gusto na lamang niyang maglakad. Mas mabuti na ang ganito kaysa mag-drive ng sariling sasakyan. Mayaman nga ang pamilya niya, pero para siyang mahirap.
Narating ni Isabelle ang kanilang mansyon na naglakad lang. Pinagbuksan siya ng pintuan ng isa sa kanilang servant maids.
"Nasaan sila?" Ang bungad na tanong ni Isabelle nang matunugang napakatahimik ng mansyon pagdating niya.
"Wala po sila rito, Senyorita Isabelle." Diretsahang sagot ng kanilang maid.
Tiningnan ni Isabelle ang kanilang katulong. "Nasaan pala sila?"
"Pasensya na po, Senyorita, pero ang bilin ni Ma'am Loth na kapag dumating kayo ay kumain po kayo. May pinaluto po kasi si Ma'am Loth kay Manang Medy para po sa inyo." Paliwanag ng maid.
Umarko ang dalawang kilay ni Isabelle. Paklang natawa, sabay na napakiling sa kaniyang ulo.
"Sige, salamat." At tuluyan na siyang pumasok diretso sa dirty kitchen ng mansyon. Sa pagtuntong niya sa ditty kitchen ay hinagilap ni Isabelle si Manang Medy, ang nakakatanda nilang kasambahay na may mataas na estado sa kanilang mga kasambahay.
"Mommy Medy!" Tawag ni Isabelle kay Manang Medy na nakasanayan niyang tawagin itong Mommy na inisip na niyang kaniyang ina.
Lumabas mula sa isa pang dirty kitchen si Manang Medy. Nagulat pa ito nang makita siya. At makikita sa reaksyon nito na tila may naramdamang awa sa kaniya.
"Isabelle," sambit ni Manang Medy sa pangalan ni Isabelle. Lumapit ito kay Isabelle at yumakap.
"Isabelle, congratulations! Binabati kita. Ipinagmamalaki kita." Ang pagbati ni Manang Medy na mababakas na ang luhang pumatak na kasabay ng paghikbi na rin ni Isabelle.
"Tahan na, huwag ka nang malungkot. Ang pag-iyak kong ito ay bunga lamang ng tuwa dahil sa iyong pagtatapos. Sana ang luha mong ito ay ganoon din." Turan ni Manang Medy na nagpahinto sa paghikbi ni Isabelle. Ngayon, pinupunasan na lang niya ng likod ng kaniyang palad ang kaniyang pisnging nabasa na ng luha.
"Tahan na at magdi-drama pa tayo nito. Mabuti pa kumain na tayo dahil inilito ko itong nga paborito mo," dagdag pa ni Manang Medy.
"S-Sige, ho." Agad namang sagot ni Isabelle.
"Pero teka lang, amoy alak ka yata. Uminom ka bang bata ka?" Puna ni Manang Medy na nagpatigil kay Isabelle.
"P-Pasensya na ho, ngayon lang naman." Hinging paumanhin naman ni Isabelle. Napasapo na lamang si Manang Medy sa kaniyang noo. Alam niyang kapag ganito si Isabelle ay nasa state of emotion na naman ito. Marahil na may nangyari na naman sa pagitan niya at ng kaniyang pamilya.
"Sige na, kain na." Aya ulit ni Manang Medy kay Isabelle.
Sinabayan na rin ito ni Manang Medy sa pagkain, kasama pa ang iilan nilang maids. Masaya nilang pinagsaluhan ang mahalagang araw ng pagtatapos ni Isabelle. Na-realize ni Isabelle na mas mabuti pa ang hindi kadugo ay maituturing pa niyang pamilya. Pamilya na tunay na nagmamahal.