bc

Deceive Me, Mr. GRAYSON

book_age18+
89
FOLLOW
1K
READ
billionaire
fated
dare to love and hate
student
twisted
bxg
highschool
enimies to lovers
multiple personality
selfish
like
intro-logo
Blurb

Galing sa isang mayamang pamilya si Isabelle Fagestrom ngunit iba ang naging trato sa kaniya ng sarili niyang pamilya. Sa kabila ng mga pinagdaanan niya, matagumpay pa rin niyang natapos ang pag-aaral hanggang kolehiyo at nagkaroon ng pormal na trabaho sa mataas na posisyon. Isang gabi, naibigay ni Isabelle ang buong pagkatao niya sa isang estranghero noon lang niya nakilala. Sa kawalan ng simpatiya at pagmamahal, hinahanap na ni Isabelle ang pagniniig nilang iyon ng lalaki. Ang hindi alam ni Isabelle na nakabangga niya ang pinakamayaman sa bansa na si Warde Grayson. Lilinlangin siya ng kaniyang pangungulila sa nakakaakit na karisma ng guwapong lalaki. Hanggang saan aabot ang patagong tagpo nilang iyon gayong umiibig na si Isabelle kay Warde Grayson.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Hindi kami makakarating sa graduation mo dahil busy rin kami sa pag-o-organize ng party ni Linz. Alam mo naman na nagtapos siya ngayon at kaarawan din niya. Pasensya ka na, kumain ka na lang pag-uwi mo." Ang mensahe ni Mommy Loth ni Isabelle. Si Linz na naman ang pinaboran. Kahit ang kuya niyang si Steffen ay gano'n din. Napabuntong-hininga na lamang si Isabelle. Susunod na siyang tawagin. Tatanggap siya ng karangalan bilang Summa c*m Laude nang mag-isa, bukod pa sa ibang karangalang tatanggapin niya. Kaya nang tinawag ang kaniyang pangalan ay tumayo na lamang si Isabelle at tumungo ang stage. Hindi lang siya tatanggap ng kaniyang mga pinaghirapan, kundi may speech pa siya. Kaya sa gitna ng kaniyang pananalita sa harap ng karamihan, hindi mapigilan ni Isabelle na tumulo ang kaniyang luha habang ipinaparating ang kaniyang mensahe. Everybody touches her speech because they even know what Isabelle is going through and that makes them feel pity for her. Lalong-lalo na ang kaniyang mga kapwa estudyante, kaibigan at teachers. Pagkatapos, ang ganap na pagtatapos ni Isabelle ay agad din niyang hinubad ang suot na makintab na toga. Tinanggal na rin niya sa kaniyang leeg ang kaniyang mga gintong medalya. Iniligpit na niya ang mga ito para makaalis na. "Isabelle!" Tawag ng Den ng University. Napalingon si Isabelle sa tumawag sa kaniya. Nang mapag-sino ang tumawag ay saka lang malawak na ngumiti si Isabelle. "Ma'am, nandito po kayo." Ang nangingiting tanong pa rin ni Isabelle. Agad na hinaplos nito ang pisngi ni Isabelle at tsaka kinuha ang kaniyang dalawang kamay. "Congratulations! Napakagaling mo." Ang pagbating iyon na narinig ni Isabelle ang pinakamagandang nangyari sa kaniya sa araw na ito. "Thank you, Ma'am." Tugon ni Isabelle, saka nagyakapan silang tila naluluha na sa isa't isa. Nang pareho na silang bumitiw sa pagkakayakap ay naramdaman ni Isabelle ang mainit na pagpapahalaga ni Ma'am Aurelia sa kaniya. "Maraming-maraming salamat din po sa lahat, Ma'am Aurelia. Ang tagumpay ko pong ito ay dahil sa aking mga natutunan sa inyo at sa eskuwelahang ito na idinagdag pa sa aking kaalaman." Pahayag ni Isabelle na wala nang luha sa kaniyang mga mata. "That's my girl." Ang kinikilig na saad ni Ma'am Aurelia. Sa wakas, muling ngumiti si Isabelle. "Just go... Celebrate your success!" Pagtataboy pa ni Ma'am Aurelia kay Isabelle. Masaya namang nag-flying kiss si Isabelle bago patakbong umalis. Nang napalitan na ng dilim ang liwanag, matatagpuan ang kawalang-ganang si Isabelle na umiinom ng inuming moderate lang naman ang alcohol. Nasa tabi siya ng isang turo-turo na may mangingilan ding kumakain. May mga kasama at kapareha ang ibang nandoon na kumakain, maliban na lamang kay Isabelle na ang alak at barbecue stick lang ang nasa kaniyang harapan. Gan'yan kasimple si Isabelle. Mayaman man ang pamilya niya, kahit hindi ginigipit ng pamilya niya ang sustento para sa kanilang magkakapatid, hindi naging abusado si Isabelle sa kaniyang sariling pera, lalo na sa kaniyang allowances noong nag-aaral pa siya. Ginagamit niya sa tama ang pera. Alam niyang hindi biro ang paggastos sa pag-aaral ng anak. Nangiting kinakausap ni Isabelle ang kaniyang sarili. "C-Cheers... C-cheers..." Medyo tinamaan na nga ng alcohol si Isabelle kahit moderate lang ang porsyento ng kalasingan nito. Sumisidhok si Isabelle. Malapit na niyang maubos ang ikalimang bote ng 12 oz na alak. "Isabelle, Isabelle, Isabelle..." Nalulugtoy na sambit ni Isabelle sa kaniyang sariling pangalan. Pagkatapos malalim na napabuntong-hininga. "N-Natapos mo rin... Ang lahat! D-dapat ma... M-masaya ka ngayon... 'Di ba? Sila? Pabayaan mo na sila kasi wala naman silang ambag sa 'yo! Wala silang pakialam at lalong hindi ka nila mahal!" Ang salitang ito ni Isabelle sa kaniyang sarili ang nagpatigil sa kaniya. Parang nagproseso sa kaniyang utak ang lahat ng nangyari, kaya sa huli, kahit may kalasingan na, napaiyak na lang si Isabelle. Naging emosyonal siya sa sandaling ito hanggang sa nakatulog siya sa ibabaw ng kaniyang mesa. Ilang minuto ang nagdaan. Naramdaman na lamang ni Isabelle na may yumuyog na sa kaniyang balikat. "Iha, Iha gumising ka. Gising." Para pang-naudlot ang mahimbing na pagkakaidlip ni Isabelle nang gisingin siya ng may edad na ngang babae. "Iha, nalasing ka na yata. Umuwi ka na sa inyo. Kanina ka pa rito. Magligpit na kami." Utos ng may edad na babae kay Isabelle. Parang doon lang nahimasmasan si Isabelle. Lumiwanag ang paningin niya sa paligid. Sapo ng kamay niya ang ulong tila may bahid ng pananakit. "Pasensya na po. Nagustuhan ko po ang barbecue at alak ninyo, kaya nakatulog ako. Pasensya na talaga," paghingi ng despensa ni Isabelle. Tinapik siya ng may edad na babae sa kaniyang balikat. "Ayos lang, Iha. Sige na, umuwi ka na dahil mukhang pagod na pagod ka at nakasuot ka pa ng uniporme mo. Graduate ka ba?" May pagtataka sa boses ng may edad na babae. "Ah, o-opo. S-sige po. Aalis na po ako." Pagkasabi iyon ni Isabelle, agad na rin siyang umalis. Naglalakad siya sa tabi ng kalsada habang may mga dumadaan pang sasakyan. Hinang-hina siya at walang gana. Pagod ang naramdaman niya. Gusto na niyang humiga sa napakalambot niyang kama. Kaya lang, sa pagkakataong ito ay mas gusto na lamang niyang maglakad. Mas mabuti na ang ganito kaysa mag-drive ng sariling sasakyan. Mayaman nga ang pamilya niya, pero para siyang mahirap. Narating ni Isabelle ang kanilang mansyon na naglakad lang. Pinagbuksan siya ng pintuan ng isa sa kanilang servant maids. "Nasaan sila?" Ang bungad na tanong ni Isabelle nang matunugang napakatahimik ng mansyon pagdating niya. "Wala po sila rito, Senyorita Isabelle." Diretsahang sagot ng kanilang maid. Tiningnan ni Isabelle ang kanilang katulong. "Nasaan pala sila?" "Pasensya na po, Senyorita, pero ang bilin ni Ma'am Loth na kapag dumating kayo ay kumain po kayo. May pinaluto po kasi si Ma'am Loth kay Manang Medy para po sa inyo." Paliwanag ng maid. Umarko ang dalawang kilay ni Isabelle. Paklang natawa, sabay na napakiling sa kaniyang ulo. "Sige, salamat." At tuluyan na siyang pumasok diretso sa dirty kitchen ng mansyon. Sa pagtuntong niya sa ditty kitchen ay hinagilap ni Isabelle si Manang Medy, ang nakakatanda nilang kasambahay na may mataas na estado sa kanilang mga kasambahay. "Mommy Medy!" Tawag ni Isabelle kay Manang Medy na nakasanayan niyang tawagin itong Mommy na inisip na niyang kaniyang ina. Lumabas mula sa isa pang dirty kitchen si Manang Medy. Nagulat pa ito nang makita siya. At makikita sa reaksyon nito na tila may naramdamang awa sa kaniya. "Isabelle," sambit ni Manang Medy sa pangalan ni Isabelle. Lumapit ito kay Isabelle at yumakap. "Isabelle, congratulations! Binabati kita. Ipinagmamalaki kita." Ang pagbati ni Manang Medy na mababakas na ang luhang pumatak na kasabay ng paghikbi na rin ni Isabelle. "Tahan na, huwag ka nang malungkot. Ang pag-iyak kong ito ay bunga lamang ng tuwa dahil sa iyong pagtatapos. Sana ang luha mong ito ay ganoon din." Turan ni Manang Medy na nagpahinto sa paghikbi ni Isabelle. Ngayon, pinupunasan na lang niya ng likod ng kaniyang palad ang kaniyang pisnging nabasa na ng luha. "Tahan na at magdi-drama pa tayo nito. Mabuti pa kumain na tayo dahil inilito ko itong nga paborito mo," dagdag pa ni Manang Medy. "S-Sige, ho." Agad namang sagot ni Isabelle. "Pero teka lang, amoy alak ka yata. Uminom ka bang bata ka?" Puna ni Manang Medy na nagpatigil kay Isabelle. "P-Pasensya na ho, ngayon lang naman." Hinging paumanhin naman ni Isabelle. Napasapo na lamang si Manang Medy sa kaniyang noo. Alam niyang kapag ganito si Isabelle ay nasa state of emotion na naman ito. Marahil na may nangyari na naman sa pagitan niya at ng kaniyang pamilya. "Sige na, kain na." Aya ulit ni Manang Medy kay Isabelle. Sinabayan na rin ito ni Manang Medy sa pagkain, kasama pa ang iilan nilang maids. Masaya nilang pinagsaluhan ang mahalagang araw ng pagtatapos ni Isabelle. Na-realize ni Isabelle na mas mabuti pa ang hindi kadugo ay maituturing pa niyang pamilya. Pamilya na tunay na nagmamahal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Six Months Rule

read
34.2K
bc

My Cousins' Obsession

read
196.6K
bc

Daddy Granpa

read
306.8K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
68.0K
bc

Wife For A Year

read
73.8K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
65.3K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
284.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook