bc

You Are What I Ask For(SPG/R18!)

book_age18+
87
FOLLOW
1K
READ
billionaire
fated
dare to love and hate
student
twisted
bxg
highschool
enimies to lovers
multiple personality
selfish
like
intro-logo
Blurb

Ano ba ang mas mahalaga sa panahon ngayon? Ang pag-ibig mo ba para sa iyong iniibig o ang pag-ibig para sa iyong sarili.

May tao pa bang kaya ka pang mahalin na isasakripisyo ang lahat at tatanggapin ka pa rin ng buo sa kabila ng iyong pagkakamaling ginawa sa pagsuway sa utos ng Diyos.

Pinagtagpo ng landas ang dalawang naging magkaaway na naging matalik na magkaibigan at nauwi sa hindi inaasahang pag-iibigan nila Zyzha at Criffen. Sa pagkakaroon ng maagang anghel, ang buhay ng dalawahg nag-ibigan ay sa wakas nagsumpaan para sa dambana ng Diyos.

Si Zyzha Gale Ferrer, lumaking may rangya sa sarili't may ambisyon na gustong abutin. Isang natatanging gandang mapapalambot ang iyong kalooban. Kabaliktaran ang nakikita lamang nila sa labas na kaanyuan dahil napakabuti nito. Pero wala ng mas ikabubuti pa sa pagkatao nitong si Criffen Sandoval. Isang masayahing lalaki na taliwas sa mapagbiro ay napakaseryuso niya pagdating sa isang Pag-Ibig. Pero sa lahat ng inaasahan na ang pag-ibig ay laging ipinapakita, sa kaniya naman ay ipinadarama niya iyon bilang isang napaka-responsableng lalaki na hindi kinakailangang isa-publiko para lamang mapatunayan na kayo ay lubos na nagmamahalan.

Makakaya ba ni Criffen patawarin ang nag-iisang babaeng kaniyang minahal. Dahil sa makamundong pagnanasa na mas makaahon pa sa sitwasyong kanilang nararanasan ay ang tanging pagsisisi na lamang sa huli.

Ang Diyos ay mapagpatawad sa ano pa mang kasalanan na ginawa ng tao. Ang tao ba mapagpatawad din sa kaniyang kapwa?

Ito ang istoryang ihahatid ka sa totoong mundo ng kaganapan. Ang mundong kakapitan mo ng isang aral sa isang tunay na PAG-IBIG!

chap-preview
Free preview
Their First Encounter
Chapter 1 Makalipas ang araw nang pagtatapos ni Zyzha sa elementarya ay tutuntong na siya sa paaralang sekondarya. Isang makabagong mundo na naman iyon para sa kaniya. Hindi naging madali ang pinagdaanan niya sa elementarya kahit pa sabihing pinagsikapan niyang makapagtapos na nangunguna subalit ang kaniyang utak ay ayaw ‘ata gumana sa academic, talento lang yata ang mayroon siya. Nakapagtapos naman siya na may karangalan pero iba pa rin iyong mas mataas pa ang nakuha niya. Pero tapos na ‘yon, nasa sekondarya na siya at kasalukuyang dumalo sa isang pagsusulit para makapasa at makapasok sa 1st year level. “Napakahirap pala talaga...akalain mo ‘yon, hindi ka pa nga nakapag-sekondarya ay pagsubok agad?” sabi pa niya sa kaniyang sarili. Napadabog na lang siya sa isiping iyon. Ilang minuto lamang ang lumipas at tapos na ang pagsusulit. Sana naman ay tama lahat nang nasagutan niya. Kinakabahan siya nang mga sandaling ito at hindi niya ikakaila iyon. Nasa hallway na siya ngayon kasama ang kaniyang Mama na parehong nag-aabang sa magiging resulta ng kaniyang pagsusulit. Labin-limang minuto na ang nakalipas at tanaw na nila ang gurong si Mr. Gozum na patungo sa kanilang kinaroonang mag-ina. Sabay naman silang napatayo ng kaniyang Mama at iniabot ng gurong si Mr.Gozum ang maliit na booklet na ‘yon kung saan iyon ang papel na sinagutan niya ng mga tanong sa kanilang pagsusulit. “Congratulations! Pasok ka na sa 1st year level,” diritsong pagbati nito kay Zyzha. Napamaang naman ang Mama ni Zyzha at hindi halos makapagsalita habang siya naman... “T-talaga p-po?” bulol na wika niya. “Nakapasa ako? Totoo po ba ito Teacher?” ulit niya pang tanong sa guro. At tumango naman ang guro habang nakangiti ito sa kaniya. Wala namang pakundangan ang pagtatalon niya ng bahagya dahil sa saya. Binibigkas niya na siya ay nakapasa at makapag-1st year level na rin siya sa wakas! Nagyakapan naman sila ng kaniyang Mama pagkatapos ay nagpaalam na ang gurong si Mr.Gozum, ang nag-sistema sa kanila sa simula pa lang ng naging pagsusulit niya kanina. Pagkatapos ay tiningnan niyang muli ang maliit na booklet. 90% ito at hindi siya makapaniwalang naipasa niya ‘yon over 100%. Nakapag-1st year level nga siya hanggang sa isang araw... “Kailangan na nating lumipat ng matitirhan mga anak,” sabi ng kanilang ama nang nasa salas sila ng mga sandaling ‘yon. Lahat sila ay napatingin sa kanilang ama. Walang nakaimik at nanatiling naghihintay sa susunod na sasabihin nito. “Lilipat na tayo ng bahay sa isang di-kalayuang lugar kung saan nakapagbili kami ng Mama niyo ng lupa. Kailangan na natin lisanin ang lugar na ito, ang Hacienda ng mga Conard nang sa gano’n ay hindi na kami madawit pa ng Mama niyo sa problemang ikinakaharap nila ngayon. Ayaw namin ng gulo ng Mama niyo kaya napagdesisyunan namin na para sa ikakabuti nating lahat ay tayo na mismo ang aalis.” Ang Hacienda ng mga Conard kung saan sila nakatira sa lupain ng mga ito. Mahigit ilang taon din ang pamilya nila nanirahan sa lupain ng mga ito dahil sa Mansion ng mga Conard nagtatrabaho ang kanilang ina habang ang kanilang ama naman ay pribadong driver ng mga ito kung walang pasok sa isang minamanehong sasakyan na sa kabilang banda naman ay amo ng ama nila ang mga Varezal. Ang mga Varezal na nagmamay-ari ng mga sasakyan. Bagamat may ikinupkop na isang pamilya ang pamilyang Conard at ipinatira nila sa kanilang Hacienda ay nagkaroon ng hindi kaaya-ayang gawain ang mga ito na umabot pa sa pagsampa ng kaso dahil sa walang pahintulot na pagbibinta nila sa mga ari-arian ng mga Conard sa kanilang Hacienda. Bilang saksi sa mga pangyayaring ito ay alam mismo ng pamilya nila Zyzha ang ginagawa ng mga ito kaya’t naging tikom lang ang kanilang bibig upang hindi sila masangkot sa gulo. Sa pagiging matahimik nila ay hindi naging rason iyon sapagkat sila pa mismo ang kinuhang witness ng mga Conard. Ayaw ng mga magulang nila Zyzha na mag-witness dahil ayaw rin nilang makialam. Kung ginawa nila ‘yon sa Hacienda ng mga Conard ay labas na sila roon dahil hindi naman sa kanila nakatuon ang kanilang pamumuhay. Kung may kasalanan man doon sa mga nangyari ay ang mga Conard na ‘yon na nagpapasok ng mga hindi mapagkatiwalaang tao. Kaya napag-desisyonan na lamang ng kanilang pamilya na lilipat na lang ng tirahan. Ayaw na nilang maging bahagi pa ng mga pamilyang ito sapagkat ayaw nila ng gulo. ZYZHA Lumapit si Mama kay Papa at hinagod-hagod ng kaniyang mga palad ang likod ni Papa. Tumango lang kaming magkakapatid dahil hindi naman namin lubos pa nauunawaan ang sinasabi ni Papa. Nabisita nga namin ang lupang sinasabi ni Papa kasama ng mga kapatid ko. Pick-up truck ang sinakyan namin. Medyo malayo-layo nga sa aming eskuwelahan. Kinakailangan pa namin sumakay ng isang pampasaherong motorsiklo para makapunta ng eskuwelahan. Hindi katulad sa dati naming tinitirhan na nilalakad lang namin sapagkat hindi naman iyon gano’n kalayo ikumpara rito sa bagong paglilipatan namin. May mangilan-ngilan din namang naninirahan na mga mayaman at mahirap. Wala kaming kakilala sa lugar na ‘to. Nagkaisip kami na tanging kami lang ng pamilya ko ang laging nagkakasama sa ano mang selebrasyon o okasyon. Hindi kami sanay na halos kalapit lang ang mga bahay rito. Hindi kami masyadong nakakakita ng ibang tao maliban sa nakakasalamuha namin sa eskuwelahan. Hindi kami sanay at tipong ignorante kaya binabansagan kaming mga mongha(laging nakakulong at hindi lumalabas ng bahay). Wala nang itinagal pa at nakalipat na kami sa bago naming tinitirhan ayon na rin sa kagustuhan ni Papa. Naninibago man kami subalit natutuwa kaming may bagong makikita na ang aming mga mata. WAKAS Isang araw nang isama si Zyzha ng kaniyang Mama sa kabilang kalye, hindi kalayuan sa kanilang tinitirhan ay may nakasalubong siyang isang lalaking tantiya niya ay kasing-edad lamang niya. Matangkad ito, may pagka-patpatin, matangos ang ilong at mga matang parang ahas kung tumingin. Para kang tutuklawin nito. Tila galit ito nang dumaan ito sa kaniyang tabi. “Anong problema no’n?” sabi ni Sten sa kaniyang sarili na naiinis. Madaling natapos ang isang taon at dumating ang taong nasa 2nd year level na siya. Sa paglipas nang nagdaang taon ay may nakilala’t naging kaibigan naman siya sa lugar na kanilang nilipatan, ang Barangay Amistad. May nakilala rin siyang guwapong lalaki na kasing-edad niya rin at kasa-kasama niya ‘yon sa tuwing uwian papunta sa lugar nila. Isa sa mga naging kaibigan niyang ‘yon ay si Almero na nakagaanan niya ng loob. Panay kasi niyang nakikita ito at ngumingiti sa kaniya kaya naman madali silang nagkausap pagkatapos naging magkaibigan na rin. Palagi niya ring napapansin na may isang bahay sa pangalawang kalye, hindi kalayuan sa tinitirhan nila na parang isang `haunted house niya kung tawagin. Palagi niya kasi ‘yon nakikita na walang tao, tahimik at ang sabi naman ng kapitbahay nito’y may nakatira raw do’n. Binalewala na lamang niya ang kaunting nalaman. Hindi rin naman niya masyadong kabisado ang lugar na kanilang nilipatan. Nakapaglakad siya sa tuwing dapit-hapon hanggang sa magdilim kapag inanyayahan siya ng kaniyang mga kaibigan. Isang hapon matapos ang klase ay inutusan siyang puntahan ang kaibigan ng Mama niya. Hindi naman sadyang nagkita silang muli ng lalaki na ang tangos-tangos ng ilong nito, ito ‘yong lalaking galit ‘ata sa kaniya. Nakakatusok itong tumingin at sa tuwing magtagpo ang mga landas nila ay padabog itong humahakbang sa tabi niya. Malayo pa lang ito’y napakatalim na ng tingin nito sa kaniya. Nang lingunin niya ito ay pumunta ito sa isang tindahan malapit lang sa bahay na kan’yang sadyang puntahan. Pagkauwi naman niya ay nagkasalubong na naman sila at gano’n pa rin ang ikinikilos ng lalaki sa kaniya. Hindi niya tuloy ito maunawaan kung kaya’t para sa kaniya ay galit din siya rito’t ayaw na ayaw niya ang lalaking ito kung sakaling magkakilala man sila ay salamat na lang...kako niya. Imposible na raw iyon mangyari. Sa ipinapakita ba naman nito sa kaniya ay lumalabas na hindi rin siya nito gusto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
49.9K
bc

Daddy Granpa

read
283.4K
bc

My Cousins' Obsession

read
190.4K
bc

His Six Months Rule

read
26.0K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
27.7K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
252.2K
bc

MY HOT BOSS (SSPG)

read
38.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook