Liz Freya POV “Sana bumalik na si sir Lucas miss na miss ko na siya” mahina kong turan. Isang buwan na ang nakararaan simula nang umalis si sir Lucas. Nakaupo ako sa buhanginan habang nakatanaw sa karagatan. Araw-araw akong naghihintay sa pagbabalik niya. Kahit tawag o mensahe hindi ginawa ni sir Lucas. Naiwan akong mag-isa sa isla na malungkot. Ang tanging sinabi ni sir Lucas na kailangan niyang bumalik nang Italy. Walang sinabi na kahit na anong dahilan…… “Freya listen to me I need to go back to Italy. I wanted to take you with me but that place is not good for you. Kahit wala ako huwag na huwag kang gagala sa isla lalo na kong papagabi na. Do you understand?” Pinigilan kong hindi maiyak. Kahit na masungit sa akin si sir Lucas at malamig ang pakikitungo gusto ko pa din siyang nakikit

