Liz Freya POV Wala akong magawa kundi ang pumayag na gamotin ni sir Lucas ang binte ko. Pangalawang beses na nangyari sa akin ang pagkadulas sa batohan pero sadyang gusto ko ang parte na ‘yon nang isla nagiging payapa ako tuwing nauupo ako doon habang pinapanood ang paglubog nang araw. Dahil sa malalim kong pag-iisip kay Lucas at Nicole kaya ako nadulas. Gusto kong pagsalitan nang masasakit sa salita si sir Lucas pero pinigilan ko ang sarili ko. Seryoso ang mukha niya habang ginagamot ang binte ko. Nang matapos siya mariin ang titig niya sa akin…… “Salamat, lumabas na kayo kaya ko na ang sarili ko, bumalik ka na sa fiancè mo baka hinahanap ka niya sir Lucas” Patuya kong turan. Kahit tingnan nang matagal si sir Lucas ayaw kong gawin dahil alam kong tutulo na naman ang luha ko. Nakatitiyak

