Liz Freya POV Wala akong nagawa kundi ang hayaan siyang yakapin ako. Kahit anong pagpupumiglas ko hindi ako binitawan ni sir Lucas kaya mas minabuti kong damhin na lang ang huling yakap niya bago ako tuloyang lumayo sa kanya. “Sir Lucas bitawan mo na ako gusto ko nang magpahinga” pakiusap ko sa kanya. Ayaw ko nang magtagal sa bisig niya dahil alam kong mahihirapan akong lumayo sa kanya. “Lucas—” Agad akong kumawala sa yakap ni sir Lucas nang marinig ko ang tinig ni Nicole. Pakiramdam ko nagkakasala ako sa pagpapayakap kay sir Lucas kahit alam kong may nobya na siya. Nang pumasok si Nicole sa kusina masama ang tingin niya sa akin na binalewala ko lang. “Lucas let’s go back to bed. What are you doing here? Hating gabi na bakit kasama mo ang katulong mo?” Muli kong naramdaman ang pa

