Chapter 16: ALCOHOLS

1864 Words
NAPABUNTONG-HININGA si Ronah habang pinagmamasdan ang nanay niya na nakaratay sa hospital bed nito. Hindi niya alam kung pang-ilang buntong-hininga na niya iyon. Hindi mawala sa isip niya ang pinag-usapan nila ni Kyle kahapon ng hapon. Na inaalok siya nito na maging caregiver nito. Hanggang ngayon ay hindi niya alam kung nagbibiro ito o ano. O kung paniniwalaan ito at magtitiwala rito o hindi. Oo at kakikilala lang nila pero may bumubulong sa isipan niya na pwede siyang magtiwala rito. Na wala itong masamang intensyon sa kanya katulad ng boss niya. Bukod pa doon ay napatunayan na nito na wala itong gagawing masama sa kanya sa maikling panahon na magkasama sila. Instead, nariyan ito palagi sa tabi niya na parang inihulog ito ng langit para alagaan siya at masandalan niya. Pero kasi… She didn’t know why he was doing this. She was grateful to him, but something’s bugging her. Hindi normal na basta na lang may dadating na gwapo at mayamang binata sa harapan niya at tutulungan siya basta nang walang hinihintay na kapalit. Ahh!  Ginulo-gulo niya ang maikling buhok niya. Maging siya ay naguguluhan sa sarili. Gusto niyang magtiwala rito, pero may parte sa isipan niya na pumipigil sa kanyang magtiwala ng lubos dito. Sa huli ay sinabi na lamang niya na pag-iisipan niya ang alok nitong iyon. Matapos guluhin ang buhok ay ipinatong niya ang siko sa armrest ng monoblock at nangalumbaba siya. Gusto niyang isipin na inalok siya ng binata ng trabaho dahil na-realize nito na hindi niya tatanggapin ang libreng tulong nito. Sa huli ay naipilit pa rin nito ang tulong nito sa kanya. He was really good at manipulating things. She stared outside the window and saw the sunlight coming in the room. Dapat ay nasa trabaho siya ngayon, pero dito siya inihatid ni Kyle. Katulad noong madaling-araw na nagkakilala sila ay sa bahay niya ito natulog kagabi. Ang kaibahan lang kanina ay hindi siya nito ginising. Hinayaan siya nitong matulog nang hanggang alas-otso ng umaga. Nang kastiguhin niya ito ay blankong tiningnan lang siya nito sabay sabing hindi na siya papasok sa resort na iyon. Gusto niya itong sabunutan. Dagdag pa sa ikinabigla niya kanina ay ang ilang galong alkohol na nakahilera sa gilid ng pinto niya. He was really serious about having her bathe in alcohol! Namrublema siyang bigla kung paano gagamitin iyon. Ibenta niya kaya? Nang nagdaang gabi ay napunasan na nito ng mabuti ng alkohol ang mga kamay, pulsuhan at leeg niya. Saka niya nalaman nang makapagpalit siya ng damit na namumula ang leeg niya dahil sa paghalik doon ng walanghiya niyang amo. Mas namula nga lang iyon sa pagkuskos ni Kyle doon ng gasa at bulak. Hindi na halos niya makita ang mga nakakadiring kiss marks na iyon. Gayunman ay nahirapan pa rin siyang makatulog kagabi kaya nakipagkwentuhan pa siya kay Kyle para hindi maisip ang nangyaring iyon. Nalaman niya na hinahanap siya nito noong hapon na iyon at nasabi ni Lia na pumunta siya sa bahay ng amo niya. Sinundan siya nito doon at nakita na lang nito na tumatakbo siya palabas. That was the time she bumped on him. She wanted to visit her mother, but he said she should rest last night. Hindi niya alam kung paano siya nitong napasunod sa kagustuhan nitong iyon. Hindi niya alam kung saan natulog si Nadia, pero nang lumabas sila ni Kyle kaninang umaga ay naroon na ito at naghihintay sa kotse ni Aser. As usual, agaw-pansin pa rin ang lalaking kasama niya at ang kotseng iyon. At nang maihatid nga siya nito sa ospital ay umalis din ito matapos sabihing may aasikasuhin ito. She sighed. Gusto niyang humingi ng advice kay Lanie pero nag-overtime daw ito kagabi. Paggising niya ay nakapasok na ito sa trabaho. Gusto niya rin sanang ikwento rito ang ginawa sa kanya ng boss niya. Kahit mahal nito ang trabaho nito ay tiyak na mas dadamayan siya nito. Baka nga sapakin pa nito ang boss nila. Napangiwi siya sa naisip. On the other hand, mas maganda na siguro na hindi nito alam ang nangyari. Baka mawalan pa ito ng trabaho dahil sa kanya. Saka hindi na naman ganoon kabigat ang pakiramdam niya sa nangyari. Ilang katok ang narinig niya na nakaputol sa takbo ng isipan niya at nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Napalingon siya sa pinto. The knocks obviously came from there. Nang kumatok ulit ang kung sino sa labas ay saka siya tumindig at pinagbuksan ito. There was a beautiful girl in white long-sleeves and knee-length black skirt standing outside of the room. Napakunot-noo siya. Ngayon niya lang ito nakita. Ang mas nakakapagtaka ay ang panlalaki ng mga mata nito nang makita siya. She suddenly remembered the three men from yesterday who stared at her the same way. Na para bang nakakita ang mga ito ng multo. Bahagya siyang nainis. “Ano po’ng kailangan nila?” walang ngiting tanong niya. Napakurap ito at tila natauhan. “Ah…” The beautiful lady cleared her throat. “S-sorry…” Kita niya ang pamamasa ng mga mata nito bago nito iniiwas ang paningin at bumuntong-hininga. Takang nakatingin lang siya rito. Baka naman may dadalawin itong kamag-anak na nasa kritikal na kalagayan at alalang-alala ito kaya parang maiiyak ito? “Wrong room po ba kayo?” tanong niya sa pagbabakasakali na baka makatulong siyang hanapin ang tamang silid na pupuntahan nito. “Ah… h-hindi. Hindi naman.” Umiling ito at pinilit na ngumiti. “N-nag-away kasi kami ng boyfriend ko kaya…” “Girlfriend, kailan tayo nag-away?” Napalingon naman siya sa kadarating na lalaki. Natigilan siya at nanlaki ang mga mata. Standing behind the beautiful woman was the vocalist of The Rebel Slam band. Hindi niya alam kung dinadaya siya ng paningin o ano. Oo at miyembro rin ng banda sina Kyle at Aser, pero iba kapag ang bokalista ang nagpagala-gala sa kung saan-saan. Kumbaga ay mas sikat ito. Magpipyesta si Lanie at Ate Lia kapag nakita ang lalaking ito. “Grendle! Nariyan ka na pala. Akala ko ba i-p-in-ark mo pa ang sasakyan?” nakangiwing baling dito ng babae. “I made it quick so the people won’t notice me. What is it about the fight?” Pinanliitan nito ng mga mata ang babae. “Ah, eh…” “Nevermind. By the way…” Inakbayan nito ang babae bago bumaling sa kanya. Ronah was glad that he didn’t look at her the same way as his girlfriend—she presumed based on how intimate they were. He smiled at her. “Hi! Are you Ronah?” Napakurap siya at wala sa loob na tumango. Teka… “Bakit mo ako kilala?” “Aser told us about you.” “Ah…” Naitsismis na pala siya ni Aser sa kaibigan ng mga ito. “Kung hindi pa sinabi sa amin ni Aser ang tungkol sa iyo, hindi pa namin malalaman na may babaeng pinagkakaabalahan si Kyle dito,” dagdag pa nito. “G-ganoon ba?” Wala namang sinabing masama tungkol sa kanya ang lalaking iyon, hindi ba? Napakamot siya ng ulo. “Correction lang, hindi ako babae ni Kyle. Bigla na lang siyang nanggulo ng buhay ng may buhay at sumunod sa akin. Wala kaming ginagawang masama.” “Oh. Sorry if I offended you for what I said,” hinging paumanhin kaagad nito. “Okay lang. Hindi naman ako na-offend. Itinama lang kita.” Sobrang overwhelmed siya sa presensya nito para ma-offend sa sinabi nito. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Nakatitig pa rin sa kanya ang babae. “Bakit nga pala kayo narito?” “We’re here to check your mom. My fiancee here…” Pinisil nito ang balikat ng kasintahan. “... is a doctor.” Tila naalimpungatan ito doon. She shook her head. Nang muli itong tumingin sa kanya ay may maayos nang ngiti sa mukha. “Ah… oo nga pala. Hindi pa kami nakakapagpakilala ng maayos. Ako nga pala si Donita. Donita Santiago.” Inilahad nito ang kamay nito. Inabot niya iyon. Napakalamig ng kamay nito. “Ronah. Ronah Canezo.” “As you may know, this is Grendle.” Turo nito sa kasama. Tumangu-tango siya habang binabawi ang kamay. “Nagkita na ba tayo dati?” tanong niya rito. “Huh?” “Para kasing kilala mo ako.” “Ah… Ikaw? Natatandaan mo bang nagkita tayo noon?” Napakunot-noo siya at alanganing umiling. Ano’ng ibig nitong sabihin doon? “Hindi. Ngayon lang kita nakita.” O baka naman nagkita na sila pero hindi niya lang matandaan? Pero imposible naman iyon. Walang naliligaw na ganito kaganda at may class na babae sa dating tirahan nila ng pamilya niya. Gusto niyang humingi ng paumanhin nang bumalatay sa mga mata nito ang disappointment. May pagkakapareho iyon sa nakita niya kay Kyle kahapon ng madaling araw. Pero bago pa siya makapag-’sorry’ ay naunahan na siya nitong magsalita. “Pasensya ka na kung ang weird namin.” Wala sa tonong tumawa ito. Alam naman pala nito na weird ang mga ikinikilos nito. “Right. I’m here to check your mom. Pwede ko ba siyang makita?” “Ha? Ah, eh… Hindi ba magagalit ang doktor dito?” “I’ve already talked with your mother’s doctor and she gave me the medical report.” Itinaas ni Donita ang folder na hawak nito. “Huwag kang mag-alala. Registered cardiologist ako at may work background sa Canada. Sa ngayon ay nagtatrabaho ako sa Catalina Medical Hospital sa Manila.” Nanlaki ang mga mata niya. Kilala niya ang ospital na iyon. Paano ba ay isa ang ospital na iyon sa pinakamagaling at advanced sa lahat ng ospital sa Pilipinas. Kung galing siya doon, baka matulungan niya ang nanay ko. Tiyak kasi na magaling ito kahit masyado pang bata para sa propesyon nito. Sa mga nababasa at napapanood niyang dokumentaryo tungkol sa ospital, hindi basta-basta ang mga doktor na nakakapasok doon. Isa pa ay wala naman palang kaso sa doktor ng nanay niya ngayon kung titingnan ito ng ibang doktor. Tumabi siya sa pinto at niyaya ang mga itong pumasok. Kinuha ni Donita ang bag na dala ni Grendle at inilabas doon ang stethoscope nito. Nagsimula na nitong inspeksyunin ang nanay niya habang binabasa ang medical information sa folder. Nakatayo lamang sa gilid si Ronah habang hinihintay itong matapos, katabi si Grendle. “Aser might be the one who contacted us, I mean my fiancee. Pero sinabi niyang inutusan lamang siya ni Kyle,” wika nito. Napalingon siya rito. “Si Kyle?” “Yeah.” Pero tinanggihan niya ang tulong nito kahapon, hindi ba? Isa pa ay hindi pa siya pumapayag sa alok nitong trabaho. Dapat ay naiinis na siya sa desisyon nitong iyon na walang permiso galing sa kanya, pero hindi inis ang nararamdaman niya ngayon. She touched her chest and felt the fast beating of her heart clearly. Bakit parang… parang natutuwa pa siya? Ibig sabihin lang niyon na iniisip siya nito, hindi ba? Na kahit wala siyang ibigay dito, handa pa rin itong tulungan siya at ang nanay niya. “By the way, why did Kyle order a lot of alcohol yesterday?” tanong ni Grendle kapagkuwan. “Do you know his reasons?” Napangiwi siya. Oo. Alam niya. Alam na alam.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD