PROLOGUE: THE DAY HE LOST HER
SUMAGITSIT ang gulong ng itim na sports car ni Kyle nang kabigin niya ang manibela paliko sa parking lot ng NAIA. Hindi na niya nagawang ayusin ang pagkakagarahe niyon at nagmamadali siyang lumabas. He peeked at his watch.
Great!
Tiyak na mapepektusan siya ni Jazmine sa sobrang pagka-late niya. Patakbong tinungo niya ang waiting area.
Nang tanghaling iyon ang flight ng kasintahan para sa business seminar nito sa Davao.
After passing the CPA board a year ago, Jazmine's father, Rey Chua, trained his only daughter to handle the big company they owned. Kasama na doon ang pagse-seminar nito sa kung saan-saang lugar, in and out of the country.
Tulad ngayon.
Too bad, kailangan niyang um-attend sa last day of review niya para sa Civil Engineering board exam na gaganapin sa isang linggo.
But he made a promise to her. Kaya heto, harangan man siya ng sibat ay hahabol siya sa nakatakdang flight ng nobya.
“Jazmine!”
Nakahinga siya nang maluwag nang lumingon ang pinakapamilyar at pinakamagandang mukha na iyon sa buhay niya. Those cute chinky eyes landed on his. Her knotted forehead was telling him that he was really in trouble.
Agad siyang lumapit dito sa waiting lounge.
She was frowning, but she was still pretty in his eyes.
“Hey,” bati niya.
“‘Hey’ ka r’yan.” Nakalabing inirapan siya nito.
“Sorry I’m late.” Alanganing ngumiti siya. Now he was standing right in front of her and he couldn’t take his eyes off her.
She stared back at him, then sighed. Tumayo ito sa kinauupuan.
Nasa paanan nito ang pink na maleta nito na palagi nitong dala kapag nag-a-out of town. Pinameywangan siya nito.
“Hayy naku, my loves! Bakit ba napakagwapo mo at hindi ko magawang mainis sa iyo?” Gigil na inihampas nito sa dibdib niya ang hawak nitong papel.
Napangiti siya. It had been five years since they hooked up but she never changed towards him. Until now, she was still the girl who was truly, madly and crazily in love with him.
Alam niya iyon dahil palagi nitong sinasabi at ipinaparamdam sa kanya.
And he loved her even more for that. He loved her more than she could love her.
After he passed his board— na pipilitin niyang ipasa— he decided to propose to her. Wala na naman siyang poproblemahin sa mga pamilya nila. The only condition of his mother, Karen, is that before he could do whatever he wanted he had to pass his board exam. Ang daddy naman ni Jazmine ay walang tutol kung gugustuhin ni Jazmine na magpakasal na sa kanya. Wala rin itong tutol sa kanya.
Pero bago pa siya ma-excite sa mga plano niya, kailangan muna niyang ilihim ito sa kasintahan. Ang nakakaalam lamang ng plano niya ay ang mga kaibigan niya. Sino pa nga ba kundi ang highschool and college best friends at bandmates niyang sina Grendle, Aser, Clyde at Mackey. May mga saltik man ang mga ito, kaya pa rin naman ng mga ito na magtago ng sikreto.
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha ng dalaga. Tila may malamig na kamay na humahaplos sa puso niya habang pinagmamasdan niya ang magandang mukha nito.
This wonderful girl is mine.
“And you’re the most beautiful girl in my world,” he replied almost breathlessly.
Kita niya ang pamumula ng mga pisngi nito. Now, she was even lovelier in his eyes. Hinapit niya ito sa baywang palapit sa kanya.
“Alam ko na iyan, no?” Ikinawit nito ang mga braso sa batok niya. “Mas maganda nga lang sa pandinig kung ikaw ang nagsasabi. I love you, my loves!”
“I love you more.” Gumanti siya ng yakap dito.
He buried his face on her neck and sniffed her familiar, sweet smell. Isipin niya pa lang na aalis ito, nami-miss na niya ito kaagad.
“Isang linggo na naman kitang hindi makikita,” he murmured against her skin.
He felt her gasping softly as a reaction from his touch. He smiled secretly.
“One week lang iyon, besides, tatawagan mo naman ako oras-oras, `di ba?”
Bahagya siyang natawa. Tuwing nasa malayo ito ay palagi nga niya itong tinatawagan.
“Sayang nga dahil wala ako dito sa board exam mo. Well, anyway, ayos lang iyon para hindi ka ma-distract sa kagandahan ko. Alam ko naman isang kindat ko lang, wala nang laman ang utak mo kundi ako.”
“Look who’s talking, hmm?”
“Okay, ako talaga ang ganoon sa iyo.” Humigpit ang yakap nito at humilig sa balikat niya. “I missed our college days. Hindi dahil sa pag-aaral natin kundi dahil palagi tayong magkasama sa tuwing wala kayong gig o kahit na may gig kayo. Hindi tulad ngayon.”
Malungkot na bumuntong-hininga ito.
“Ako rin naman.” Ilang panahon na lang ang hihintayin natin at makakasama na ulit tayo tulad noon.
Hindi na talaga siya makapaghintay na matapos ang board exam niya at bumalik ito. Hearing those words from her, napagdesisyunan niyang alukin na kaagad ito ng kasal sa pagbabalik nito.
They stayed like that, embracing tightly as if they were the only ones in that airport, until her flight was called. She sighed and slowly untangled her hands from him.
“Tinatawag na ang flight ko.”
Ayaw man niya, gusto man niyang manatili sila sa ganoong posisyon sa mga susunod pang oras, kailangan nitong umalis. Napipilitang pinakawalan niya ito. Ang tanging nasa kamay niya ay ang isang kamay nito.
“Take care. Bumalik ka kaagad.” He squeezed her soft hand. Parang ayaw na niyang bitiwan iyon.
“Of course. Para sa iyo.” She smiled that lovely smile of hers as if reassuring him. “Huwag kang mambababae habang wala ako, ha? Marami akong reporters. Nariyan sina Krizhia at Allyza. Lagot ka talaga sa akin kapag may nabalitaan ako.” Pinaliit nito ang maliit na nitong mga mata.
Hindi niya mapigilang ma-amuse— sa itsura at reaksyon nito.
“Kailan ba ako nambabae? Alam mong ikaw lang ang babae sa buhay ko... Aside, of course, from my mother.”
“Alam ko naman iyon. Pinapaalala ko lang. Alam ko namang patay na patay ka sa akin kaya loyal na loyal ka rin sa akin.” Pinanggigilan nito ang pisngi niya.
“Jazzy, I will kiss you if you don’t stop that.”
“Ako pa talaga ang tinakot mo, ha?”
Nilubayan nito ang pisngi niya at ipinatong ang kamay sa balikat niya. Ginamit nito iyong suporta sa pagtingkayad nito. Then she gave him a kiss on his mouth. She didn’t care of those people around them.
At siya... well, kailan ba siya nagkaroon ng pakialam sa mga tao sa paligid niya? Buong puso niyang tinugon ang halik na iyon.
Naghiwalay lamang sila nang tumikhim ang assistant ni Jazmine na si Elena mula sa gilid nila.
“Ah, Ma’am Jazmine, kailangan na po nating pumasok sa loob.” Nasa ibang parte ng airport ang mga mata nito para na rin siguro bigyan sila ng privacy.
“O-okay, Elena.” Namumula pa ang pisngi ni Jazmine nang ibalik sa kanya ang paningin. “Paano, my loves? Pupunta na ako. Iyong bilin ko. At huwag ka nga palang mag-i-skip ng pagkain para lang ma-text o matawagan ako. Naku, hindi ko talaga sasagutin ang mga tawag at text mo sa meal times. Huwag ka ring magsasama madalas sa mga kaibigan mo at baka pagtripan ka na naman nila. Wala pa naman ako para ipagtanggol ka sa mga iyon.”
“Opo. Ikaw naman, huwag kang titingin sa kahit sino’ng lalaki doon. I will call you every hour to make sure na hindi mo pa ako ipinagpapalit doon.”
Natawa ito. “Hinding-hindi kita ipagpapalit, ano? Swerte mo naman kung hahayaan kitang pagala-gala sa tabi-tabi nang walang keychain. At ako lang ang keychain mo. Maliwanag? Sige na. Kailangan na naming umalis.”
Napipilitang tumango siya at pinakawalan ang kamay nito. Para bang pinakawalan niya rin ang puso niya.
Hindi niya alam kung bakit ganito kabigat ang pakiramdam. Ilang beses na niyang hinatid si Jazmine sa airport pero para bang hindi pa siya nasasanay sa tagpong ito. Instead, it was getting worse every time he saw her leave. Like now.
Matapos magpaalam ulit ay lumakad na ito palayo.
Seeing her go once again was like seeing her go forever…
May kung anong pumitik sa dibdib niya. Napalis ang ngiti niya.
“Jazmine!”
Lumingon ito at matamis na ngumiti. Kumaway ito gamit ang dalawang kamay na parang bata.
“Bye, Kyle my loves! I love you!" Nag-flying kiss pa ito bago pumasok sa departure area.
Gusto niya itong habulin ngunit ayaw makisama ng mga paa niya. Tila namanhid ang mga binti niya sa kakaibang pakiramdam na iyon.
Ipinilig niya ang ulo. Hindi dapat siya nag-iisip ng ganoon.
No. It’s just a week long trip. It doesn’t mean that she will leave me forever.
Bakit nga ba niya naisip ang imposibleng bagay na iyon? Sinabi nitong hindi siya ipagpapalit sa kahit sino’ng lalaki.
Kahit paano ay napayapa ang loob niya. Hindi ito mawawala sa kanya. Masyado siya nitong mahal para lang iwan.
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga nang tuluyang mawala sa paningin niya ang dalaga. Pagbalik nito, kakausapin niya ang daddy nito na huwag na itong ipadala sa kung saan-saan. Kung nakakamatay lang ang pag-aalala, malamang matagal na siyang nakaburol.
With a sigh, mabigat ang mga paang pumihit siya paalis doon.
“WHAT do you mean ‘wala na siya’?”
Hindi alam ni Kyle kung paano sisigawan o paggalitan ang lalaking kausap sa cellphone.
Kakauwi niya lang galing sa licensure examination niya nang makatanggap ang tawag mula sa lawyer nina Jazmine.
“I’m sorry, Mr. Albarda. Mr. Reynaldo Chua just asked me to tell you. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa nangyari—”
“Eh, sa napakaimposible naman talaga ng sinasabi mo! She can’t be…” Pumiyok siya. Kung isang biro ito, ito na ang pinakamasamang biro na narinig niya. “Nagsisinungaling ka lang! Bukas pa ang flight niya pauwi rito!”
Dinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. “It seems that Miss Jazmine wanted to surprise you. Kaya inagahan niya ang flight niya sa sinabi niya sa `yo. Three hours ago ay umalis sa Davao ang eroplanong sinasakyan niya at nag-crash bandang Visayas. We just confirmed it. It is on the flash report right now. Kung hindi ka naniniwala—”
“I will never believe it! She promised me…”
“I’m sorry, Mr. Albarda. Jazmine’s dead.”
Jazmine’s dead…
Tila nuclear bomb iyon na ibinato nito sa kanya. He felt numb for instant. Then, the aftermath ravaged his heart.
Hindi…
Hindi pwedeng mangyari iyon.
“No! You, liar!”
Ibinato niya ang cellphone niya sa kung saan. Dinig niya ang pag-crash niyon pero wala siyang pakialam. Patakbong tinungo niya ang kotse niya.
“Kyle, what is happening?” si Karen iyon na nakasalubong niya sa sala. Malamang narinig nito ang pagsigaw niya at ang pagbato niya sa cellphone niya.
Hindi niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy siya sa garahe.
“Kyle, wait! Talk to me.” Hinabol siya ng kanyang ina at pinigilan sa braso bago pa siya makasakay sa kotse niya.
“Let me go, mom,” mariing sabi niya.
“Sure. After you tell me what’s going on?” Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Where are you going? Why are you crying, son?”
Saka niya lang namalayan ang mainit na likidong bumabasa sa mga mata at pisngi niya. And when he did, it was harder to talk. Nanikip ang lalamunan niya and all he could do was cry. Para siyang bata na umiiyak sa harapan ng ina. Pero hindi niya na alam kung paano ilalabas ang sakit na gumuguhit ngayon sa puso niya. Hindi siya makapagwala, tila nawalan siya ng lakas para gawin iyon. Hindi siya makasigaw, wala siyang boses na mahagilap sa bibig niya.
Jazmine’s dead.
Nanghihinang napasandal siya sa kotse niya.
Hindi totoo iyon. Aalamin niya mismo ang katotohanan. Pupuntahan niya si Jazmine sa bahay nito o kahit sa Davao. Si Reynaldo Chua mismo ang kakausapin niya. O ang assistant ni Jazmine. Kahit sino…
Jazmine’s dead.
Kahit sino’ng makakapagsabi na hindi totoo iyon.
“I… need to go,” wika niya habang inaalis ang kamay ng ina sa braso niya.
“No. You’re not in condition to drive. I can’t let you go like that. Baka maaksidente ka pa.”
“I don’t care!” sigaw niya. “I don’t care if I die. I just want to see her!”
“Kyle!” nabibiglang bulalas ni Karen. “What are you talking about? I care if you die! Need I remind you that I am your mother? Kung ano man ang problema, sabihin mo sa akin. Pag-usapan natin.”
“Si Jazmine…” tuluyan na siyang napahagulgol. Nasapo niya ang mukha. Wala na talaga siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao kapag nakita siyang umiiyak. “I want to see her. I want to ensure that she’s alright. That she’s alive. I want to see her.”
Naguguluhan man, tumango na lang si Karen.
“Okay. Pero sasamahan kita at ako ang magda-drive.”
Kinuha nito sa kanya ang susi at hinila siya sa passenger side. Ipinagbukas siya nito ng pinto at pinasakay doon.
Sunod-sunuran lamang siya rito. Ang totoo ay hindi na talaga niya alam ang gagawin. Hindi na nga niya sigurado kung paano magpatakbo ng sasakyan. Ang malinaw lang sa kanya ay ang kirot na pumupuno sa dibdib niya at ang isang hiling.
Please, please… don't take her away from me. Let this be a bad joke.
Pagkatapos ng tila napakahabang sandali ay nakarating rin sila sa mansyon ng mga Chua. Just to find out that Reynaldo wasn’t there. Nasa ospital daw ito sabi ng mga katulong. Gusto niyang awayin ang mga ito kung hindi lang siya hinatak ng kanyang ina pabalik sa sasakyan.
Habang lumalapit sa ospital na sinabi ng mga katiwala, mas lalong tumitindi ang kaba ni Kyle. Hindi siya marunong magdasal pero nang mga panahong iyon, ipinanalangin niya na sana ay ayos lang ang nobya. Na sana nagkamali lang ng sabi ang lawyer ng mga ito. Na sana hindi niya naman talaga natanggap ang tawag na iyon.
Pero lahat ng iyon… ang mga pag-asang binuo niya sa isip at puso niya…
Bigla na lang naglaho.
When he saw Reynaldo Chua crying at the hospital lounge.
Pautal-utal na sinabi nito ang lahat. Humingi ito ng paumanhin sa hindi pagsasabi ng personal sa kanya.
Pero tila hindi niya iyon naririnig. Isa lang ang bagay na tumitining sa utak niya.
Seeing her go once again was like seeing her go forever...
Wala na si Jazmine.