CHAPTER 1: ONLY HER

1297 Words
Present Time “EARTH to Kyle, roger.” “My famous abs to Kyle, roger.” “Naisama mo na naman ang abs mo, Clyde.” “Wala tayong magagawa, `tol Grendle. Ang gwapo ko kasi.” “`Oy, Kyle. Pakigising nga itong kaibigan mo na binabangungot na naman.” Patamad na nagtaas ng paningin si Kyle sa magugulong mga kaibigan niya. Napapikit lang siya sandali, nanggugulo na ng buhay ng may buhay ang mga ito. “Problema ninyo?” “Woah! Now, I can say that you’re really awake, dude.” Tinapik ni Mackey ang balikat niya. “Nakaalis na si Andrei, man. May naalala ka ba sa sinabi niya?” nanunubok pang sabi ni Aser. Ano na nga bang pinag-meeting-an nila kanina kasama ang manager nila? Ah, tungkol nga pala sa bagong album na ire-release ng banda. Hindi naman mali ang sapataha ng mga kaibigan niya na nakatulog na naman siya. And every time I fall asleep, I always dream of her… Ipinilig niya ang ulo para kahit paano ay mawala sa isipan niya ang ala-alang iyon. Kung kakaisipin niya kasi ay baka lalong walang makuhang matinong sagot sa kanya ang mga kabanda. “Yeah. Alternative rock ang tema ng susunod na album natin. I have to contest that, by the way. Where’s our manager? I want heavy metal rock.” Nagpalinga-linga siya pero wala na siyang nakitang ibang tao roon maliban sa kanilang lima. “You can’t change that, Kyle. Final na iyon.” Abala sa cellphone na sabi ni Grendle. “Tutulog-tulog ka kasi, eh. Don’t worry, `tol, mapapakinabangan natin ang lead guitar talent mo.” Tumayo siya nang umupo si Clyde sa tabi niya. Tiyak kasi na guguluhin na naman nito ang magulo nang buhok niya. “Magkikita nga pala kami ngayon ni Nhica. Mauna na ako sa inyo.” “What? What is that you’re saying na magkikita kayo?” Agad na nakaharang sa harapan niya si Clyde. Sa isang iglap ay nawala ang mapaglarong kislap sa mga mata nito. Gusto niyang mapangisi. He really knew how to piss off his friends. “You heard me, Clyde. Out of my way.” “Bakit kayo magkikita?” “That’s none of your business.” “Kapag kaya inuntog kita sa muscle ko, hindi ko pa rin iyon magiging business?” Patamad na tiningnan niya ito. Kung concern pa rin ito sa dating nobya, bakit hindi na lang ito kumilos para makipaglapit ulit sa dalaga? Kailangan talaga ng mga kaibigan niya ay may tagatulak pa sa mga ito. Kabi-kabila man kasi ang babae ng mga ito, natotorpe pa rin ang mga ito sa mga babaeng tunay na mahal ng mga ito. “She’s safe with me, Clyde. Nothing to worry about.” “I am not…” Huminga ng malalim si Clyde. “Alright, I’m worried. Nangangagat ka, paanong hindi ako mag-aalala sa kanya? Saan kayo magkikita?” “Why?” “Pinapapunta ka ng mommy mo sa company ninyo. Isa akong mabuti at gwapong kaibigan kaya ako na ang sasalo sa lakad mo na ito.” “Nakalusot ka doon, ah, Clyde.” Tatawa-tawang tinapik ito ni Aser sa balikat. “Pagbigyan mo na iyan, Kyle. Baka isangla pa niyan ang abs niya kapag hindi nakita si Nhica.” “No.” Sumama ang mukha ni Clyde. “Kung gusto mong makita si Nhica, kasama siya ngayon ni Donita sa VJ’s,” singit ni Grendle. Panira talaga ng panti-trip ito. “They’re with Krizhia, too.” “Don’t look at me like that, GJ. Wala na kaming pakialam sa isa’t-isa.” “You sound defensive, Aser.” “Totoo naman, ah!” “At ikakasal na rin si Krizhia kaya huwag ka nang um-extra pa,” sabat niya sabay diretso sa pinto. Hindi na niya hinintay ang reaksyon ni Aser. Alam na naman niya na sisimangot din ito katulad ni Clyde. “Where are you going, dude?” usisa ni Mackey na siyang pinakamalapit sa pinto. “Out.” “Ganoon ba? Pasabay na rin. May lunch date kami ni Allyza ngayon.” Sabay silang lumabas ni Mackey. Narinig niya pa ang pahabol ni Clyde. “Don’t meet with Nhica, Kyle. Sasamain ka talaga sa akin.” Tawa ng tawa si Mackey habang naglalakad sila. “Ang lakas mo talagang mang-alaska, dude! Wuu! Lodi!” Nagkibit-balikat siya. “It’s their fault. Gagawa lang sila ng kalokohan, iyong hindi pa nila mapanindigan. I hope the girls they love wouldn’t have them back. They don’t know how to cherish the one who loved them so much. They’re such a pain in the neck.” “That’s rude. Bakit hindi mo na lang hilingin na sana ay pahirapan sila ng todo nina Nhica at Krizhia? Mas masaya iyon.” Ngumisi ito. The Rebel Slam members were really wicked. They were a bunch of rebels back when they were kids and were still today. “Saan ka nga ba pupunta, dude?” tanong ni Mackey nang makalabas sila sa Davies’ Entertainments. “Sa company. Mom was bugging me to go there now.” “So, you’re really just pissing Clyde?” Nginisihan niya lang si Mackey bago sumakay sa BMW motorbike niya. He picked up his helmet. Sumandal naman ang lalaki sa itim na kotse nitong katabi lang ng motorbike niya. “You know, dude. It’s been a long time since you had a girlfriend. Hindi ka pa ba handang ma-in love ulit?” Saglit na napatigil siya sa pag-alis ng chin strap ng helmet niya sa loob niyon. “Don’t make me laugh, Mackey.” “Just asking. We’re not getting any younger, you know. You need someone who will love you for who you are and a partner for the rest of your life. Someone who can make you happy.” “You need me to find three girls? That’s a shock, coming from a stick-to-one guy.” “Seriously, dude. Find yourself a new girl already,” seryosong sabi nito. “I’m happy and satisfied with my life now. I don’t need anyone else.” Hindi niya alam kung saan nahugot ni Mackey ang usapang ito. Malamang dahil sa nalalapit na kasal nito at ni Allyza. This is the first time na kinausap siya ng kaibigan niya tungkol sa love life niya—except sa ina niya na palagi siyang pinapaalalahanan na kailangan nito ng apo na siyang magmamana sa mga negosyo nila. Kahit ang iba nilang kabanda ay hindi inuungkat ang tungkol doon. “Is remembering her over and over again making you happy? Jazmine will be sad wherever she is right now then.” And this. Walang sinuman ang nag-ungkat nito. Ang tungkol sa kanya… Sa kaisa-isang babaeng minahal niya. He ignored Mackey and wore his helmet. He turned on his motorbike. He didn’t want to hear them talk about her. Sobrang halaga nito sa kanya para pagtsismisan lang ng mga ito. Para lang marinig ang pangalan nitong sinasabi ng iba. “Look, you’re my friend so I’m telling you this, Kyle. Move on. Palayain mo na si Jazmine. Palayain mo na ang sarili mo.” Napatid na ng tuluyan ang kakaunting pasensya niya. Hinarap niya ang kaibigan. “I can’t! And I don’t want to. If this thing happened to Allyza, what would you do?” Natigilan ito. Pagkuwa’y napailing ito. “I understand what you’re going through. Remember what happened to my first girlfriend? I also felt that way. Pero iba sa iyo, dude. Pinaparusahan mo na ng sobra ang sarili mo.” “Then let me punish myself! It’s my life to torment, not yours.” Matapos sabihin iyon ay pinaharurot na niya ang motorsiklo paalis doon. Isa lang ang babaeng minahal niya at siyang mamahalin niya habang humihinga siya. His friends couldn’t do anything about that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD