“ANG pangit naman ng napwestuhan natin, friend. Hindi kita si Grendle.”
Natawa si Ronah sa reklamo ni Lanie. Kulang na lang ay magmarukulyo ito sa isang sulok. Idol daw nito ang The Rebel Slam simula pa noon. At ngayon ngang naimbitahan ang banda sa fiesta ng Palani sa unang pagkakataon ay hindi na nito pinalagpas pa iyon. Kinaladkad siya nito roon para raw may kasama ito. Kaso nga lang ay hindi naman sila nakahanap ng magandang pwesto.
“Wala tayong magagawa, Lanie. Napakarami nang tao rito nang dumating tayo.”
Two hours bago ang mini concert na iyon ay naroon na sila. Tambak na ang mga tao roon. Sa gilid ng stage na lang sila nakapwesto kung saan ang kita lang nila ay ang likod ng drummer at gitarista. Para ngang backstage na itong napuwestuhan nila, eh.
“Pero kasi, baka ito lang ang pagkakataon na makita ko sila ng personal. Makasilay man lang kay fafa Grendle. Makapagpa-picture man lang... Ay, ang gwapo talaga ni Clyde!”
Lumingon ng bahagya ang drummer doon at nakita nila ang kalahati ng mukha nito. Sapat na iyon para magkorteng puso ang mga mata ng kaibigan at magtitili.
Natawa na lang siya. Aminado si Ronah na gusto niya rin ang kanta ng banda pero hindi to the point na gugustuhin niyang makita ng personal ang mga ito.
Their music was relaxing her mind whenever she felt restless, or scared from a nightmare. Ewan ba niya. She particularly liked their recent album kung saan ginawang acoustic ng mga ito ang ilang sikat na kanta ng mga ito. Rock music ang original niyon pero napaka-sweet pala ng message kapag sweet din ang tugtog. Lalo na ang paghagod ng gitara.
Naagaw ang pansin niya mula sa pagmumuni-muni nang muling tumili si Lanie. Mas malakas na ngayon ang tili nito.
“Ang hot din ng gitarista! Hi, Kyyyyleee!” Kumaway pa ito sa stage.
Nakita niya ang pagharap ng gitarista sa gawi nila. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang pero tila ba diretso itong nakatingin sa kanya—kahit na malabo naman iyong mangyari sa dami ng mga katabi niya.
But something in his eyes told her that she was the one he was staring at. Hindi niya alam kung bakit tila biglang may mainit na kamay ang humaplos sa puso niya. She blushed and she didn’t know why.
Well, sino bang babae ang hindi mag-iinit ang mga pisngi? Ang magagandang pares ng namumungay na mga mata nito ay tila nangungusap sa kanya.
Sinabi ni Lanie na ‘hot’ ito, pero para sa kanya ay mas bagay ang salitang cool dito. His poker-handsome face had a lot of appeal and charm, kahit mukha itong isnabero. Bumagay lang sa character nito iyon. Dagdag pa ang swabeng pagkakasuot ng gitara nito at ang magulong buhok.
Then, his eyes softened, that even in this distance she could see it clearly. She felt her heart melt. Napakagwapo nito.
Bumuka ang mga labi nito na tila may kung ano’ng sinabi pero imposibleng marinig niya sa layo nila sa isa’t isa. Ano kayang tono ng boses nito?
“Friend, ang gwapo niya sa personal!” Inalog-alog ni Lanie ang balikat niya. Nakamata din ito sa stage. “Nakatingin siya sa 'kin!”
Natauhan siya. Hindi nga lang pala siya ang nagde-daydream na siya ang tinitingnan nito.
Napabuntong-hininga siya at nagbaba ng paningin.
Bakit nga ba niya pinag-iinteresan ang lalaking iyon? Mas marami siyang gwapong nakikita sa Palani Beach Resort, kung saan siya nagtatrabaho bilang receptionist.
Besides, hindi ito ang panahon para magkainteres siya sa kung sino-sino’ng lalaki.
Saka niya lang napansin ang pagba-vibrate ng cellphone sa bulsa niya. Agad na sinagot niya iyon nang makita ang tumatawag.
“`Nay?” pasigaw na tanong niya. Nagkakagulo na kasi ang mga katabi niya at ang lalakas magsitilian. “May problema po ba—”
Kailangan niyang ipaulit sa kabilang linya ang sinabi dahil hindi niya gaanong narinig. Itinakip niya ang kamay niya sa kabilang tainga niya upang mas marinig iyon.
“Ang Tiya Loring mo ito, Ronah. Isinugod namin sa ospital ang nanay mo. Inatake sa puso!”
“H-ho?” Nang luminaw ang tinig na iyon ay bigla siyang sinagilan ng kaba at takot. Nakakatatlong atake na ito ngayong taon! Sabi ng doktor noong nakaraan ay delikado na ang buhay nito kung aatakihing muli. “Sige ho! Papunta na ho ako! Salamat po, Tiya!”
Pagka-end call niya ay kinalabit niya si Lanie na engross na engross pa rin sa panonood.
“Lanie, kailangan ko nang umalis. Isinugod na naman si Nanay sa ospital.”
“Ha?” Inilapit ni Lanie ang tainga sa kanya. Napakaingay naman kasi ng paligid. Tila mas umingay pa doon ngayon kung kailan nawalan ng tugtog.
“Aalis na ako! Kailangan kong puntahan si nanay sa ospital!” naluluhang sigaw niya.
Hindi na niya ito hinintay sumagot. Nagmamadali siyang nakipagsiksikan sa mga tao paalis doon.
Hindi na niya nakita ang gitaristang tinitilian ni Lanie na bumaba sa stage at pilit na nakipagsagupaan sa mga fans nito makarating lang sa gusto nitong puntahan.
–*--
“KYLE! What the hell?”
Dinig niya ang sigaw ni Clyde nang hubarin niya ang gitara at tumalon sa stage. Napalingon ang iba pa nilang kaibigan subalit wala nang nagawa ang mga ito.
He certainly saw Jazmine. It was Jazmine! Hindi pwedeng magkamali ang mga mata niya... at ang puso niya.
Sinalubong siya ng mga fans na agad na yumakap sa kanya at pinagkaguluhan siya, pero wala siyang pakialam. Nagpumiglas siya sa mga ito at tinunton ang gawi kung saan niya nakita ang dalaga.
“Jazmine!”
But damn, hindi siya makaabante sa dami ng fans na dumadaluhong sa kanya. Hirap siyang baklasin ang mga kamay ng mga ito sa katawan niya.
“Jazmine!”
Nawalan siya ng balanse at natumba kasama ng mga fans na nakayakap sa kanya. Ramdam niya ang tigas at gaspang ng simento sa likuran niya. But he still didn’t care. All he cared about was to reach Jazmine.
Itinulak niya ang kung sinong nakahawak sa kanya pero nadaganan siya ng mga ito at ng iba pang gustong yumakap sa kanya.
Napasinghap siya nang madama ang ang pagguhit ng kirot sa braso niya. Hindi na siya makagalaw.
Jazmine…
Mariing napapikit siya at napangiwi. Hindi na siya makahinga sa dami ng nakayakap at nakadagan sa kanya.
Nang maabot ng security ang kinaroroonan niya ay hinawi ng mga ito ang mga fans at inilayo sa kanya ang mga ito. Inalalayan siya ng isang security sa pagtayo.
He caught his breath.
Agad siyang tumingin sa kinaroroonan ng dalaga kanina. He couldn’t see her anymore. Nagpalinga-linga siya sa paligid pero wala na ang magandang mukha na iyon na nakita niya. Alam niyang para na siyang baliw sa paghahanap pero wala siyang pakialam.
“Kyle!”
May kung sinong humablot sa kanya sa balikat nang akmang tatakbo na naman siya sa mga taong pigil-pigil ng security.
It was Mackey. Nasa baba na rin ito, habang nag-aalalang nakatingin sa kanya ang mga kaibigan nila na nasa itaas ng stage.
“Are you okay, dude?”
“I... I need to see something for myself,” he breathlessly said. His eyes wandered through the crowd frantically again.
“What is it?” tanong ni Mackey.
“Or is it a who?” ani Clyde.
“Come on, Kyle. Get up here. We need to finish the show,” wika ni Grendle.
“I think the first thing he needed is the medic.” Iminuwestra ni Aser ang braso niya.
He realized there was a gash in his right arm. Tumutulo ang dugo doon. The pain was awakening his numb nerves and brain.
“I don’t care. I need to see...” Jazmine.
Napahinto siya. Kapag isinaboses niya iyon ay tiyak na maaawa na naman sa kanya ang mga ito.
Ever since she died, they were so worried about him. To the point na awa na ang nakikita niya sa mga mata ng mga ito tuwing makikita siya.
He hated it. He didn’t want to feel like the hopeless case anymore. It was making him feel worse.
Kahit na anong tingin niya sa paligid ay hindi na niya makita si Jazmine. Unti-unti siyang mahimasmasan.
Ever since she died…
Yes, she was dead. He was there when they cremated her remains. She was gone.
Kailangan ba talagang sampalin siya ng katotohanang iyon?
Nanlambot ang mga tuhod niya. The reason why he couldn’t see Jazmine anymore was because she was gone... forever.
Damn, it hurts. It still hurts
His physical wound could not compare to it.
Napayuko siya. Kahit siya ay nagtatanong sa sarili niya kung bakit ba hindi niya pa rin iyon matanggap hanggang ngayon.
Nang mapansing huminahon na siya ay inakay siya ni Mackey palayo doon. Nagwawala pa rin kasi ang mga fans nila na gustong lumapit sa kanila.
“Come on, dude. Let’s get you out of here.”
He heard Grendle on the mic.
“Uh... it’s very unfortunate, guys. We enjoyed jamming with you but our guitarist fell off the stage. We love you. Please, understand why we have to cut our performance short...”
Hindi na nadinig ni Kyle ang iba pang sinasabi nito. His world suddenly blacked out.