LUMABAS si Kyle ng ospital at nagtungo sa parking area. Hawak niya sa kamay ang kapirasong papel na iyon. Niyaya niya kaninang lumabas saglit si Ronah pero matigas nitong sinabi na mananatili ito doon. Oo at pansamantalang nawala ang tensyon nito habang nagsusulat sila ng kanta pero bumalik na naman iyon pagkatapos. Hindi talaga nito maiwasang mag-alala ng sobra sa nanay nito. Hinayaan na lamang niya ito. Tutal hindi naman niya ito kasama, magagawa niya ang mga dapat niyang gawin nang hindi nito nalalaman. Nakita niya ang hinahanap sa gilid ng kotse niya. “Nadia,” tawag niya sa babaeng bodyguard. “Sir Kyle.” Tumango ito bilang pagbati. Ibinigay niya rito ang kapirasong papel rito. “You know what to do.” “Yes, Sir.” “After they’re done, return it to me. Don’t let them crumple it,”

