Episode 13

1752 Words

Hindi ko makalimutan ang reaksyon nito ng makita ako sa isang sulok. Nagmadali itong umalis papuntang banyo. Alam kong nahihiya ito ng makita ako kaya hinayaan ko nalang. Makalipas ng isang oras ay nakita ko ito na kumukuha ng pagkain mag-isa kaya nilapitan ko ito. "Moira," mahinang sabi ko dito habang kumukuha din ako ng pagkain. "Brandon, huwag mo akong kausapin kasi magagalit si Facundo," bulong nito sa akin. "Ito ba ang ginawa mo simula ng mawala ka sa paaralan?" tanong ko dito. "Kailangan ko gawin ito kasi mamamatay sa gutom ang pamilya ko Brandon. Paralisado na si Papa at wala na akong ibang paraan para may pambayad ako sa mga gastusin. Walang alam na ibang trabaho si Mama," maluhaluhang sabi nito pero pinatatag uli nito ang sarili para hindi tuluyan tumulo ang mga luha nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD