Episode 12

1564 Words

Mia's Pov Masaya kami na naghapunan lahat. Nawala na ang hiya ko kay Sir Brandon kahit hindi naman ito ngumingiti masyado. Pormal ito parati at seryosong makipag-usap sa amin ni Inay. Pero kay Jasmine ay palangiti ito. "Mahilig pala ito sa bata," sabi ko sa isip ko. "Sir maraming salamat sa mga tulong mo sa amin. Pangako pagbubutihin ko ang aking trabaho," paulit-ulit na sabi ko dito. "Huwag mo na isipin ang mga tulong ko. Ginawa ko lang ang nararapat," seryosong sabi nito sa akin. "Aalis na ako at magpahinga na kayo. Huwag mong kalimutan na inumin ang mga gamot mo," sabi nito bago umalis. "Anak, huwag matigas ang ulo mo. Dapat matuto kang magpahinga. Ngayon na maayos na ang tirahan natin ay hindi mo na kailangan mamasura. May maganda ka naman na trabaho na. Alagaan mo ang sarili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD