CHAPTER XX AGLAEA ROSEANNE SA SOBRANG excitement ko magtrabaho ay halos nangalay na ang paa at panga ko kakangiti. Halos lahat ng customer ay ngitian ko na at iassist kahit hindi naman paninda ko ang binibili nila. Sa totoo lang ay gusto ko lang malibang dahil lately ay maraming pumapasok sa isip ko. Pati ang masungit kong kapitbahay ay madalas din magpop up sa utak ko na hindi ko alam kung bakit. Tuwing nakikita ako ay lagi na lang nakasimangot na para bang sukang-suka siya sa akin. “Roan! Roan! Aglaea Roseanne!” Gulat kong nilingon si Diwa na nasa harap ko na pala ng hindi ko man lang napapasin. “Bakit?” nagtataka kong tanong sa kanya. “Uuwi na tayo. Magclock out ka na.” Nang tingnan ko ang orasan na nasa kamay ko ay totoong uwian na nga. Sa sobrang busy ko sa pagdi-day d

