CHAPTER XIX AGLAEA ROSEANNE NOTE galing kay Diwata ang unang bumungad sa akin pagkauwi ko ng bahay. Kakauwi ko lang galing sa mansyon. Ayaw pa akong paalisin ni Mommy dahil meron pa daw kaming party na pupuntahan. Parang isang araw pa akong makasalamuha ang mga kaibigan kong plastik ay hindi na ako makahinga. Parang isang araw pa akong makasalamuha ang mga kaibigan kong plastik ay hindi na ako makahinga. Saglit akong lumabas para bumili ng pagkain kila Aling Mameng at si Crystal ang bumungad sa akin. Ipinagmamalaki nito sa kasama niya sa tindahan na pumayag na ang Nanay na si Gunner daw ang mapangasawa niya. Ang tanong pumayag ba si Gunner na asawahin siya? Tsk! Ambisyosa din. Habang bumibili ako ay wala rin itong tigil sa pagtataray at pagsusungit sa akin. Hindi ko alam kung in

