KABANATA III
Pagod akong sumandal sa jeep pagkaakyat ko. Ilang beses ko ding pinisil ang mga binti ko dahil na ninigas na ito sa sobrang tagal kung makasakay. Ganito lagi ang pila dito lalo na at weekend ngayon halos tatlong minuto na yata akong nakapila bago makarating dito sa unahan. Idagdag pang sahod din ng mga tao kaya maraming nagmomall. Opening ka pero uuwi kang closing sa hirap ng byahe.
Minsan parang gusto ko ng sukuan ang buhay na gusto ko. Pero sa tuwing naaalala ‘yong bawat pakiramdam ng mga achievement na nakukuha ko ay binabawi ko na ang lahat.
“Miss paurong naman ng kaunti. Kung makaupo ka naman para kang nasa sala eh!” sigaw ng katabi ko sa babaeng nasa kabilang dulo.
Isa lang ito sa mga nasasaksihan ko sa araw-araw. Para bang lagi kang handa dapat sa mga kabubwesitan mo paglabas mo ng bahay. Kasi hindi makikisama sayo ang mundo.
Naglakad ako papunta sa bahay malapit lang naman at hindi ganoong nakakatakot. Pero napasigaw nalang ako ng muntik na akong mahagip ng isang rumaragasang motor. Mabuti nalang at mabilis akong nahila ng kung sino papunta sa gilid ng kalsada.
“Huwag kang tatanga-tanga baka mapadali ang buhay mo,” saad ng lalaking
Hindi ko na nagawang makapagpasalamat dahil inunahan niya na ako ng pambubuska. Inayos ko na ang sarili ko at siniguradong wala na ako sa gitna ng daan habang pinagmamasdan ang likod ng lalaking naglalakad palayo sa akin. Gusto ko pa rin sanang magpasalamat sa kanya kahit ang sungit niya. Dahil kung hindi niya ako nahila kanina ay baka nandoon na ako sa pader nakasalampak sa lakas ng ihahagis ko.
Winaksi ko nalang ang gumugulo sa utak ko bago ako nagpatuloy ng maglakad pauwi. Sayang lang at hindi ko man lang nakuha ang pangalan ng lalaking ‘yon para makapagpasalamat man lang ako kapag nagkita ulit kami.
Pagdating sa building naming ay tahimik ulit ang paligid. Ayokong mapasenti pero sa tuwing nakikita ko ang paligid ko ay parang gusto kung maupo sa isang tabi at magpatugtog ng malungkot na awitin baka sakaling tumigil ang maraming tinatakbo ng isip ko.
Nasa tapat na ako ng pinto ng unit ko ng makarinig ako ng sunod-sunod na kahol mula sa kabilang pinto. At umiral na naman ang pagiging likas kung tsismosa at pakialameraa kaya daha-dahan akong humakbang palapit dito at sumilip sa nakaawang na pinto. Bumungad sa akin ang isang malaking aso na tumatalon-talon habang walang tigil na kumakahol. Para bang ang saya-saya niya na makita ang taong nasa harap niya. At halos mapaawang ang labi ko ng isang hubad na lalaki ang lumabas sa harap niya. Wala sa sariling nakagat ko ang mga labi ko habang pinapanood itong kumilos sa loob ng bahay niya na hubad baro. Para bang komportable ito sa ganoong anyo na ako nalang ang mahihiyang tingnan siya.
“Oh, God!”
Mabilis kung tinakpan ang bibig ko ng mapasinghap ako. Ilang minuto pa bago nagprocess sa akin ang nakikita ko ngayon. Mabilis kung binuksan ang pintoan ko ng bigla itong humarap sa gawi ko. Sa bilis ng pangyayari ay bigla kaong kinapos ng hininga.
“Lord, please forgive me for what I’ve seen today. Hindi kop o sinasadya talaga!”
Napaantanda ako ng wala sa oras dahil sa mga nakita ko. Nababaliw na talaga ako. Natuwa lang naman ako sa aso hindi ko naman sinasadya na makakita ng mga masamang tanawing ‘yon. Hindi pala masama ‘yon pero sobrang bless niya pala ano? Hindi ko alam na meron palang ganoong nag-iiexist sa mundo. Akala ko ay mga libro at kwento lang ito pero pala talagang ganoon kalaking p*********i sa totoong buhay.
“Hoy, anong nangyari sayo diyan?”
Nilingon ko si Diwa na kakapasok lang ng bahay. Gusto kung magkwento sa kanya ng malaking nakita ko pero nahihiya naman ako baka sabihin niyang manyak ako. Pero talagang hindi macontain ng sarili ko na meron talagang lalaking pinagpala ng ganoon.
Ano kayang pakiramdam—Oh god!
Kailangan ko ng mangumpisal para sa mga naiisip ko ngayon.
Baka magising akong sinusunog na sa impyerno ang kaluluwa ko sa kadumihan ng isip ko. Magagalit talaga sa akin si Father Nilo sa kahalayan ko ngayon. Baka epekto ito ng matagal ko nang hindi pagsisimba. Madalas kasi pag inaaya ako ng mga magulang ko ang madalas kung sinasabi ay busy ako pero sa totoo lang ay ayoko lang silang makasama sa maraming tao.
“Diwa, maliligo lang ako ah! Bahala ka na sa pagkain natin,” bilin ko sa kanya bago ako nagtatatakbo papasok ng kwarto ko.
Narinig ko pa ang malakas na tawa nito ng sa pagmamadali ko ay hindi ko napansing sarado pala ang pintoan ng banyo kaya nauntog ako. Piling ko ay nagdilim ang paningin ko sa sobrang lakas nang pagkakauntog ko. Mahirap talaga kapag masyado kang usisera nagkakaroon ka ng kasalanan na hindi naman dapat.
“Ano bang nangyayari sayo, Roseane? Para kang timang bigla kang tumatakbo.”
Paglabas ko ng kwarto ay naghahanda na si Diwa ng haponan naming dalawa. Dati ay sobrang conscious ako sa kinakain ko kasi marami ang laging pumupuna sa katawan ko. Bukod sa hindi ko makain ang gusto ko ay parang may mga mata na laging nakabantay sa bawat galaw ko. Ngayon malaya akong gawin ang lahat ng gusto ko. Walang pipigil o magbabawal sa akin kaya ng payagan ako ng parents ko na magsolo ay sobrang tuwa ko.
“May nakita lang ako kaninang hindi ko dapat makita,” tipid kung sagot.
Dahil kilala ko ang kaibigan kung ito at hindi ako nito titigilan kapag nag-umpisa na itong magtanong. Bukod sa nahihiya din naman ako sa nangyari sa akin kanina ay baka hanggang sa panaginip ay madala ko pa ‘yon kaya ayoko ng isipin pa.
“Girl, alam mo ba ang gwapo pala ng kapitbahay natin?”
Ang sarap ng kain ko ay bigla akong nasamid sa sinabi ni Diwa. Biglang pumasok sa isip ko ang lalaking nakita ko kanina ng sumilip ako. Iisa kaya ang sinasabi niya sa nakita kung lalaki kanina?
“Ano ba ‘yan Roseane? Napapapano ka bang babae ka? Kanina ka pang ganyan ah!” sita sa akin ni Diwa habang hinahaplos ang likod ko.
Kinuha ko ang tubig na inabot niya sa akin. Nagtatanong siya eh kung tutuosin naman lahat ‘yon ay kasalanan niya. Hindi naman ako masasamid kung hindi niya biglaang binanggit ang lalaking sa kabilang kwarto.
“Ikaw kasi biglaan kang nanggugulat. Ano ba kasi ‘yong tungkol sa lalaki diyan sa kabila? Teka lalaki pala ang kapitbahay natin?” mangha kung tanong sa kanya na kunwari ay wala talaga akong ideya.
“Hay naku, ayon nga.” Nagulat pa ako ng bigla siyang umurong sa tabi ko na para bang maririnig kami ng kapitbahay namin kapag hindi siya lumapit sa akin. “Alam mo bang nakasabay ko siya kanina sa hagdan. Girl, ang bango-bango niya. Dios ko parang maiihi ako sa panty sa sobrang kilig ko kanina.”
Napangiwi nalang ako ng biglaan naman siyang tmuili siguro dahil naalala niya ang nangyari sa kanya kanina. Ganoon ba siya kakilig sa lalaking ‘yon para maging ganito ang reaksyon niya?
“Hoy, Diwa! Umayos ka nga kababae mong tao ang harot-harot mo. Tapos anong nangyari?”
Para na kaming timang na dalawa habang magkaharap at nagtitilian sa bawat kwento ni Diwa. Nakalimotan ko na nga ang itsura ng nakita ko kanina. Hindi ko naman talaga nakita ang mukha ng lalaking ‘yon. Kaya hindi rin ako sigurado kung pareho kami ng taong nakita.
Hindi na nga natapos ang pagkain naming dalawa dahil sa kadaldalan at kaingayan ni Diwa. Hindi ko rin naman matiis dahil curious din ako sa kung anong ikukwento niya. Magkaibigan nga kami baka kapag kinuwento ko pa ang mahabang ano na nakita ko ay mas lalong hindi na kaming dalawa makatulog.
Closing ako ngayon si Diwa naman ay opening kaya maaga itong umalis kanina. Pero paglabas ko ay naghanda na siya ng pagkain naming dalawa. Ako naman ang nagluto ng para sa tanghalian naming dalawa. Iiwan ko nalang sa locker niya ang pagkain niya dahil baka hindi kami magsabay ng lunch. Ganito ang set up naming dalawa kahit noon pa. Kaya mahal naming ang isa’t isa kasi wala namang lamangan sa aming dalawa.
“Roseane, Good morning! Tanghali kana ngayon ah!”
“Opo, closing kasi ako ngayon,” sagot ko kay Aling Mema nang huminto ako sa tapat niya.
“Ah kaya pala nauna sayong pumasok ang kaibigan mo. Kapag pala kailangan niyo ng mabibilhan sa likod nitong building ay nagtitinda ang kaibigan kung si Mameng. Masarap iyon magluto kaya pwede kayong bumili doon.”
“Ikaw?” napaawang ang labi ko ng makita kung sino ang kausap ni Aling Mema kanina.
Ang lalaking bastos at mamboboso sa harap ng unit ko. “Ako nga, you’re the girl who’s showing her breast on me,” mapanuya nitong angil sa akin.
“Hoy, anong palagay mo sa akin mahalay? Baliw ‘to ah!”
Gusto ko pa sanang makipagtalo sa kanya at ipagtanggol ang sarili ko pero malilate na ako. Saka kami magtutuos kapag hindi na ako nagmamadali. Tinalikoran ko siya at hinarap si Aling Mema bago ako nagmamadaling nagpaalam. Mabuti nalang paglabas ko ng gate ay eksatong dumaan ang jeep na sasakyan ko. Hanggang tuloy sa trabaho ay nagmamadali akong tumakbo dahil baka sinundan ako ng lokong ‘yon. Sa gawi ko ay parang ako pa ang may kasalanan sa lokong ‘yon ah!
“Hoy, Roseane para kang hinahabol ng kalabaw sa bilis mo tumakbo ah! Maaga pa di ka pa late,” tukso sa akin ni Debby.
Nanghihina tuloy akong napasandal sa pader ng makapasok ako sa employee’s entrance. “May aso sa labas!” pagdadahilan ko kahit alam kung alam din naman nilang wala talaga.
Ilang araw ko ding iniwasan si Aling Mema dahil baka mamaya ay kasama niya na naman ang lalaking bastos na ‘yon. Mabuti nalang at nakikisama yata ang tadhana sa akin dahil talagang hindi ko siya nakikita kahit anong oras pa ako pumapasok at umuuwi.
Ngayon ay wala akong pasok kaya maaga palang ay gumising na ako para magjogging sa labas. Si Diwa ay tulog pa dahil mas masarap daw matulog kesa sa tumakbo. Kaunting stretching lang ang ginawa ko bago nag-umpisang tumakbo palabas ng subdivision. Ito ang unang beses kung umikot sa buong paligid kaya sobrang nalibang ako bukod sa marami din akong nakakasabay. Ang ganda kasi ng subdivision dahil sobrang aliwalas nito pati ang park ay sorbang laki din. Ang sarap ng tako bo pati na rin ang paghanga sa mga nadaanan kung bahay ay hindi ko na napansin may kasalubong ako.
“f**k!”
Napaigik ako ng tumama ang pwet ko sa semento. At ang walang hiyang lalaking nakabunggo sa akin ay hindi man lang ako tinulongan. Napakasama ng ugali sana madapa siya. Bigla nalang kasing tumakbo din paalis ang bwesit na ‘yon. Tatandaan ko ang suot mong fitted gray shirt na puno ng pawis. Kahit hapit ang buo mong katawan at nagpi-flex ang mga muscles mo sa bawat galaw mo hindi pa rin ako natutuwa sayo.
Angt harot mo na naman Aglaea Roseane!
Dahil balakang ko ang napurohan nang bumagsak ako kanina sa semento ay nahirapan na akong maglakad dahil bigla itong kumirot.
Damn that guy! If I’ll see him again I will show him who’s bastos.
“Roseane, anong nangyari sayo?” salubong sa akin ni Aling Mema.
Ngayong abala ako sa masakit kung balakang ay hindi ko inaasahan na lalabas bigla si Aling Mema. At worst kasunod niya ang lalaking naka gray fitted shirt. Naglalakad ito palapit sa amin ni Aling Mema na parac bang sinisino ang kaharap. At isang ismid ang binigay niya sa akin ng huminto ito sa harap ko.
“Meron po kasing bumonggo sa akin doon sa may Park. Ang masama hindi man lang ako tinulongang tumayo pagkatapos.” Pagpaparinig ko sa kanya pero parang balewala lang naman ang sinabi ko.
“Baka kasi tatanga-tanga ka!” Sabat niya na para bang hindi ko siya naririnig.
At talagang sinasagad ng lalaking ito ang pasensya ko ano? Kahit kailan ay hindi ako patola sa mga taong gaya niya. Pero itong lalaking ito inuubos lahat ng kabaitang meron ako. Hindi ko tuloy hindi mapagilang mainis sa kanya at magdasal ng mga hindi magagandang bagay.
“Magkakilala ba kayong dalawa?”
“Hindi/ Hindi po!” sabay naming sagot kay Aling Mema na nagulat din.
“Hindi pala eh. Pero kung magbangayan kayo ay parang aso’t pusa. Tara nga doon kay Mameng at ililibre ko kayo ng almusal ng hindi mainit ang ulo niyo,” hila sa akin ni Aling Mema kaya hindi na ako nakatanggi pa.
“Aling Mema, I still have work—“
“Tigilan mo akong bata ka. Alam ko namang matutulog ka lang sa kwarto mo.”
Pareho kaming walang nagawa kung hindi pagbigyan ang gusto ng matanda. Bukod sa nakakahiya kasi ang ingay ni Aling Mema at kung pagalitan kami ay parang bata. Baka isipin ng lokong ito na tinatakasan ko siya at talagang iniiwasan.
“Ay hello, good morning! Napaka gwapo at ganda ng mga kasama mo Mema.”
Lumapit sa amin ang isang matabang babaeng nakahouse dress at may curlers ang buhok. Naka apron ito at may hawak na sandok ang kamay. Siguro ito si Aling Mameng na may–ari nitong karinderya. Malaki ang kainan niya at maraming kumakain doon na parang halos ay tenant lang din ng mga kalapit na building.
“Naku, tama ka diyan, Mema. Itong si Roseane ay bagong lipat lang kasama ang kaibigan niya sa second floor.”
“Ah, iyon ba ang inalisan ni Cindy na nagtatrabaho sa patay sindi?” bigla akong nasamid sa sinabi ni Aling Mema.
Hostess? Ang updated naman ni Aling Mameng kahit hindi naman siya ang may-ari ng building. “Naku Mameng, baka kung ano ang isipin ni Roseane. Kabit lang siya pero hindi nama gaya ng kwento ng iba tungkol sa kanya.”
“Naku sabi mo eh! Ikaw, Gunner saan ka na naman nagsususuot at ngayon lang kita nakita?” baling niya sa lalaking nasa tapat ko.
“Nadisteno lang saglit sa ibangl ugar, Aling Mameng. Bakit may naghahanap po ba sa akin noong wala ako?”
Saglit akong natigilan sa tanong niya. May tinatakbohan ba itong tao? Tsk. Ang gwapo sana pero nuknokan naman ng sungit nito. Akala mo ay may galit sa mundo sa lagi nitong pasinghal na sagot. Parang kay Aling Mema at Mameng lang ito mabait eh. At saka pala doon sa asong dala-dala niya nang magkita kami.
Biglang pumasok sa isip ko ang aso noong lalaking katabi ko ang unit. Ang laki ng alaga niya, I mean ng aso niya.
“Naku, Gunner huwag mo ng pansinin ‘yang si Mameng at puro tsismis ang alam niyan,” saway niya sa lalaking masama pa rin ang tingin sa akin. Kung makatingin naman ito akala mo ay pumatay ako ng kung anong hayop.
“Parang sinasabi mo namang tsismosa ako. Dyan na nga kayo.”
“Ay Roseane hindi pa nga pala kayo magkakilala ni Gunner ano? Siya iyong lalaking nasa kabilang unit mo. Matagal ko na itong tenant. Malapit lang kasi ang trabaho niya dito kaya hindi na umalis. Ano nga palang gusto mong kainin? Ako nalang pala mag-oorder ng bestseller ni Mameng.”
Marami pa akong naririnig na sinasabi ni Aling Mema pero wala na akong maintindihan kahit isa. Ang tanging nagsisink in nalang sa utak ko ay ang lalaking nasa harap ko ngayon ay ang lalaking nasa kabilang kwarto ko. Ibig sabihin din noon ay siya rin ang lalaking nakita ko noong nakaraang gabi na halos hindi ako pinatulog ng husto.
Siya ang lalaking may aso. Siya ang lalaking malaki ang ano na nakita ko. Siya rin ang lalaking tumawag sa akin ng madumi akong babae.
Oh, God! Pakiramdam ko ay nagha-hyperventilate na ako ngayon palang.