CHAPTER IV
AGLAEA ROSEANNE
MAAGA AKONG NAGISING at nagluto ng baon namin ni Diwa. Mauuna ulit akong umalis sa kanya. Doon na lang ako sa trabaho muna tatambay dahil ayokong tanghaliin ako. Ilang araw ko na itong ginagawa mula ng malaman ko na ang walang’yang lalaking nanilip sa akin ay nakatira lang pala sa katabing kwarto namin. Idagdag pang pumasok ako sa kwarto niya at nakita ang hindi naman talaga dapat makita.
Siguradong kapag nalaman niya ang ginawa ko ay ako pa ang magmumukhang bastos nito. Kaya habang maaga ay mas mabuting umiwas na ako.
Pagkatapos kong magluto ng baon ko ay naligo na ako at tinakpan na lang sa mesa ang pagkain na para kay Diwa. Naku sa trabaho na lang ako mag-aayos dahil baka bigla pa kaming magtagpo paglabas ko dito. Ayokong masira ang araw ko dahil sa kanya. Ang aga-aga pa kaya noh!
“Good morning, Aling Mema!” bati ko sa kasera naming nakaupo at mukhang nagpapa-araw.
“Good morning din, Roan! Ang aga mo yatang papasok.”
Napangiti ako sa pangalang itinawag niya sa akin. Noong mga unang linggo ay lagi niya akong tinatawag sa totoo kung pangalan na hindi naman talaga ako komportable. Kahit ilang beses ko ng pinaalala sa kanya ang pangalang dapat itawag sa akin.
“Ah may iba pa po kasi akong gagawin sa trabaho,” pagdadahilan ko kahit ang totoo ay umiiwas lang ako sa kapitbahay ko na masungit.
Nagpaalam lang ako kay Aling Mema bago naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Mabuti na lang at hindi pa rin ako nagmi makeup kaya hindi pa ako hulasan kahit matrapik at mainit sa byahe. Pag-upo ko sa jeep ay inabot ko agad ang bayad kong hinanda ko na kasi mahirap ang maghanap ng barya kapag sobrang sikipan na sa jeep.
Noong isang beses naranasan ko na sa sobrang pagmamadali ko ay sumakay ako sa jeep kasi dalawa pa daw. Pag-upo ko kahit kalahati yata ng pwet ko ay hindi na kasya sa sobrang sikip ng dalawa pa daw. Bwisit ‘yon!
“Bayad po. ESEM lang po,” abot ko ng bayad ko, pero nilingon ko ang lalaking nasa harap ko.
“Tsk! Can you move a little bit?” dinig kong sabi ng isang lalaki sa kabilang side.
“Wala na ngang uusogan pa eh!” asik ng babaeng nasa tabi niya.
Napaangat ang kilay ko sa sinabi niya na kung tutuusin ay hindi totoo dahil ang laki pa ng space sa pwesto niya. Samantalang si Kuya ay mahuhulog na sa sobrang liit lang ng parte ng kinauupoan niya. Pigilan mo ang sarili mo Roseanne at huwag makialam. Hindi mo problema ang bagay na ‘yan.
“Miss, ang laki pa ng space sa kinauupoan mo. Otso lang binayad mo, upong otso lang din ang gawin mo,” hindi ko mapigilang asik sa kanya.
Sa pagkapahiya yata ng bruha ay nagpara na lang ito at mabilis na bumaba ng jeep. Dapat lang ‘yon sa kanya ng malaman niya ang mali niya. Pare-pareho naman silang nagbabayad ng tama tapos kung makaupo siya ay parang akala mo nasa bahay nila. Pakiramdam ko nagiging si Dad na ako sa pagiging mapuna ko sa mga bagay-bagay.
“Roan, may tinatakbohan ka ba at ang mo laging pumapasok ngayon?” napangiwi ako sa sinabi ni Mira dahil sobrang guilty ako sa bagay na ‘yon.
“Wala noh! Masama na bang pumasok ng maaga?” tanggi ko kahit ang totoo ay tama siya.
“Akala ko may tinakasan ka na naman kaya bigla kang maagang pumapasok.”
“Hoy, Mira ang bastos ng bibig mo. Diyan ka na nga!”
Nagpaalam na ako sa kanya at dumiretso sa employees entrance. Kumain muna ako ng dala kong extra na pagkain dahil sa pagmamadali ko ay hindi na ako nakapag almusal sa kakamadali ko. Eto yata ang napapala ko sa kakaiwas ko ako tuloy ang nahihirapan ngayon.
Mamaya pang alas nuwebe ang duty ko kaya mas oras pa ako dahil alas otso pa lang naman ng umaga. Maya-maya pa ay nagdatingan na rin ang iba kong kasamahan na pareho ko rin ng oras ng pasok. Hindi pa sila makapaniwala na dito daw ako kumakain akala pa nila ay nag-away kami ni Diwa dahil lagi daw akong nagmamadali at hindi ito sinasabayan.
Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko bago isang beses pang pinahid ang lipstick sa labi ko bago tumayo. Nag Clock in muna ako bago dire-diretsong lumabas ng locker room namin at dumiretso na sa post ko. Kailangan bago kami lumabas dito ay dapat nakaayos na kami at wala ng kahit anong kulang sa mukha namin. Kaya lahat kami ay maingat sa pag-aayos dahil sayang ang sahod kapag nabawasan ang sahod namin dahil lang sa hindi nila nagustuhan ang make-up na ginamit namin.
“Good morning, Ma’am! Meron po kaming ibang designs at sizes niyan,” saad ko sa customer na lumapit sa mga dress na paninda ko.
“Can’t I shop peacefully?” The woman I approached shrieked.
Bigla tuloy akong napaatras palayo dahil sa gulat ko. Bakit ba lahat ng namimili dito ay feeling entitled na para bang lahat ng ito ay bibilhin nila. Hindi ba pwedeng magtanong lang dahil baka makatulong kami? Akala nila ay lagi namin silang binabantayan kapag tinatanong. Kapag naman hinayaan mo lang sila ay sasabihin naman na hindi maganda ang customer service niyo.
Ang hirap intindihin ng mga customer na ito.
“Baka lang po may kailangan kayo Ma’am at makatulong ako,” magalang kong sabi sa kanya.
“I don’t need anyone to assist me. I need a peaceful time to shop. You understand that?” sigaw niya sa akin.
Humingi lang ako ng paumanhin bago naglakad palayo sa kanya. Ang aga-aga ay may buena mano agad akong bruhang customer na ang sarap putulin ng dila. “Ang arte naman nung customer mo,” bulong ni Lexi na nag-aassist naman sa mga sapatos na nasa tabi ko.
“Hayaan mo na. Kinaganda niya daw ‘yon,” biro ko dahilan para magtawanan na lang kaming dalawa.
Ilang minuto pa ay narinig ko na lang na tinatawag ako ni Lexi dahil nagtatawag na ng mag-assist sa kanya ang babaeng nag paalis sa akin kanina. “Hello, is anyone here who can assist me?” naririnig kong sigaw niya.
Pati ang ibang mga customer ay napapabaling na sa kanya dahil sa lakas ng sigaw niya. Iassist mo ang sarili mo tutal ayaw mo ng istorbo. Bulong ng isip ko bago muling balikan ang ibang customer naina assist ko.
“Miss, okay lang kung isisingit mo ba siya,” mabait na saad ng customer na inaassist ko.
“Ayos lang po Ma’am. Kayo po ang nauna kong asikasuhin kaya kailangan na pong maghintay sa kung sino ang magiging available,” magalang kung imporma sa kanya.
Walang lumapit na kahit isang sales staff sa kanya hanggang sa mapagod na lang siguro siya kakatawag at umalis.
Minsan hindi mo naman kailangang maging importanteng tao para tratuhin ka ng mabuti ng mga taong nakakasalamuha mo. Ang kailangan mo lang gawin ay maging mabuting tao dahil mas nakikita iyon kesa sa kung ano ang estado mo. Iyon ang natutunan ko sa ilang taon kong pananatili sa ganitong porte ng trabaho.
“Roseanne, paki assist nga muna ang kliyente ko naiihi lang ako,” tawag sa akin ni Mira.
Tumango lang ako sa kanya bago naglakad papunta sa pwesto niya. Nakita ko doon ang isang lalaking abala tumingin ng suit at tie. Isang hingang malalim ang pinakawalan ko bago makalapit dito. Tahimik akong nagdadasal na sana ay hindi na ito gaya ng una kong customer.
“Hello, Sir! Ano pong hanap nila? May preffered po ba kayong design or brand?” tanong ko bago nilabas ang pamatay kong mga ngiti.
Pero ilang minuto na akong nakatayo sa tabi niya ay hindi pa rin ito nagsasalita. Hinayaan ko na lang dahil baka namimili pa ito ng mga gusto niyang designs. “How long are you going to stay beside me?” he scowled at me.
“Sorry, Sir--”
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil ng tanggalin niya ang suot na mask ay umawang na lang ang labi ko. Sa dami ng makikita ko ngayon matapos ang masungit na customer na ‘yon ay ang pinaka ayaw ko namang tao.
“I-Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” tanging naitanong habang hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa kanya.
“This a mall, right?” he smirks. “So, tell me why do people come here?” tanong niya ng dumukwang ito palapit sa akin.
“Tsk! Antayin niyo na lang po ang--”
“I want the color red and black on this one,” dire-diretso niyang utos na parang hindi man lang narinig ang una kong sinabi.
Wala na akong nasabi pa dahil customer namin siya at ito ang trabaho ko. Kaya kahit hindi ko alam kung nasaan ang mga stocks ng hinahanap niyang tie ay naghanap pa rin ako. Halos mangalay ang mga binti ko sa paghahanap ng mga kulay na gusto niya.
Pagbalik ko ay naabutan ko siyang abala pa rin. Ang naiba nga lang ay tshirt naman ang tinitingnan niya ngayon. “Oh, I also need a black and white of this one,” he also added after handling what he asked a while ago.
I wanted to protest and ask him what he is trying to do. But he is still a customer, so I still need to attend to his demands even though I am starting to get annoyed with him.
Kinuha ko din ang sinasabi niya at nang iabot ko ulit sa kanya ay halos umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa ulo ko sa sobrang inis ko. “Ito lang palang tie ang kukunin ko. Thanks,” he said before turning his back on me.
Habang pinapanood siyang umalis ay ilang beses pa akong bumuntong hininga para pakalmahin ang puso ko. Baka kapag hindi ko ito ginawa ay makalimutan ko kung nasaan ako at kung anong ginagawa ko dito.
“Kumalma ka, Aglaea Roseanne. Kumalma ka,” bulong ko sa sarili habang isa-isang dinadampot ang mga pinakuha niya kanina.
Kung wala lang ako sa trabaho ngayon ay baka naaway ko na ang lalaking ito. Nakakainis talaga siya!
Pagbalik ko sa stock room ay lahat sila nakatingin sa akin na parang may dumi ako sa mukha ko. “Bakit?” kunot noo kong tanong.
Sabay-sabay silang umiling para isa-isang nagpulasan. Nilapitan ko tuloy ang isang salamin na nakita ko at tiningnan ang sarili ko dahil baka nagkalat na ang make-up ko. Maayos naman ang mukha ko, pero kung makatingin sila ay parang nakakita sila ng multo sa akin.
“Anong ginagawa mo diyan, gurl?” tanong ni Lexi na kakapasok lang din ng stock room.
“I was checking myself if there’s something wrong. Kung makatingin kasi ang mga ito sa akin ay akala mo may mali sa akin.”
“Gaga! Wala namang mali sa ‘yo. Pero para ka talagang sinapian sa nguso mong halos dumikit na sa ilong mo at halos magdugtong na ang kilay mo sa sobrang inis. Gurl para kang sinasapian!” maarteng paliwanag ni Lexi.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi niya. Pano naman kasi nakakainis talaga ang lalaking ‘yon! Iniiwasan ko na nga siya para hindi niya na ako awayin at kulitin pa. Pero sadyang mas matigas pa yata sa bato ang bunbunan ng walang ’ya na ‘yon!
“Hoy! Tama na ang simangot. Tara na at kumain!” tawag sa akin ni Diwa.
“Naku! Sinong nakasimangot? Wala kaya nun dito,” biro ko kay Diwa bago kami sabay na nagtawanan.
Nagpaalam na ako kay Mira para sabayan ang best friend ko mananghalian. Habang naglalakad kami papuntang canteen ay wala ding tigil ang tawa niya dahil sa kinukwento kong nangyari sa akin kanina.
Nagpaalam na ako kay Diwa na mauuna na ako sa kanya kasi dadaan pa ako ng grocery para bumili ng ulam naming dalawa. Sakto iyon at palabas na rin siya pagtapos kong maggrocery kaya sabay lang din kaming uuwi.
“Diwa!” nakangiti kong tawag sa kanya paglabas ko ng grocery. Nakasimangot na ito na siguradong kanina pa naghihintay sa akin. “Sorry na! Ang dami kasing tao tapos nagkita kami doon ni Myla ‘yong nakakasabay natin sa canteen. Alam mo bang buntis na pala siya? Nakaleave sya ngayon kasi maselan daw ang pagbubuntis niya,” dire-diretso kong kwento kay Diwa.
“Di ka rin tsimosa ano? Tara na nga gutom na ako.”
Ang mandalas talagang maingay ay si Diwa at hindi ako. Pero minsan kapag maraming tumatakbo sa isip ko ay hindi rin ako matahamik. Kaya kung ano-anong kalokohan ang naiisip ko. Pagkababa ng jeep ay mabilis kaming naglakad dahil sa eskinitang dadaanan namin ay maraming nakatambay na lalaki.
“Diwa, magtaxi na lang kaya tayo?” pigil ko sa kanya dahil iba ang pakiramdam ko.
“Tsk! Para namang ito ang unang beses mong madadaan dito. Tara na nga gutom na talaga ako,” hila niya sa akin kaya wala na akong nagawa.
Malayo pa lang ay wala ng tigil ang pagkabog ng dibdib ko bawat hakbang naming dalawa. Lalo na at palakas din ng palakas ang tawanan mula sa kanila.
“Hoy!” sigaw ng nung lalaking maitim na parang wala yatang ligo-ligo.
“Oi Miss! Meron ba kayong pang meryenda diyan? Mamigay naman kayo,” sigaw noong isang lalaki.
Mabilis akong kumapit sa braso ni Diwa at mabilis kaming naglakad. Pero parang ang haba yata ng eskinitang ito at hindi man lang kami umabot sa kalahati ng kalsadang ito. “Diwata, bilisan mo maglakad. Huwag ka ng lumingon pa,” hila ko sa kanya pero sadyang tsismosa ang babaeng ito at nililingon pa ang mga tambay.
“Teka, Roseanne nahulog ko yata ang wallet ko,” sabi niya kaya pareho kaming napatigil.
“May hinahanap ba kayo mga Miss?”
“Ito ba ang hinahanap niyo?” nakangising sigaw nung isang lalaki habang winawagayway ang wallet ni Diwa.
Ang swerte naman talaga naming dalawa.
Mabilis na lumapit si Diwa sa kanila para kunin ang wallet niya. Pero mabilis din siyang nahila ng lalaki dahilan para mabitawan ang mga hawak niyang plastik. “Diwa!” sigaw ko bago akmang tatakbo palapit din sa kanya.
“Saan ka pupunta?” sigaw noong lalaking kulot ang buhok na humawak sa kamay ko.
“Damn you! Let go of me!” sigaw ko sa kanya habang pilit na nagpupumiglas sa hawak niya.
Gusto ko ng maiyak sa takot sa sobrang prustrasyon dahil maghapon ng walang magandang nangyari sa araw ko. Simula sa unang customer ko hanggang ngayong pauwi na ako ay puro kamalasan ang nararanasan ko.
Ilang beses pa akong nagpumiglas bago unti-unting lumuwag ang hawak niya sa akin. Ang sunod ko na lang narinig ay ang mga igik mula sa mga lalaking nangharang sa amin ni Diwa. Nang silipin ko kung anong nangyayari ay isang lalaki ang nakita kong nakikipagsuntukan sa kanila. Habang pinapanood siya ay hindi ko namalayang pinipigilan ko na pala ang hininga ko dahil ang isang kalaban niya ay may dalang kutsilyo.
“Roseanne, kilala mo ba siya?” bulong ni Diwa ng makalapit sa akin.
“Hindi,” matipid kong sagot na nakatutok pa rin ang mga mata sa lalaking walang kahirap-hirap pinapatumba ang mga sumusugod sa kanya.
“Leave now!” baling sa amin ng lalaki.
Nag-alangan pa akong umalis pero muli lang siyang sumigaw na umalis na kami. Ayaw ko pang umalis pero si Diwa ay hinila na ako paalis doon sa eskinita. Habang tumatakbo palayo doon ay nakita ko na lang din ang mga aninong isa-isang bumabagsak kasunod ng isang aninong tumatakbo na rin palayo sa gawi namin.
Habang tumatakbo kami ay sinalubong kami ng mga barangay tanod at sila na ang pumunta sa eskinita. Ilang mga tanong lang ang sinagot namin bago kami hinayaang umuwi. Ending ay hindi na kami nakapaglutong dalawa dahil sa pagod tungkol sa nangyari.
Kahit nakahiga na ako ay hindi pa rin nawala sa isip ko ang mga ngiting nakita ko habang sinasangga niya ang mga suntok na hinahagis sa kanya ng mga lalaking ‘yon. Mga ngiting hindi ko alam pero may kung anong humahatak sa akin para hilinging sana ay makita kung muli.