KABANATA V

2642 Words
CHAPTER V AGLAEA ROSEANNE PUPUNGAS-pungas akong bumangon ng marinig ko ang mga katok ni Diwa. Nang tingnan ko ang orasan ay alas nuebe na pala ng umaga. Wala kaming pasok ngayon kaya maglilinis kami ng bahay at more pahinga dahil nakakatamad talaga kumilos. Minsan kapag ganitong napapagod ako ay gusto ko na lang hilingin na sana ay nasa bahay ako at hindi ko na kailangang kumilos.  “Ano ba Diwata? Ang aga-aga pa! Magpatulog ka naman,” reklamo ko sa kanya ng buksan ko ang pinto.  “Gaga ka! Tanghali na. Puro ka tulog kaya tumataba ka!”  Gagang ‘to! Ang bastos ng bunganga. Napatingin din tuloy ako sa sarili ko kung mataba na nga ako.  “Hindi naman ah!” reklamo ko sa kanya pero hindi niya na ako pinansin.  Niligpit ko muna ang kama ko at naghilamos bago ako lumabas ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto ay saka ko lang narinig ang malakas na tugtog. Ang bruha magzuzumba lang pala kami kaya pala nanggigising na. Tinali ko ang buhok ko bago pumwesto sa tabi niya at sinabayan ang babaeng nagsasayaw sa harap ng tv.  Nahinto lang ako ng may kumatok sa pinto. Kinuha ko muna ang towel ko na nakasampay sa couch bago naglakad palapit sa pinto. “Diwa, hinaan mo ng kaunti ang sounds,” sigaw ko bago buksan ang pintuan.  Nang buksan ko ang pinto ay nagulat ako ng makita kung sino ang nakatayo doon. Napapiling pa ang ulo ko ng makita itong hinihingal na nakatayo sa harap ko habang hawak ang isang towel at pinupunasan ang leeg niya. Napakurap-kurap pa ako ng bigla itong umubo kaya naputol ang paglalakbay ng isip ko.  “Bakit?” tanong sa kanya, habang ang mata ko ay abala pa rin sa pagsuri ng mukha niya.  Ang mga kilay niyang makapal na nakakulubot at ang mga abuhan niyang mga mata na parang dahan-dahang kinukuha ang kaluluwa ko. Ang mga labi niyang nakaawang dahil sa paghahabol hininga ay parang ang sarap lagyan ng mga labi ko ang parte noong may puwang.  Oh, God! Tigilan mo ang kalandian mo, Roseanne! “Bakit? Do you know how noisy and disturbing your music is?” sigaw niya na ikinangiwi ko.  Maingay? Nagpapatugtog lang naman kami ah!  “Maingay?” kunot noo kong ulit pa sa kanya.  Habang ang mata ko naman ay kusang naglalakbay mukha nya pababa sa katawan niya. Hindi ko maiwasang sundan ang mga pawis niyang dahan-dahang bumababa at naglalakbay sa mga parteng hindi ko na nakikita. Hindi ko tuloy maiwasang kagatin ang ibabang labi ko.  “Yeah, halos yumanig na ang pader ko. Be mindful of your neighbors. You are not the only one leaving here,” singhal niya na halos magdikit na ang mga kilay sa sobrang inis.  Bago pa ako makapagreact ay bigla na itong nag walkout at malakas na binalibag ang pinto niya. Ilang minuto pa akong nakatayo doon dahil hindi pa rin mag sink in sa utak ko kung ano ang nangyayayari. At kung ano ang ikinagagalit niya sa amin. Mukha naman siyang hindi natutulog kaya anong nirereklamo niya?  “Sino ‘yon?” tanong ni Diwa ng isara ko ang pinto.  “Yung kapitbahay nating masungit. Maingay ka daw,” sagot ko sa kanya bago naglakad papunta ng cr.  Napapaisip tuloy ako kung bakit kaya namumula ang tenga niya kanina. Gustohin ko mang magtanong ay hindi naman kami close. Pagpasok ko ng banyo ay saka ko lang nakita ang sarili ko sa harap ng salamin ang itsura ko.  I was wearing a sleeveless black camisole and underwear. And I don’t even have a bra underneath my camisole. No wonder why he feels uncomfortable in front of me.       Biglang bumukas ang pinto ng banyo ng sumigaw ako at dumungaw mula doon si Diwa. “Ano? Anong nangyari?” hinihingal pa na tanong niya.  Ngumisi lang ako sa kanya at nagpeace sign. “Sorry, I just realized I did some stupidity a while ago,” paliwanag ko sa kanya bago dagukan ang sarili ko.  “Hay naku! Wag mo na akong idamay sa ganong stupidity mo. Maligo ka na bilisan mo,” utos niya bago isara ang pinto.  Pagkatapos kung maligo ay dumiretso na ako sa kwarto at nagbihis. Siya naman ang sumunod na naligo kaya pagkatapos kung magbihis ay ako na ang lumabas para bumili ng almusal naming dalawa. Isang oversize shirt ang suot ko ngayon na pinaresan ko lang ng cotton shorts dahil wala naman akong balak umalis ngayon.  Paglabas ko ng bahay ay nagulat pa akong eksakto din ang pagbukas ng pinto sa kabilang kwarto. Babalik pa sana ako pero nakita niya na ako kaya wala na akong nagawa kung hindi ang isara na ang pinto at maglakad pababa.  “Tsk! Let’s go, Horace!”  Pinagmasdan ko lang silang lagpasan ako kasama ang aso niya. Horace pala ang pangalan ng malaking aso nya. Minsan masarap din maging aso ano? Tsk! Bumili ka na nga ng pagkain, Roseanne. Gutom lang ‘yan! Pagbaba ko ay hindi ko na sila naabutan. Sobrang bilis naman pala maglakad ng lalaking ‘yon. Ah, siguro kasi malaki ang paa kaya malaki ang mga hakbang niya.  Pero ang mata ko ay hindi maiwasang umikot sa harap ng building namin. Nagbabakasaling nandoon ang lalaking hinahanap ko. “May hinahanap ka?” gulat akong napaatras sa biglaan niyang pagsulpot sa harap ko.  “Ay, kalabaw!”  “Hindi ako kalabaw. Are you looking for me?” seryoso niyang tanong habang nakatingin sa akin.  Bigla akong napaayos ng tayo at ilang beses na napalunok. “I’m not. Hinahanap ko si Aling Mema. Tabi nga diyan! Para kang kabute kung saan-saan ka lumalabas,” pagsusungit ko bago siya hinawi at nilagpasan.  “Tsk! Desperada,” dinig kong bulong niya kaya natigil ang paghakbang.  Lilingunin ko pa sana siya pero pinigilan ko na ang sarili ko at naikuyom na lang ang mga kamay. Bago walang lingon likod akong naglakad palayo doon. Gusto kong dagukan ang sarili ko ngayon sa pagiging lutang ko at keri.  Minsan talaga ay nakakahawa ang ganitong sakit ni Lexi eh! Kaya dapat talaga ay hindi ako laging sumasama sa kanya.  “Aling Mameng, Magandang umaga po!” bati ko sa kaibigan ni Aling Mema na may canteen dito sa gilid ng building.  “Magandang umaga din! Magandang tenant ni Mema. Anong atin?”  “Naku, Roan na lang po. May almusal pa po ba kayo?”  “Ah oo naman--Gunner! Nag-almusal ka na ba? May hinanda akong pagkain para sa ‘yo. Halika ka at kumain ka muna,” tawag niya sa lalaking hindi ko namalayang nakatayo na pala sa likod ko.  At ganon-ganon na lang ay iniwan na ako ni Aling Mameng para sa preskong lalaking ‘yon. Aaminin ko namang gwapo talaga siya at talaga namang mapapabaling ka sa kanya ng ilang beses kapag nadaanan siya ng mata mo. Pero kapag nagsalita na sya ay mapapaurong ka na lang din dahil sa talim ng dila niya.  Dahil busy na si Aling Mameng ay wala na akong magawa kung hindi ang maghanap na lang sa nakalatag niyang mga pagkain. Dahil naglalaway ako sa mga pagkaing nasa harap ko ay kung ano-ano na lang ang inorder ko. Malalagot ako nito kay Diwa dahil tumudo na naman ako sa pag gastos. Masarap kayang kumain!  “Kung ano-ano na namang pagkain ang binili mo, Roseanne! Naligo lang ako nasarapan ka na naman mamili.”  Sabi ko nga! Napangiwi na lang ako ng marinig ang sermon niya ng makita ang mga binili ko. Habang nagsisermon siya ay iniwan ko na siya sa labas at dumiretso sa kwarto ko. Hindi na naman kasi ito titigil kakasabi ng magastos ako kapag nakikita niya pa rin ako.  Pagtapos naming kumain ni Diwa ay nakatulog na uli ako at talagang sinusulit ko ang day off ko. Ang tamad ko diba? Pagkatapos kumain ay natulog na. Kaya nagulat na lang ako ng gisingin ako ni Diwa dahil lalabas daw kami at pupunta ng bar kasama si Lexi. Nang tingnan ko ang orasan ay alas singko pa lang ng hapon. Hindi ko na nga namalayan na hapon na pala.  “Mamaya pa pala. Bakit ang aga mo na manggising?” reklamo ko sa kanya.  “Magluto ka na gutom na ako.”  Napadilat ako sa sinabi niya at sinilip ang maiiyak na sa gutom na si Diwa kaya wala akong nagawa kung hindi ang bumangon na lang din. Pero paglabas namin ay eksaktong tumunog ang door bell mula sa pinto.  “Diwa! Roseanne!” sigaw mula sa pinto kaya agad ko itong binuksan. Boses iyon ni Lexi at ng buksan ko ang pinto ay hindi nga ako nagkamali. “Ano gurl? Akala ko ay mamumuti na ang mata ko dito sa labas. Kanina pa ako pinaglalawayan ng mga boylet ditey,” maarte niyang reklamo bago tuloy-tuloy na pumasok.  “Bahay mo? Saka walang boylet na maglalaway sa ‘yo dito. Baka aso pa meron,” biro ko sa kanya na kinasimangot niya.  At dahil nandito na si Lexi ay tinamad na kaming lumabas kaya dito na lang siguro kami sa bahay iinum. Bibili na lang kami ng alak at makakain sa labas. Kahit heto kami ni Lexi at papunta ng grocery para bumili ng beer at kung ano-ano pa. Si Diwa kasi ay nag-order na ng pizza at chicken daw. Nakasalubong pa nga namin ni Aling Mema na napagkamalan pa kaming magjowa.  “Gurl, baka naman gusto nating umusod ng kaunti ano? Napagkakamalan akong lalaki sa pagkakalingkis mo eh!” alis niya ng kamay kong nakapulupot sa braso niya at malala tinulak pa ako na akala mo ay may sakit na nakakahawa.  “Makatulak ka naman! Umuwi ka na nga,” tulak ko din sa kanya.  “Ito naman hindi ka mabiro. Gurl, joke lang ‘yon! Alak na alak na ako wag mo naman akong pauwiiin,” gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa pinagsasabi ng baklang ito.  Palibhasa hindi makapagladlad sa bahay nila kaya kung saan-saan nagkakalat eh!  Habang kumukuha si Lexi ng mga alak ay iniwan ko siya para maghanap pa ng ibang mabibili. At habang nag-iikot ako ay hindi ko namalayang may tao palang paliko sa direksyon ko. Malakas akong humampas sa dibdib niya buti na lang at maagap ito para mahawakan ako kaya hindi ako tuluyang bumagsak.  “Tsk! Baka gusto mo ng bumangon, Miss?”  Napakurap-kurap ako at mabilis na tumayo at inayos ang sarili ko. “Ah… Eh… Thank you!” nahihiya kong pasasalamat sa kanya dahil hindi ko rin naman alam ang iba pang sasabihin bukod sa salitang ‘yun.  “Tingnan mo ang dinadaanan mo. Hindi iyong lagi kang lutang kaya ka napapahamak,” Gunner scowled at me like I did something wrong again.  “Sorry, I’m just looking for something to--”  “I’m not asking,” masungit niyang angil bago ako nilagpasan.   I’m not used to harsh people, even though I am working on sales. That’s why when people were scowling at me or saying bad words, and I always step back. I give her time and let her anger be surpassing because I might end up her shock absorber. And I don’t want to allow people to see me like that.  Kinuyom ko ang mga kamay ko bago lakas loob na nagtanong sa kanya. “Inaano ba kita? Bakit ang sungit mo?” hindi ko mapigilanng tanong.  Nilingon ko siya sa pag-asang may makukuha akong sagot sa kanya. “Why does it matter? Magsusungit ako kung gusto ko at magiging mabait ako kung gusto ko. Huwag mong kwestiyon ang ugali ko dahil lang nagiging interesante ito sa paningin mo.”  Ilang minuto na siyang nakaalis sa harap ko pero hindi pa rin ako nakakabawi sa mga sinabi niya. So, talagang masungit lang siya? Hindi rin wala na sa lugar ang pagiging masungit niya at nakakainis lang na kami ang laging nagkakataon na magkita.  “Anong nangyari, gurl? Ang shugal mo?” salubong sa akin ni Lexi.  “May hinanap lang ako,” sagot ko sa kanya bago inabot ang mga dala kong mga sitserya.  Sabay na kaming naglakad palabas ng gorcery ni Lexi at nagulat pa ako ng makita ko doon ang masungit na si Gunner habang seryoso ang mukhang nakasandal ito sa motor. Hawak nito ang telepono niya at parang may binabasa itong hindi niya nagugustohan bago nag-angat ng tingin. Halos magulat ako ng magtagpo ang tingin naming dalawa at umismid ito na para bang alam niya kung ano ang ginagawa ko.  “Ay, kalabaw!” gulat kong sigaw ng bigla akong mapatid dahil sa batong hindi ko na napansin.  Mabuti na lang at nakahawak ako sa posteng malapit kung hindi ay baka una ang mukha ko ngayon dito at nakakahiya kapag nakita niya ang bagay na ‘yun.  “Ano ka gurl? Fish?” tukso pa ni Lexi ng balingan ako.  “Peste ka! Tulungan mo kaya ako?” asik ko sa kanya ng makatayo ng maayos.  Napakaswerte ko naman talaga. Simula ng lumipat ako sa bahay na ito ay kung ano-anong nangyayari sa aking kamalasan. Hindi ko alam kung dahil pa sa bahay ito o dahil nakilala ko si Gunner sungit kaya nangyayari ito.  Pagbalik namin ng bahay ay halos makalahati na ng bruhang si Diwa ang mga inorder nyang pagkain. Kaya wala kaming choice kung hindi ang muling magorder. Walang tigil ang kulitan at ingay ng lahat dahil ang bakla ay parang gro sa gitna ng sala namin at sayaw ng sayaw.  Habang abala ang dalawa ay narinig ko ang tahol mula sa kabilang kwarto kaya lumabas ako para silipin ito. Sa hallway ay iisang ilaw lang ang gumagana at nasa dulong bahagi pa ito. Sinilip ko ang pintuan ni Sungit at mukhang tahimik naman ito kaya baka hindi aso niya ang maingay. Nang akmang papasok na ako ay muli na naman itong tumahol at hindi nga ako nagkamali na ito ang aso ni Gunner.  “Horace!” tawag ko sa kanya ng katokin ko ang pinto.  Isang tahol ang narinig ko mula sa loob kaya muli ko itong kinatok. Ilang beses kong sinubukang buksan ang pinto ay nakalock ito. Nang mapagod ako kakatawag ay muli kong pinihit ang seradura ng pinto at halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita mula sa likod ko.  “Anong ginagawa mo sa bahay ko?” tanong nito sa baritonong boses.  Nang lingunin ko ito ay nakatiim bagang ito at seryosong nakatingin sa akin. “I… Ahm…” napasinghap ako ng itulak niya ako sa pinto niya at ipininid doon na para bang may nagawa akong kasalanan.  “May ginawa ka ba sa bahay ko? Magsabi ka ng totoo. Sinaktan mo ba ang baby ko? Tell me?” tanong niya habang kunot noong nakatitig sa akin.  Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa abuhan niyang mga mata na para bang hinihila ako kung saan. Ang mga labi niyang manipis na dahil sa pagkakatiim nito at ang kilay niyang salubong na sa pagkakakunot nito pero biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha matapos marinig ang iyak ng aso niya.  Gumilid ako ng natataranta nitong binuksan ang pintuan ng unit niya at dali-dali itong tumakbo papasok sa loob habang sinisigaw ang pangalan ng aso niya. Hindi ko namalayan na nakasunod na rin pala ako sa kanya papasok.  “Baby… what happen?” nag-aalala niyang tanong sa asong nanghihinang nakahiga sa gitna ng sala niya.  Habang pinagmamasdan ko siya kung paano siya mag-aalala sa alaga niya ay hindi ko maiwasang mapaisip kung sadyang masungit ba talaga ito. Sa paraan kasi ng pagtawag nito at paglambot ng ekspresyon ng mukha niya ay para bang sobrang fragile niyang tao.  Animoy isa itong halaman na akala mo ay ayos lang kahit hindi alagaan. Pero isa pala itong sensitibong halaman kaya kailangan mong maingat na alagaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD