CHAPTER VI
AGLAEA ROSEANNE
“Roseanne, bilisan mo!” sigaw ni Diwa mula sa labas ng kwarto ko.
“Palabas na,” sagot ko bago lumabas at nilock ang pintuan namin.
Sinundo kami ngayon ni Lexi dahil sabay-sabay kami ng sched. Paglabas ko ng pintuan ay nakita ko si Horace na nasa gilid ng railings at mukhang abala ito sa panonood sa mga batang naglalaro sa baba. Nilingon ko muna ang paligid at ng makita kong wala ang amo niya ay saka ko lang ito nilapitan.
“Horace, good morning!” bati ko sa kanya bago hinaplos ang ulo niya. At napangiti na lang ako ng masaya itong tumahol ng bumaling sa akin. “Kumain ka na ba? Nasaan ang masungit mong amo?” I ask while petting him.
“Bakit mo ako hinahanap?”
“Ay kalabaw!” gulat akong napatayo ng tuwid dahil kahit hindi ko linguni ang nagsalita sa likod ko ay alam ko na kung sino ito.
“Sorry, I thought he is alone. Bye, Horace!” pala ko bago muling hinaplos ang ulo nito at nilagpasan silang mag-amo.
Dire-diretso na akong naglakad papunta kila Diwa na nasa ibaba na. Hindi ko na sila nilingon pa dahil baka maaway na naman ako gaya noong nakaraang beses. Ilang araw na kasi mula noong akala ko ay may nangyaring masama sa aso nya. Yun pala ay nananaginip lang ito at naingayan sa amin kaya tahol ng tahol. Inaway talaga ako nito ng bongga kaya iniiwasan ko na din na magtagpo ang landas naming dalawa.
Hindi ko alam kung saan pinaglihi sa kasungitan ang lalaking ‘yon.
“Bakit ang tagal mo?” tanong ni Diwa pagpasok ko ng kotse.
“Ah nakasalubong ko lang si Aling Mema,” pagdadahilan ko kahit hindi naman talaga.
Ayoko lang sabihin sa kanya na dahil sa kapitbahay naming masungit kaya ako natagalan. Mukhang bet niya pa naman si Sungit dahil kahit hindi niya pa ito nakikilala noon ay wala ng tigil ang pag baanggit niya na gwapo ito. Gwapo naman talaga si Gunner sungit at hindi ko maipagkakaila ‘yon. Pero hanggang doon na lang ‘yun kasi kapag nagsalita na sya ay hindi mo na mapapansin ang itsura niya.
Mabilis na lumipas ang araw at isang oras na lang ay uwian na naman. Mabuti na lang ngayon at wala akong customer na masungit at maarte gaya noong mga nakaraang araw. Pero nang makita ko ang taong papalapit sa pwesto ko ay binabawi ko na ang pagiging ma swerte ko.
Ilang hakbang pa lang ang layo sa akin ni Gunner ay napanguso na ako ng makita ko ang magkasalubong niyang mga kilay. Ilang araw ko pa lang siyang nakikilala ay parang nastress na ako ng bongga at gusto ko ng pagsisihan ang paglipat ko ng bahay.
“Yes, Sir. May hinahanap po sila?”
“Naghahanap ako ng bibilhin ko,” napisil ko ang daliri ko dahil sa pabalang niyang sagot na ‘yon.
Bastos talaga!
Nanahimik na lang ako dahil baka mabara at mapahiya na naman ako. Habang nakasunod sa likod ni Gunner at inaantay kung meron siyang kailangan ay isang lalaki ang huminto sa harap ko. May hawak itong isang bouquet ng bulaklak at nakaharang sa mukha niya kaya hindi ko makita ang itsura nito.
“Excuse me!”
“Guess who?” agad na kumunot ang noo ko ng makilala ang boses nito. Nang hindi ako sumagot ay binaba nito ang bouquet na hawak at nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin. “Surprise!”
“Thank you! Anong ginagawa mo dito Brandon?” kunot noo kong tanong sa kanya habang naglalakbay ang mga mata ko sa customer kong hindi ko na alam kung nasaan.
“Masama ka na bang dalawin?” nakangiting niyang dungaw sa akin.
“Hindi naman. Oras kaya ng trabaho ko ngayon. Hindi mo naman ako gaya na wala ka ng ibang ginagawa, Brandon.”
Nilagpasan ko na siya pero nakasunod pa rin pala ito sa akin. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao dahil may dala na akong bouquet. “Why don’t you just go back to the place where you really belong?” patuloy niya habang naglalakad kami.
“Hey, my family doesn't interfere with my decisions, so I hope you do too. I’m not a child to tell me what to do,” I snorted.
“Free ka ba--”
“Busy ako, Brandon. Bumalik ka na lang kapag hindi na ako busy. Salamat sa bulaklak.”
Pagkasabi noon ay mabilis ko na siyang tinaguan dahil hindi na naman ito titigil sa pangungulit sa akin. “So, are you done flirting?” agad akong napalingon sa likod ko.
Nagulat pa ako ng makita ko doon si Gunner na nakaupo sa isang couch, naka ekis ang mga paa at payapang naghihintay habang hawak ang ilang tshirt sa kamay niya. Inaantay niya ba ako? Imposible! Walang pagkakataon na mabait sa akin ang lalaking ito kaya imposible din talaga ang iniisip ko.
“I'm not flirting!" I scowled at him.
Kung makahusga sya sa akin ay para bang kilalang-kilala niya ako. Wala ng lumabas sa bibig nya tungkol sa akin kung hindi ay puro panlalait. Kung hindi ako susungitan ay kung ano-ano naman ang napapansin sa akin.
Kung hindi lang ito gwapo, iisipin ko ng bakla sya sa mga trato nya sa akin.
Insecure ba siya?
Kakainis ah!
Wala na itong sinabi sa akin bagkus ay tumayo na lang ito at dire-diretsong naglakad papunta sa counter.
Hanggang uwian ay bad trip na ako. Akala ko pag out ko ay mawawala din dahil sa wakas nakakauwi na ako. Pero mali din pala ang akala ko, dahil sa labas ng mall ay naghihintay sa isang gilid si Brandon.
Nagulat pa ako ng bigla itong lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko. “Akala ko umuwi ka na?” tanong ko ng makabawi sa pagkakagulat.
“Naghintay na ako. Minsan na lang tayong magkita eh.”
Brandon’s parents and mine are friends. And he is also courting me ever since he exists on earth, I guess. However, Brandon kept on bugging me when I was still studying, and every time he has a chance, he opens about his feelings towards me that I am not comfortable with.
“Roseanne, sorry ang tagal ko. Uuwi na ba tayo?” tanong ni Diwa ng makalapit sa amin. “Uhm, sino siya?” bulong niya ng mapansin si Brandon na nakatitig sa kanya.
“Ah, Diwa this is Brandon, a friend and Brandon, this is Diwa, my roommate.”
Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa kahit hindi naman talaga ako sigurado kong interesado ba ang lalaking ito makilala ang mga tao sa paligid ko. At gaya ng inaasahan ay wala man lang reaksyon si Brandon sa sinabi ko. Sabagay nagpa imbestiga na rin yata ito ng tungkol sa akin dahil hindi niya malalaman kung saan ako kung hindi niya ginawa ang nasa isip ko.
“I am the son of Senator Galvez,” pagdagdag pa ni Brandon sa sinabi ko.
Napaka yabang talaga nito! Hindi naman lahat interesadong malaman ‘yun dahil hindi rin lahat natutuwa sa Tatay nya.
“So, paano umuwi ka na. Uuwi na din kami,” taboy ko sa kanya.
“Can’t you join me for dinner? I waited coz I was hoping--”
Nangunsensya pa ang lalaking ito. Hindi ko naman inutos sa kanya na gawin ang ginawa nya, dahil hindi naman ako naiimpress sa mga ganon. Sana’y na ako sa mga pabibo at pasikat niyang panliligaw pero kahit naman kailan ay hindi man lang naantig ang puso ko ng isang ito. Baka nga mas kinikilig pa ako sa koreano na pinapanood ni Diwa dahil iba ang mga atake at linyahan nila.
Parang ang kapitbahay mo lang na masungit ano?
Hindi kaya! Siya ang taong pupurihin mo pero may kaya lang na kasunod.
Mabilis na natapos ang dinner namin dahil kating-kati na rin akong umuwi. Gusto pa nga ni Brandon na ihatid kami pero hindi na ako pumayag. Ayokong malaman nya ang eksaktong bahay ko dahil siguradong biglan na lang ito susulpot para manggulo sa buhay ko.
“Ang hangin pala talaga ng Brandon na ‘yon ano? Hindi ka nga nagkamali sa pagkukwento,” bulong ni Diwa habang pinagmamasdan namin si Brandon na maunang umalis sa amin.
“Gaga! Anong palagay mo sa akin sinungaling?”
“Malay ko ba kung exxagerated ka lang sa pagkukwento.”
Baliw ‘to!
Eksaktong pagdating namin sa apartment ay biglang isang motor din ang kasabay naming huminto sa harap. Nagulat pa kami ni Diwa dahil hindi maingay ang motor nito gaya ng sa iba.
“Ay, ang gwapo!” kumento agad ni Diwa ng magtanggal ng helmet.
Si Sungit pala ito. At talaga naman ang gwapo niyang tingnan sa suot na puting tshirt at tamang-tama ang pagkakahapit nito sa katawan niya na mas lalong nadepina ang mga bulging part doon. Ang sabi ni Aling Mema ay call center ang trabaho nito kaya laging puyat at mainit ang ulo.
“Are you done checking me out?”
Hindi ko namalayang napatitig na pala kami sa kanya ni Diwa. Pasimple ko pang pinunasan ang bibig niya dahil baka may laway ng tumulo sa labi ko. “We’re not checking you,” I instantly plea.
I can’t tell him that he’s handsome. That’s why I always lose my thoughts when he is around.
“Hi, I’m Diwata, but you can call me Diwa. And that girl over there is my friends Roseanne. And you are?”
Hindi na napigilang pakilala ng intrimiteda kong kaibigan. Kung makamadali akala mo ay mauubosan na ito ng lalaki. Ang sungit kaya ng bwisit na ‘yan.
Saglit akong nilingon ni Sungit bago muling nagsalita. “Gunner,” matipid nitong sagot bago muling hinarap ang motor nya.
“Gunner, anong gusto mo sa babae? Este, anong trabaho mo?”
Malandi talaga!
“Nagtatrabaho ako sa gabi. Kaya sana bawasan nyo ang ingay kasi nakakaistorbo kayo ng iba.”
Diba ang sungit talaga! Kaya madalas ay ayaw ko na itong kausap dahil sa tuwing ibubuka nito ang bibig niya ay nasusupalpal ako ng wala sa oras.
Napapailing na lang akong iniwasan silang dalawa at nauna ng lumabas. Mukhang hindi na ito titigilan ni Diwa kaya mauuna na akong umakyat. Nangangalay na rin ako kakabitbit nitong bulaklak na binigay ni Brandon.
Pero pag akyat ko ay nakita ko na lang ang nakabukas naming pintuan at naririnig ang walang tigil na pagkahol ni Horace mula sa kabilang kwarto. Dali-dali akong umakyat at nasa labas pa lang ako ay bumungad na sa akin ang magulo naming kwarto. Nanghihina akong umupo sa isang tabi hindi ko alam ang gagawin ko.
“Roseanne! Anong ginagawa mo diya?” tawag ni Diwa ng makita ako.
Bago pa ako makapagsalita ay nakita ko ng tumakbo papunta sa harap ng bahay si Gunner at nakita ang nakabukas naming pinto at magulong kwarto. “May nawala ba?” tanong nya na hindi ako nililingon.
“Hindi ko din alam. Natatakot akong pumasok,” pag-amin ko dahil iyon ang totoo.
Baka mamaya kapag pumasok ako ay nakaabang lang pala sila sa akin at saksakin ako doon sa loob. Mabilis akong napahawak kay Gunner ng akma itong papasok sa loob. “Huwag na. Bukas na lang delikado,” natatakot kong pigil sa kanya.
Pero sadyang matigas ang ulo nito at pumasok pa din. Sisilipin niya lang daw kaya wala na akong nagawa ng tanggalin nya ang kamay ko sa braso niya. Maya-maya ay muli na rin itong lumabas at sinabing wala na daw tao sa loob. Pero magulo daw kaya hindi kami pwedeng doon matulog.
“Hindi kayo pwedeng matulog dito sa ngayon. Baka balikan kayo at hindi pa rin maayos ang kwarto nyo.”
“Pano ‘yan? Saan tayo matutulog?”
“Kay Lexi na lang siguro tayo, Diwa. Tawagan ko na lang sya kung pwede muna tayong makituloy ngayong gabi,” pagpapakalma ko kay Diwata.
Ngunit ng tawagan ko si Lexi ay hindi daw pwede dahil nandoon ang jowa nya at busy silang dalawa. Maghotel na lang daw kaming dalawa at sya na ang bahalang magbayad. Nang tingnan ko ang orasan sa kamay ko ay alas onse na ng gabi at nakakatakot ng lumabas ng ganitong oras.
Kakalipat pa lang namin dito pero ang dami ng kababalaghang nangyayari sa amin sa lugar na ito.
“You can stay in my flat for tonight.”
Gulat ko pang nilingon si Gunner dahil baka namamali lang ako ng dinig sa sinabi nya. “Seryoso ka? Am I hearing you right?” paglilinaw ko pa.
Umawang ang labi ko ng makita kong tumaas ang gilid ng labi niya. Ngumiti ba sya? Totoo ba ang nakita ko o namamalikmata lang ako? Imposibleng ngumiti ito dahil sa isang linggo naming pananatili dito ay never ko pa syang nakitang ngumiti o mawala man lang ang pangungunot ng noo.
“Gabi na at delikado sa labas. Baka iyon pa ang inaabangan ng mga gumawa nito kaya baka may mas malala pang mangyari kapag lumabas kayo,” dagdag nya pa.
Nagkatinginan kami ni Diwa at alam kong pareho kaming iniisip ngayon. Mas lalong nadagdagan ang takot naming dalawa dahil sa sinabi niya. Kaya wala kaming nagawa kung hindi ang makiayon na lang at manatili sa kwarto nya.
Pagpasok namin ay agad akong nilapitan ni Horace na parang close kaming dalawa at namiss nya ako. “You can both sleep in this room. If you need anything just knock me here,” he said before getting inside his room.
Nagpalasamat lang ako sa kanya bago kami pumasok sa kwartong tinuro niya. Kumpleto na ang gamit doon at si Diwa sa sobrang pagod ay naghilamos lang bago nahiga na. Naupo ako sa gilid ng kama at saglit na pinagmasdan ang cellphone kong puno ng mensahe ni Mommy. Gustohin ko mang sabihin sa kanya ang nangyayari sa akin dito ay ayaw ko din namang mag-alala sila sa akin.
Hindi ako makakatulog ngayong gabi dahil hindi ako sanay ng hindi nagpapalit ng damit. Dapat pala kumuha muna kami ng damit sa bahay feeling ko tuloy ang dumi-dumi ko ngayon.
“Where are going?” halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Gunner sa harap ko.
“Nakakagulat ka naman. Hindi kasi ako makatulog. Pupunta sana ako sa kabila para maghanap ng damit na pamalit.”
“Here. Lumabas din ako para talaga iabot sa’yo ‘to.”
Pinagmasdan ko ang isang tshirt na inabot niya sa akin. Dahil kating-kati na ako ay hindi na ako nag-inarte pa at kinuha na lang ang binigay niyang damit. Dumiretso ako sa banyong tinuro niya para maglinis at mawala naman ang duming kumapit sa akin maghapon. Akala ko paglabas ko ay wala na doon si Gunner pero naabutan ko pa syang nakaupo sa may island counter.
“Are you going to sleep now?” tanong nya sa diko malamang dahilan.
Hindi kami close na dalawa kaya nakakagulat ang mga ganito nyang trato.
“Yeah,” tipid kong sagot.
Naging alerto ako bigla ng tumayo sya at maglakad palapit sa akin. “Gunner Montalbo. Just call me Gunner,” gulat akong napaatras ng ilahad niya sa akin ang kamay niya.
“Anong nangyayari? May sakit ka ba?” hindi ko makapaniwalang tanong dahilan para tumaas ang sulok ng labi nito.
“I want us to start on the right foot. Is that bad?”
Gulat man sa narinig ay hindi ko naman pwedeng baliwalain ang sinabi nyang pagtatama ng pagkakakilala namin. Dahil totoo namang we started on the wrong foot and we can’t help but to clash every time we see each other.
“Aglaea Roseanne Villarin. You can call me Roseanne or Roan for short.”
Lahat ko din sa kanya ng kamay ko na agad nya namang tinanggap. “Nice meeting you, Aro,” nakangiti niyang saad sa unang pagkakataon.
Aro?
Sino si Aro?
Ako?
Bago pa ako makapagtanong sa kanya ay mabilis na itong nawala sa harap ko. Ngayon buong magdamag akong gugulohin ng pangalang ‘yon.