KABANATA VII

2147 Words
CHAPTER VII   GUNNER MONTALBO I AM USED TO BEING ALONE. I was used to this quiet place until these two women came into the picture. This quiet place for me became chaotic and noisy. They messed up my world as if they were not happy with my silence.  Sinilip ko ang cellphone na hawak ko ng umilaw ito. Nakita ko doon ang isang mensahe na kanina ko pa hinihintay. Mukhang hindi kami matutuloy ngayong gabi at ayoko na rin munang pumunta ng bar dahil puyat pa ako mula kagabi dahil sa maiingay kong kapitbahay. Kung mag-ingay ay akala mo sila lang ang tao sa buong building.  Habang umiikot ang mata ko sa paligid ng mall ay tumigil ito sa isang babaeng naglalakad. Hindi nito napapansin ang isang lalaking nakasunod sa kanya at may hawak na bulaklak. Kanina pa ito nagtatago sa mga rack sa tuwing lilingon ang maingay kung kapitbahay.  I actually don't remember her name. All I know is she's my neighbor.  A noisy one.    “Sir nasa counter na po ang pinakuha nyong matres.”  Nilingon ko ang saleslady na nag-assist sa akin at nagpasalamat bago tumayo. Binayaran ko muna ang mga binili pero kahit nasa counter na ako ay hindi matigil ang mata ko sa kapitbahay ko.  Is she tempting? I don't know either.  All I know is everytime i see her my curiosity is bugging me.  “Hello! May problema ba?” bungad ko ng sagutin ko ang tawag sa telepono ko.  “Hindi ka pupunta sa bar ngayon?” tanong ni Vic sa akin.  “Hindi may gagawin ako,” tipid kong sagot sa kanya bago binaba ang tawag ko.  Dapat ay may schedule ako ngayon pero agad ko din itong pina cancel dahil dapat ay magkikita kami ni Kuya pero mukhang abala ito at hindi ako mapupuntahan. Kaya baka ubusin ko na lang ang oras ko sa pamimili ng mga regalo para sa mga pamangkin ko.  Nang ilagay ko ang mga pinamili ko sa kotse ay nagulat na lang ako ng isang pares ng paa ang huminto sa gilid ko. “Hi, baby!” tawag nito sa akin bago ako tinalon ng yakap.  Hindi na ako makagalaw pa dahil para itong tuko na nakakunyapit sa akin. Inalis ko ang mga kamay nitong mahigpit na nakapulupot sa leeg ko. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko ng sumuko na ako sa pagtanggal ng kamay ni Malia.  “I’m shopping with my bodyguard when I saw you. Did you miss me?”  “You know you can’t do this outside the bar. I still love my life, Malia. I can’t risk it just because you miss me,” I hissed at her.  Kumalas siya sa akin at parang nalungkot na lumayo. “Sorry, I just thought you’ll be happy to see me.” Napapailing na lang akong napakamot sa ulo ko at inikot ang mata sa paligid.  Ayoko ng problema kaya hanggat maaari ay ayokong lumalapit sa akin ang babaeng ito. Pero mas makulit pa ito sa ibang babaeng parokyano ko sa bar dahil talagang sinusundan nya ako. Senator ang asawa nito at ayoko ng buhay ko naman ang magkaproblema dahil lang sa kakulitan nito.  “Just a dinner, Gunner. I really need someone to talk to,” she pleaded.  “Okay, but after this you can't show yourself like this again or I'll hide from you, Malia.”  Hindi na ito muling nakipagtalo pa at tahimik na lang na tumango. Alam niyang gagawin ko ang sinabi ko lalo na at ayokong hinahaluan ng trabaho ang personal na buhay ko.  Inayos ko lang ang mga pinamili ko bago sinara ang kotse ko at sumunod kay Malia papasok ng mall. Ramdam ko ang mga matang nakasunod sa amin sa sulok ng parking lot. Hindi ko man sila nakikita ay masyadong malakas ang presensya nila para ignorahin ko lang.  “Where do you want to eat, baby?”  Malia is a woman who became my QML customer. Or it's easier to say that she forced herself on me even though I really didn't want to. I couldn’t do anything about it because I needed a regular customer because Athena would scold me. It's part of our duty to gain more customers for the bar.  “Malia, please! I need to go back to work after this,” pagdadahilan ko kahit ang totoo ay gusto ko na lang iwasan sya.  Ayokong magkaroon ng gulo dito sa loob ng mall lalo na at dahil sa akin. Kakatayin talaga ako ng bongga pagpasok ko.  Hinayaan ko na si Malia na umorder ng gusto nyang pagkain para lang manahimik ito. Mabuti na lang at hindi pa nito inorder ang buong restaurant. Dahil noong huling beses na hinayaan ko syang lumabas kami ay halos pakainin ko ang ilang pulubi sa kalsada para lang maubos ang mga inorder nya.  “I need to go now. Thank you for the dinner,” paalam ko sa kanya bago mabilis na umalis.  Habang palabas ako ay naagaw ang atensyon ko ng dalawang babaeng malakas na nagtatawanan sa isang sulok ng restaurant. Hindi ko namalayan na bumabagal na pala ang bawat paghakbang ko at nakatutok ang mata ko sa babaeng halos mawala na ang mata sa pagtawa. Nang tingnan ko ang lalaking nasa harap nya at titig na titig ay parang wala namang interesante sa sinabi nito para matawa sya ng husto.  Am I the only one? Or am I too obsessed? It's a good thing we're not close otherwise I might have scowled her again if I hadn't restrained myself.  “Do you know her?”  Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Malia at nakatingin na rin sa mesang pinagmamasdan ko. “Hindi,” mabilis kong sagot bago tuluyang lumabas at dumiretso sa parking lot.  Hindi ko na nilingon pa si Malia at dire-diretso ng umalis pagkasakay ko ng kotse. Pagbaba ko ng kotse ay naabutan ko pa si Aling Mema na mukhang kakauwi lang din.  “Ang dami na namang pasalubong ng mga bagets.”  “Minsan lang madalaw eh! Sige po, akyat ko muna ito.” Pagkaalis ni Aling Mema ay inakyat ko na ang pinamili ko sa kwarto. Bago pa ako pumasok ay pinasadahan ko pa ang pinto kung nagalaw ba ito o kung may nagbago dito. Nakasanayan ko na itong gawin lalo na kapag aalis ako o mawawala ng ilang araw.  Sumakay ako kay Saki dahil nakalimutan ko pa lang bumili ng pagkain ni Horace. Siguro ay sa malapit na tindahan o grocery na lang ako bibili para mabilis akong makabalik. At pagbalik ko ay kasabay kung dumating ang dalawang babaeng kapitbahay ko. Napangiwi ako ng marinig na naman ang matinis nilang boses.  “Are you done checking me out?” I scowled when I turned to the woman who called me mamboboso at bastos.  Hindi na sya nakasagot pa dahil umentra na ang kaibigan nyang kasing ingay niya. Kulang na lang ay tanungin nito ang tungkol sa buong buhay ko. Nakakatawa na hindi man lang ito makaramdam ng kahihiyan sa harap ng ibang lalaki.  “Hoy, wag mo naman akong iwan lang basta,” dinig kong sigaw ni Diwa ng iwan ko sya sa baba at naunang umakyat.  Ang dami niyang tinatanong at sinasabi at malapit na akong mawalan ng pasensya dahil doon. Hindi ako sanay sa mahabang usapan lalo na sa mga taong hindi ako pamilyar at hindi ko kilala.  Pagdating sa taas ay napatakbo ako papalapit sa kapitbahay kong nanghihinang nakakapit sa gilid ng railings. “What happened?” tanong ko.  Halos hindi na ito makasagot at tinuro na lang sa akin ang kwarto nilang nakabukas ang pinto. At nang silipin ko ang loob ay hindi na ako nagulat ng makita ang gulo-gulo nilang gamit. Halos pinaglikdat ng kung sino mang nanloob dito ang buong bahay nila.  “May nawala ba” tanong ko ulit.  “Hindi ako sigurado. Pero mukhang wala naman yata,” alanganin nya ding sagot.  Hindi ko alam kung ano ang sadya ng mga taong nanloob sa kanila. Pero ngayon gabi ay hindi sila pwedeng manatili sa kwarto nila dahil baka biglang bumalik ang mga taong nanloob sa kanila. Ayokong makonsensya kapag may nangyaring masama sa kanila na wala akong nagawa.   “You can stay in my unit for tonight. I have a spare room for both of you,” putol ko sa pinag-uusapan nilang dalawa.  Hindi ko sila pwedeng hayaang lumabas pa ng ganitong oras lalo na at may nanloob sa kwarto nila. Baka mamaya ay hinihintay lang sila nitong lumabas para ituloy ang kung anumang balak nyang masama.   Pagpasok sa unit ko ay tinuro ko lang sa kanilang dalawa ang kwarto nila bago ako pumasok sa sarili ko ding kwarto. Habang naririnig ko silang nag-uusap mula sa silid ko ay saka ko lang narelize na hindi ko pa pala alam ang kahit pangalan niya.  Ang alam ko lang ay kapitbahay ko siya at isa siyang maingay na babae.  Maybe some people really leave a trace in your life even if they don't put in much effort. Traces that either leave puzzled or speechless.  Kinuha ko ang isang malaking tshirt ko ng marinig kong bumukas ang silid nila. Mukhang hindi ito makatulog. Nang lumabas ako ay ilang minuto ko pa itong pinagmasdan bago ko nilapitan ng makarating sya ng sala.  “Where are you going?” tanong ko.  “Nakakagulat ka naman. Hindi kasi ako makatulog. Pupunta sana ako sa kabila para maghanap ng damit na pamalit.”  “Here. Lumabas din ako para talaga iabot sa’yo ‘to,” saad ko bago inabot ang tshirt na kinuha ko para sa kanya.  Aalis na sana ako at muling babalik sa silid ko. Pero may bigla akong naalala kaya tinanong ko siya kung matutulog na ito. Nang sumagot siyang hindi pa naman daw ay tumayo ako mula sa island counter na kinauupoan ko bago naglakad palapit sa kanya.  “Gunner Montalbo. But you can just call me Gunner,” I said, extending my hand on her.   I saw how shocked or confused she is right now. I didn't even expect that I would do this kind of thing. I am just fine being a stranger.  “Anong nangyayari? May sakit ka ba?” hindi niya makapaniwalang tanong sa akin habang nakatingin sa kamay kong nakalahad sa kanya.  “I want us to start on the right foot. Is that bad?” I shrugged Alanganin man ay inabot niya sa akin ang kamay niya at nagpakilala. “Aglaea Roseanne Villarin. You can call me Roseanne or Roan for short,” she stated but still hesitated.  I smiled when she accepted my hand. “Nice meeting you, Aro!” I said before turning my back on her and leaving her alone in the receiving area.  Hindi ko alam kung bakit pero habang naglalakad din ako pabalik ng kwarto ko ay hindi mawala ang ngiti ko.  I can still imagine her face a while ago. Is what I did really surprising? I still can't believe I did that thing. Because if I'm the one to be asked, I'm also not interested in us being closer than being neighbors. Maaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas ng kwarto. Akala ko pa ay may nakapasok na magnanakaw pero wala naman akong naririnig na ingay mula kay Horace. Nang lumabas ako ay nagulat ako ng makita ang mga pagkaing nasa lamesa ko at isang babae ang nasa kusina at nakatalikod sa akin habang abala sa kung ano ang ginagawa nito. Saka ko lang naalala ang nangyari kagabi at kung bakit may babae akong kasama.  “Oi, good morning pogi!  Ang sarap mo pala pag bagong gising este magdamit ka naman,” nakangiting bati sa akin ni Diwa ng humarap ito.  “Good morning!” sagot ko na wala sa kanya ang atensyon.  “Lumabas lang si Roseanne para kunin ang juice niya sa kabilang bahay. Nagluto pala sya ng almusal. Halika na.”  Tumango lang ako at muling nagpaalam para maghilamos. Kumuha na rin ako ng tshirt dahil baka buong umaga ay pagpyestahan ni Diwa ang katawan ko. Paglabas ko ay nandoon na si Aro at halos masamid pa ako sa itsura nitong habang suot ang tshirt ko. Ngayon ko lang ito napagmasdan at talagang bumagay dito ang suot niya na para bang pag-aari ng damit na ‘yun ang katawang yakap-yakap nya.  “Good morning, Gunner!” nakangiti nyang baling sa akin at halos maubo ako ng makita ang itsura nitong bakat na bakat ang dibdib dahil sa walang itong suot na pang-ilalim.  Mukhang sasakit pa ang ulo ko dahil sa mga ito. Kailangang maayos agad ang kwarto nila dahil ayoko ng bigyan ang sarili ko ng panibagong problema.  At baka hindi lang ulo mo sa taas ang sumakit, idamay mo na rin ang ibaba, Gardencio!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD