KABANATA VIII

2356 Words
CHAPTER VIII  ** DAY WITH MR. SUNGIT  AGLAEA ROSEANNE  HINDI KO ALAM kung paano namin tatapusin ni diwa ang mga kalat na nasa harapan namin. Mula sa sala hanggang sa kwarto ay halos binaliktad nila ang buong bahay namin. Gusto pa nga ni Diwata na magfile kami ng kaso o sabihin ko daw sa Tatay ko para bigyan kami ng proteksyon dahil baka bigla itong bumalik.  Gustuhin ko man ay ayaw ko ng bigyan pa ng sakit sa ulo ang mga magulang ko. Baka kapag nalaman nila ang nangyayari sa akin dito ay ora mismo mag-aalsa balutan ako.  “Ano Roseanne tutu nganga na lang tayo? Baka naman gusto mong bilisan at ng makalinis na tayo,” asik ni Diwa ng makita akong nakaupo pa rin sa harap ng lamesa.  “Dinadama ko pa ang kinain ko. Mauna ka na sa kabila,” utos ko sa kanya.  Pero ang totoo ay naiilang na akong tumayo dito sa kinauupoan ko lalo na at nasa malapit lang si Gunner. Bigla akong nahiya sa sinabi niya kanina dahil nawala naman talaga sa isip ko na lalaki sya at ibang tao. Masyado akong nakampante kaya nakalimutan ko ng wala akong bra na suot.  Nang lumabas si Gunner ay mabilis rin akong tumayo at niligpit ang mga pinagkainan ko. Pero ang payapa kung paghuhugas ng plato ay nabulabog ng may tumabi sa akin. Nang tingalain ko ito ay seryoso itong may kinukuha sa tabi ko. Ngayon ko lang ito nakita ng ganito kalapit at hindi ko talaga maikakaila ang kagwapuhan nito. Animo’y meron itong sariling standard ng itsura na hindi mo maihahalintulad sa iba.  “Alam kong gwapo ako pero huwag mo naman akong tingnan na parang hinuhubaran,” aniya dahilan para gulat akong mapakurap-kurap.  “A-ano bang sinasabi mo? Umalis ka nga dyan para matapos na ako sa paghuhugas ko,” taboy ko sa kanya para lang iwan ako nito at hindi na kulitin.  Dahil natatakot akong tumagal pa sya dito sa tabi ko at baka mapansin niya ang namumula kong mukha ngayon. “Ay, kalabaw!” gulat kong sigaw ng bigla itong dumukwang sa harap ko.  Pati paghinga ko ay napigilan ko na yata dahil sa sobrang ilang ko na ilang dangkal na lang ang pagitan ng mukha namin. “Hindi ako kalabaw! I think i am much better than carabao. You want to try?” nakangisi nyang tukso lalo sa akin.  Bago pa ako makasagot sa kanya ay bigla na itong lumayo sa akin at naglakad palabas ng kusina nya.  What happened just now? I feel like I was hypnotized as I look at him and I can no longer think clearly.  Nakakahiya ka, Aglaea Roseanne!  Paglabas ko ng bahay ni Sungit ay si Horace na lang ang nakita ko. Hindi ko na mahanap ang amo niyang. Nakita ko pa si Aling Mema na sobrang problemado dahil ito daw ang unang pagkakataon na may nangyaring ganito sa compound niya. Kaya sandamakmak na reklamo ang ginawa nya sa Subdivision at sa mga gwardiya dito.  Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at naghanap ng bra dahil baka makita na naman ako ni Sungit at kung ano na naman ikumento nito sa akin. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya kaninang almusal daw ang ihain ko at hindi ang sarili ko.  Kasalanan ko bang wala akong masuot at hindi ako komportable na may suot na bra matulog.  Ilang beses ko pang binaliktad ang mga gamit sa loob ng kwarto ko bago ako nakahanap ng bra. Wala namang tao dito bukod sa akin at kay Diwa kaya dali-dali kong hinubad ang tshirt na suot ko at sinuot ang bra ko.  “What the f**k are you doing?” halos umalingawngaw ang baritonong boses na ‘yon sa buong silid ko.  Nang lingunin ko ito ay halos magkadugtong na ang kilay nito sa sobrang sama ng tingin nya sa akin. “What the hell?!” balik ko ding sigaw sa kanya bago tinakpan ang sarili ko. “Anong ginagawa mo dito? Oh, God! Oh, God! Where is my f*****g shirt? Did you see something?” natataranta kong hanap sa damit ko ng hindi ko ito makita.  “Tsk! I didn't and I am not interested. You act like I was the one at fault in this. Binebenta mo ba ang katawan mo sa akin? Dahil kung oo ay ngayon pa lang sinasabi ko sayong hindi ako interesado,” he smirks, as if the idea makes him sick.  “No, I'm not! Nasaan na ba kasi ang damit ko? Huwag ka ng tumingin!” “Wala ka namang kailangang takpan dahil hindi naman yan kalakihan para pagnasaan. And next time learn to make yourself safe first before you strip in front of other people,” he hissed before throwing a shirt on me.  It was his shirt, the one I was wearing a while ago.  Ngali-ngali ko na lang batukan ang sarili ko ng makaalis si Gunner sa harap ko. Nakakahiya ka talaga, Aglaea Roseanne! Ilang beses nya ng nakikita ang katawan mo pero hindi ka pa rin marunong ingatan ang sarili mo.  Kung ibang lalaki siguro ang nakakita sa katawan ko ay nalapa na ako ng wala sa oras.  “Hoy! Anong ginagawa mo diyan?”  “Wala. Umiiral na naman ang katangahan ko.”  “Wala ng bago doon, kaya halika na at maglinis,” saad nya bago ako hinila palabas ng kwarto ko.  Paglabas ko ay hindi ko na makita si Sungit kaya baka umalis na ito. Maghapon ay abala kaming dalawa ni Diwa sa pagliligpit ng bahay. Minsan ay tumutulong si Aling Mema kapag hindi ito abala dahil nakokonsensya nga siya sa nangyari sa amin. Nagpadala din si Aling Mameng ng meryenda para sa amin at sa mga tumutulong sa aming dalawa.  Sa maghapon ay hindi ko na nakita si Gunner. At bago mag dilim ay natapos na kami sa mga dapat naming gawin. Hindi na nga yata kami nakapag hapunang dalawa dahil sa sobrang pagod. Basta ng lumapat ang likod ko sa kama ay dire-diretso na akong nakatulog. Mukhang ganoon din si Diwa dahil wala na akong narinig na tawag mula sa kanya.  ❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤ Napangiwi ako ng magising ako dahil sa sakit ng katawan ko. Alas otso na ng umaga pero halos ayaw ko pang bumangon. O mas madaling sabihin na hindi ako makatayo dahil sa sobrang pagod at pananakit ng kasukasuan ko. Daig ko pa ang naghazing sa iniinda kong sakit ngayon. Ayokong tumayo pero naiihi na ako at nagugutom kaya wala akong choice.  Ayoko na talagang maging masipag last na kahapon.  Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Diwa na nakahilata sa couch na mukhang kakagising lang din at masakit ang katawan gaya ko.  “Good morning!”  “Walang good sa morning, Roan! Ang sakit ng katawan ko,” reklamo niya habang nakasubsob ang mukha sa unan.  Wala kaming magagawa kung hindi ang tumawag na naman na hindi kami makakapasok gaya kahapon. Baka kapag pumasok ako at maka encounter ng malditang customer ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at patulan ito.  “Nagugutom na ako,” reklamo ko ng mahiga ako sa tabi niya.  “Ako din,” segunda nya bago sabay na naman kaming napabuntong hininga.  Kinuha ko ang cellphone ko at nag inform sa kanilang hindi pa rin kami makakapasok ni Diwata. Wala na naman akong sasahurin nito dahil puro pambayad na lang sa credit card ko ang pinasok ko ngayon sa dami ng gastos ko.  Matapos kong tumawag sa opisina ay nag-order na lang din kami ng pagkain namin para sa maghapon. Walang tayuan at liguan ang eksena naming dalawa. Talagang sulit ang pahinga namin dahil wala ding istorbo sa pamamahinga namin bukod sa mga delivery. Pagdating ng hapon ay medyo nakakakilos na ako dahil epektibo ang gamot na binigay ni Aling Mema sa amin kanina. Napangiti ako ng makita ko si Horace at Gunner sa ibaba ng building. Malayo pa lang ay parang naaamoy ko na si Gunner na sobrang bango dahil sa sobrang neat ng pananamit nito ngayon. Sabagay laging maganda ito manamit.  “Hi!” bati ko ng makalapit sa kanilang dalawa. “Saan kayo galing?” patuloy kong tanong ng hindi ito sumagot.  Nakaharap ako ngayon kay Horace at nilalaro ito. Pero inaasahan ko pa rin na sasagot sya dahil imposible namang si Ace ang asahan kong gumawa noon para sa kanya. Tinamaan ka ng lintik ilang minuto na ay hindi man lang ito sumagot at ng silipin ko ito ay abala sya sa cellphone niya. Napanguso pa ako ng maglakad pa ito palayo at ilagay ang cellphone sa tenga.  “Tsk! Masungit na nga suplado pa. Iyang Tatay mo Ace daig ka pa sa pagiging menopause,” bulong ko na lang habang hinihimas ang ulo nito.  Dati gusto kong mag-aso kaso noong nagbukod ako ay naisip kong hindi ko na ito magagawa dahil nga sa walang magbabantay sa kanya kapag pumasok ako ng trabaho. Sarili ko nga hindi ko na daw maalagaan sabi ni Mommy noon. Kukuha pa daw ako ng isa pang aalagaan.  Nakakawala kaya ng stress ang mga hayop. Nakakatulong din sila kapag kailangan mo ng kausap at mapaglilibangan.  Akala ko pagbalik niya ay kakausapin na ako nito, pero sa dismaya ko ay tinawa lang nito si Ace na mabilis ding tumakbo palapit sa kanya. Galit na naman ba ito sa akin? Akala ko ba okay na kami? Kaya nga nagpakilala na sya sa akin. Pero ngayong nakaharap ko na ito ay mukhang mali na naman ang akala ko.  “Bakit mo tinatanaw ang mailap kong border?”  “Aling Mema, kayo po pala.” Napakamot ako sa ulo at saglit na nag-isip kong ano ang idadahilan ko sa kanya. “Ah, napapaisip lang ako kung ano ang trabaho niya. Mukhang hindi sya laging busy eh!” pagsisinungaling ko.  “Ah, may regular na trabaho ‘yan si Gunner. Pero meron din syang shop na nagtitinda ng mga gamit ng mga pulis. Iyon ang alam ko ah! Kasi hindi rin naman palakwento ang batang ‘yan kahit matagal na siyang nakatira dito sa akin,” patuloy ni Aling Mema.  Wala sa itsura nya ang pagiging well established nya ah! Pero ang pagiging masungit ay mula dulo ng buhok niya hanggang sa talampakan nya na yata. Kumbaga hindi nya na kailangang magsalita para masabi ‘yon dahil tingnan mo pa lang ito ay makikita mo na ang ugali nyang ‘yun.  Nagpaalam na ako kay Aling Mema at naghanap na ng magiging hapunan naming dalawa ni Diwata. Pero habang naglalakad ako ay isang kotse ang huminto sa gilid ko. Nang linungin ko ito ay eksaktong bumaba ang bintana sa gilid ko at dumungaw doon ang Tatay kong nakasimangot na. Siguro ay kanina pa nila ako hinihintay lumabas kahit ilang beses ko ng sinabi sa kanila na tumawag muna bago pumunta sa akin.  “Where are you going at this hour?”  “I’m looking for something to eat, Dad.”  Pagpasok ko sa kotse ay mabilis akong niyakap ni Mommy na mukhang miss na miss ako. Sabagay ilang buwan na rin mula ng huling beses kaming nagkita. Madalas ko kasi silang iwasan kahit pa ilang beses din nila akong kinukulit para makipagkita. Lagi kasi nilang pinipilit na umuwi na ako at ituloy na ang kursong natapos ko, kesa daw nagtitiis ako sa ganitong trabaho.  This kind of job is what makes me happy, not because of what I earn. But because of the freedom it gives me every time I see them smile.  “At this hour? Are you serious? Delikado ng lumabas ng ganitong oras.”  “Dad, alas otso pa lang ng gabi. Grabi ka naman makareact.”  “You’re Dad is right. Lagi kaming wala sa tabi mo at pareho pa kayong babae ni Diwata kapag may nangyaring masama sa inyo ay walang magtatanggol sa inyong dalawa,” dagdag pa ni Mommy na ikinasimangot ko lalo.  “I leave your premises to have life without this kind of reminder, but here you are doing the same old routine. I missed you both and I loved you, that's why I am doing my best to live a safe and happy life with my friends.”  “Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka. Naku Condrado! Pagsabihan mo nga iyang anak mo.”  Nagkatinginan na lang kami ni Dad bago sabay kaming tumawa ng kusa ng sumuko si Mommy sa akin. Alam nya naman kasing hindi rin ako makikinig sa kanila kahit anong pilit nila. Baka maulit pa ang gaya ng dati at muli ko lang silang layasan.  Sinamahan na nila akong magdinner at nagtake out na lang ako ng pagkain para kay Diwata dahil baka umiyak na naman ito sa gutom.  Sa tagal naming hindi nagkikita ay hindi ko namalayang inabot na kami ng isang oras sa pagkukwentohan habang kumakain. Masyadong napasarap ang catching up moments naming tatlo.  “Why do I need to attend that party, Dad? You know i don't like socializing,” pagkontra ko agad sa sinasabing party ni Daddy. Mula noon ay inaayawan ko na ang makipag socialize sa mga party. Kaya madalas ay gumagawa talaga ako ng rason para hindi ako makapunta. Alam nilang dalawa ‘yon.  “Senator Galvez is inviting us. And he wanted to meet you before the formal announcement of your engagement with Brandon.”  Parang may sumabog na bomba sa harapan ko habang kaswal na kaswal na sinasabi ng Tatay ko iyon. Minsan na lang kaming magkikita ay ganitong balita pa ang sasabihin nila sa akin.  I don't want to get married.  “I never said I wanted to get married. And I hate Brandon even more. If you need a child for the marriage for convenience that you plan, it is better to just find someone to be your child. I would never marry an a*sholes like Brandon!” asik ko bago nagmamadaling lumabas ng restaurant.  Hindi ko pa nga na iienjoy ang buhay ko gusto na nila akong matali sa isang gaya ni Brandon.  Nababaliw na ba ang magulang ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD