“Ano to?” ang tanong ni Kanor kay Cha-cha ng kinatok siya nito sa kanyang kubo. “Pasalubong ko yan sayo,” matamis na ngiti pa ng dalagang nakauwi na galing sa kanilang lugar. Binuksan ni Kanor ang lalagyan na plastic at ng iladlad ay ilang pirasong puting bimpo. “Napansin ko kasi na wala ka man lang pamunas pawis lalo na kapag bumabayo ka ng palay. Kaya hayan, binilihan na kita para may pamunas ka,” ang paliwanag ni Cha-cha sa binata. “Salamat, Cha. Pero sana hindi ka na nag-abala pa at baka wala ka ng pera,” pag-aalala pa ni Kanor sa dalaga dahil alam niyang marami itong kapatid na maliliit pa. “Huwag mo akong intindihin, Kanor. May natabi na rin naman ako para sa sarili ko,” sagot ng dalaga na kaya may sobrang pera ay dahil nga kay Mang Buro at Mang Ige. “Sigurado ka, ha? Baka kasi

