“Kaya naman pala hintay ako ng hintay sayo pero hindi ka dumarating ay bumabayo ka na naman pala ng palay,” si Aling Ligaya ang nagsalita. Hindi napansin ni Kanor ang paglapit ng among babae sa kanyang kubo dahil abala talaga siya sa pagbabayo ng palay. At kailangan niyang matapos lahat dahil siguradong masesermunan siya kay Mang Buro sa oras na konti lang ang makitang nabayong palay. Itinigil na muna ni Kanor ang ginagawa at nagpunas ng pawis gamit ang puting bimpo na ibinigay sa kanya ni Cha-cha. Napansin kasi ng dalaga na ang damit niya rin ang pinamumunas niya ng pawis kaya naisipan nitong bilhan siya nito para talagang may pamunas siya ng pawis. “Aling Ligaya, kayo ho pala? Bakit naman ho kayo naglakad sa initan? Sana pinatawag niyo na lang ho kay Cha-cha kung kailangan niyo ho ako

