“Bukas mo ma gawin ang lahat ng mga yan, Buracha. Maaga ka ng magpahinga at matulog,” sabi ni Aling Ligaya sa dalagang kasambahay na wala pa rin tigil sa kakalinis at kusko sa kusina kahit gabi na. “Tapusin ko na lang po, Aling Ligaya,” sagot ni Cha-cha na hindi pa rin tumitigil sa ginagawa at patuloy pa rin sa pagppupunas ng pagpupunas sa kusina. “Hindi na, Buracha. Ipagpabukas mo na lang para makapagpahinga ka ng maaga. At saka, malinis naman na lahat yan. Kaya sige na at lumabas ka na ng maaga kang makapagpahinga,” giit ng among babae na kulang na lang ay itulak palabas ng pinto ang kasambahay para lumabas na ito ng bahay niya. Gusto pa talagang maglinis ni Cha-cha dahil iyon ang nakasanayan niyang gawin sa araw-araw. Kaya nagtataka siya kung pinipilit talaga ni Aling Ligaya na magpa

