“Bakit ngayon ka lang na kanina pa kita hinihintay?” ang malambing na tanong ni Aling Ligaya ng mabungaran na sa pintuan ang binatang tagabayo ng palay na inutusan niya ngang sumunod dahil sira raw ang kanyang lababo. “Marami pa ho kasi akong iniligpit Aling Ligaya,” sagot pa ni Kanor na napakamot pa sa likod ng kanyang ulo. Pumasok na ang binata sa loob ng bahay. Wala ang sasakyan ni Mang Buro kaya alam niyang wala ang among lalaki samantalang si Cha-cha ay mamaya pa raw hapon ang balik sa rancho. “Ano ho ba ang sira sa lababo, Aling Ligaya?” tanong ni Kanor at saka na tinunton ang daan patungo sa kusina. “Sira kasi ang gripo, Kanor,” ani ng among babae na nagpatiuna na nga sa kusina para puntahan ang lababo. Binuksan ni Aling Ligaya ang gripo na umagos naman ng maayos ang tubig. “K

