“Nasaan na naman ang magaling mong amo? Wala na naman? Nag lamyerda na naman ba kasama ng mga amiga niya na walang mga alam kung hindi magwaldas ng pera?” tanong ni Mang Buro ng makauwi ng bahay sa kasambahay na si Buracha. Natataranta namang tumango si Buracha at itinigil mo na ang pagwawalis sa labas ng bahay. “Kanina pa ho umaga umalis si Aling Ligaya, Mang Buro. Wala po siyang sinabi pero malamang na sa mga amiga niya nga po talaga ang kanyang punta,” ang sagot ni Buracha. “Ikuha mo ako ng yelo, dalian mo,” ang utos ni Mang Buro at saka naman nagmamadali si Buracha na sumunod sa amo. May dala na namang alak si Mang Buro kaya malamang na mag iinom na naman ito. Pumwesto lang sa sala si Mang Buro umupo sa malambot na sofa habang itinaas ang mga paa sa maliit na center table na para

