ESMERALDA "Ano ang plano mo babae? Ang akala mo yata mapaniwala mo ako sa sinabi mo, na may gustong magnakaw kanina sa sasakyan ko? Magkano ang gusto mo para umalis ka sa pamamahay namin?" Sabi ng arogante sa akin nang makapasok na kami sa kanyang silid. Dito ako pinatulog ni ma'am Jasmine. Ayaw pa nga pumayag ni arogante ngunit mapilit si ma'am kaya wala na siyang nagawa pa kundi sinama niya ako dito sa loob ng kanyang silid. Ang ganda at ang laki nang kanyang kwarto. Malaki pa yata ito sa bahay ni tintuluyan ko. Manly na manly ang pintura. Lahat na gamit naka organize nakakatakot humakbang baka kunting mali lang pagbabayarin ako ng arogante. Buong araw kami nasa gazebo nag uusap kasama si Ma'am at Sir. Ang arogante pagkatapos kumain umalis naman kaagad. Baka pumunta sa opisina niya ka

