ESMERALDA "Mommy sobrang dami na po nito. Nakakahiya na po!' nandito kami ngayon sa isang Mall. Pagkatapos namin maipadala ang pera kay Nanay. Dito ako dinala ni ma'am Jasmine sa malaking Mall. Halos maluluwa ako sa presyo ng isang damit. Kailangan ko daw mag bihis ng mga mamahalin dahil parte na ako ng kanilang pamilya. Minsan daw dadalhin niya ako sa mga party para ipakilala sa kanyang mga amega kaya kailangan ko na daw masanay. Kaya kahit ayaw ko, wala na akong nagawa kundi pumayag para sa aming plano . "Wow pak na pak ang beauty mo girl. Para kang diyosa na bumaba sa langit. Porda light make up lang ang nilagay ko sa mukha mo. Grabi madam ang handa ganda ng future daughter in law mo. Tiyak mamaya kapag nakita ka ni Senyorito maglalaway 'yun sa beauty mo girl." Papuri ng bakla na uma

