ESMERALDA Ang bilis nang panahon tatlong buwan na ako dito sa Manila. Parang kailan lang, ngunit ngayon namumuhay na akong mag-isa. Laging sinasabi ni Nanay na umuwi nalang ako sa kanila. Na huwag nalang kunin ang iniwan ni Tatay dahil magaling na siya at kung ipilit talaga ni Mang Onge ang pagsingil sa amin tungkol sa utang namin ay ibibigay nalang daw ni Nanay ang bahay basta magkasama lang kami. Pero hindi naman ako makakapayag na mangyari iyon. Ang bahay at ang sakahan nalang ang tanging alaala at iniwan sa amin ni Tatay. Kaya nakiusap ako kay Nanay na bigyan pa ako ng tatlo pang buwan. Sinabi ko, kong hindi ko pa makuha pagkatapos ng tatlong buwan uuwi na ako sa amin. Dahil sabado ngayon at wala akong pasok sa trabaho. Pagka tapos kong maglaba ng aking mga maruming damit. Nagpah

