ESMERALDA "Tell me about yourself. Paano kayo nagkita? I need to know everything about you." Sabi ni ma'am Jasmine sa akin. Nandito kami sa loob nang kanilang library. Alas 10 pa lang ng umaga. Pagpasok namin kanina sa loob hindi ko na nakita si arogante. Dito kami dumiretso ni ma'am Jasmine sa kanyang library. Kung gaano ka ganda sa labas, mas triple ang ganda sa loob ng kanilang bahay. Ang kintab kintab ng sahig parang nakakatakot apakan baka madumihan. Ang mga chandelier na nakasabit sa kisame sobrang ganda mansyon na mansyon. Tatlong palapag ang kanilang bahay. Halos lahat ng mga gamit kumikinang sa linis at ganda nakakatakot hawakan. Nanalamin pa nga ako kanina sa hagdan nang paakyat kami ni ma'am Jasmine. Mabuti nalang medyo maganda pa ako kahit pagod kanina sa pagtakbo. Ang daming

