ARVEY FLASH BACK CONTINUATION "Hey bro! Parang inlababo na talaga ah! Bihis na bihis saan ang lakad?" nakangising tanong ni Brent sa akin nang makapasok siya sa aking kwarto. Naghahanda ako para sunduin si Loisa sa kanyang apartment. Sabado ngayon kaya ngayon na ang plano kong magtapat sa kanya. Hindi ko inaasahan na pupuntahan ako ni Brent. Ang akala ko nasa Tagaytay pa ito sa kanilang resort. Humarap ako sa kanya saka ngumiti. "Kamusta Bro? Ang akala ko nasa Tagaytay ka? anong masamang hangin ang pumasok sayo para pumunta dito? Wala bang chicks kaya ka nagpakita sa akin. Kagabi kasi tinawagan ko kong paano ba manligaw. Tinawanan lang ako ng gago. Saka may narinig akong umuungol. Wala pa akong karanasan sa mga ganyan. Ngunit hindi naman ako inosenti sa bagay na 'yun. "Diba tumawag ka

